WIMTM 51 ~ J. ROSIE

200 7 4
                                    

CHAPTER 51

~*~

ALI'S POV

She's back.

Hindi ko alam kung saan ba ako dinala nang aking mga paa matapos kong tumakbo palayo, palayo kay Dylan at kay Janine dahil sa sakit na naramdaman ko at halos inabot na ako ng gabi sa aking paglalakad.

Mugto ang aking mga mata, matamlay ang aking paglalakad sa gilid ng isang malawak na kalsada kung saan tumatakbo ang mabibilis na sasakyan.

Hindi ko alam kung hanggang saan ba ako maglalakad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko alam kung hanggang saan ba ako maglalakad. Hindi ko alam kung kailan ba ako hihinto sa paglalakad. Basta ang alam ko lang ay gusto kong lumayo habang ang tanging tumatakbo sa isip ko ay "bakit?"

Masasaktan nanaman ba ako?

Bakit sa tuwing ibinubukas ko kay Dylan ang puso ko, bakit sa tuwing minamahal ko ulit si Dylan nang sobra at ibinibigay ko ang sarili ko, bakit sa tuwing nagiging masaya ako kasama siya bigla nalang nagiging ganito ang lahat? Bakit bigla nalang babawiin rin sakin ito ng tadhana?

Tama nga talaga ang sinasabi nila. Too much happiness could lead to too much sadness.

This time, pangalawang beses ko na 'tong naranasan. No, tatlong beses na pala.

Una, ang kasal namin ni Dylan. That day, sobrang saya ko kahit na kinabahan at natatakot rin ako. But what happened after that wedding? Dylan becomes so cold to me.

Pangalawa, sa Isabella. Sobrang saya ko na dinala ako doon ni Dylan and we got a chance to have time for each other. Doon rin nangyari ang unang gabi naming pinagsaluhan ang isa't-isa. But what happened again? Bigla siyang umalis at sa biglaang pagbalik naman niya, nasaktan niya lang ulit ako.

At ngayon naman, halos kahapon lang sobrang saya ko sa naging carnival date namin. Dylan was so sweet, gentle and caring that moment hanggang sa may mangyari sa amin ulit dahil ginusto ko rin 'yon. Pero ngayon, ano nanaman ba 'to? I just saw him kissing her, that girl, Janine. Hindi lang siya simpleng babae dahil even before alam ko naman na siya talaga ang nagmamay-ari ng puso ni Dylan at hindi ako.

So it means nagbalik na siya, tapos na rin ang pagiilusyon ko at paghahangad na magkakaroon pa talaga kami ng happy ending ni Dylan.

Mukhang malabo na talaga.

Bakit ba ako sinasaktan ng ganito ng tadhana? Bakit ba trip na trip mo ako tadhana? Masaya ka ba sa tuwing nangyayari sakin 'to?

Sa walang humpay kong paglalakad ay dinala ako ng mga paa ko kung saan. Sa isang lugar na tahimik at wala masyadong tao na. Sa isang park at doon ako naupo sa bench.

"When I Marry The Monster" [BOOK 1]Where stories live. Discover now