WIMTM 44 ~ J. ROSIE

187 6 2
                                    

CHAPTER 44

~*~


ALI'S POV

Habang busy ang professor namin sa pagdidiscuss kung ano ang final matrix sa magiging final defense namin ay biglang may kumatok na isang lalaki na pumukaw ng atensyon ng buong klase.

May dala itong bouquet of blue roses.

"Pasintabi po sa abala pero dito po ba nagroroom si Ms. Aliya San Juan?" Tanong ng lalaki.

Mukhang outsider ito, a delivery man.

Nagulat ako sa pagsabi niya ng name ko. Tumingin sa akin ang prof namin at ang buong klase. Sa tingin ko kailangan kong tumayo.

Kaya naman tumayo ako, "Yes po? Ako po 'yon."

"Ah...Ma'am may nagpapadeliver po para sainyo."

Nagtataka ako. Lumapit ako at tinignan ang flowers. "Sure po kayo?"

Nagtilian ang mga classmates ko sabay kanchaw ng "Yieeeeeee!!!" At si Carla naman with matching pa heart shape pa gamit ang kamay niya nang tumingin ako sakanya.

Medyo nagblush ako at nahiya. Kanino naman kaya galing ito?

"Ma'am Aliya pakipirmahan nalang po dito." Sabi ng lalaki at ginawa ko naman.

Tama nga, para sa akin nga ang blue roses dahil sa akin nakapangalan.

Pero nagtataka parin ako kung kanino naman 'to galing dahil walang nakalagay na name.

"Excuse me. Pero kanino po ba 'to galing?" Tanong ko sa delivery boy.

Ngumiti lang ito at napakamot sa ulo. "Sorry ma'am, confidential po eh."

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa naging sagot niya sa akin.

Paanont confidential? Grabe naman ang peg nun.

Kinuha ko ang flowers at bumalik na ako sa upuan ko, sa tabi ni Carla. Bakas sa mukha niya ang pagkakilig.

"Bessy kanino galing yarn!?" Excited at medyo malakas niyang tanong.

"Hindi ko rin alam bessy." Pabulong kong sabi habang nakatitig parin sa flowers at hindi makapaniwala.

This is not my first time na makatanggap ng ganito sa oras ng klase pero this is my first time na may magbigay sa akin ng blue roses na ibang tao except daddy.

My favorite.

"Ay may card?! Basahin natin." Saad ni Carla nang mapansin niya na may card ngang kasama ang flowers.

May nakasulat...

"You're like a flower. You always bloom and keep shining. You're a complete ravishing beauty.  ----- Your Admirer, Mr. Bear."

"When I Marry The Monster" [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon