WIMTM 32 ~ J. ROSIE

213 6 0
                                    

CHAPTER 32

~*~

ALI'S POV

Next morning ay masigla akong gumising dahil sa sarap ng simoy ng hangin. Binuksan ko ang bintana sa kwarto namin ni Dylan na gawa sa kahoy. Wala na si Dylan sa tabi ko ng magising ako. Hindi na namin nagawa magikot-ikot kahapon kaya ngayon ko 'yun gagawin!

Excited ako!

Habang pinagmamasdan ang ganda ng tila paraisong ito, nakita ko si Dylan na naglalaro ng basketball kasama ang ibang mga Agta na binatilyo. Lima silang naglalaro. Lahat sila ay nakatopless. Kahit si Dylan pa. Dahil doon, nakita ko nanaman ang katawan ni Dylan na pinagpapawisan. Ang ganda, kasing ganda ng view. Kahit hindi na ako magalmusal, feeling ko busog na ako sa nakita ko. Kape nalang ang kulang dahil sa mga pandesal sa katawan niya.

Napangiti ako ng mapansin kong sobrang saya ni Dylan na makipaglaro sakanila. Parang bumalik ulit siya sa pagkabata habang pinagmamasdan ko ang mga ngiti niya kasama rin ang mga ngiti ng Agta.

Agta at Dumagat ang tawag nila sa mga taong naninirahan dito. Hindi ko alam kung ako lang 'to pero for me, ang cool ng tawag sakanila.

Lumabas ako ng balkonahe ng kubo. Nakita ako ni Choleng at tsaka binati.

"Good morneng!" English niyang pagbati sakin pero bakas parin ang pagkakaroon ng punto sa wika.

"Hello! Good morning!" Bati ko naman at pumasok na siya sa loob.

Matapos ay lumapit sakin si Dylan, pawisan talaga siya. Diko maiwasan ang mapalunok. Hinahabol niya ang hininga niya habang nakapamewang at nakatingin sakin.

"Can you...give me some...water?" Hingal niyang sabi. Ako naman dali-daling kumuha ng tubig para sakanya.

Pagkakuha ko ay iniabot ko sakanya ang bottled of water. Kinuha niya at uminom. Tapos ay ibinuhos niya ang natirang tubig sa katawan niya para maginhawaan. Parang nag slow motion ang pagagos ng tubig from his chest down to his sexy six pack abs! Napapatulala nalang talaga ako.

Ang aga mo Dylan!!!

"Ano? In love ka nanaman?" Interrupt niya sa pagtitig ko sa mga abs niya. At tanging "Huh?" Nalang ang nasabi ko sakanya bago siya umalis hanggang sa napanganga nalang ako dahil sa kahihiyan.

*****

Naglakad lakad ako, at nakakita ako ng mga batang nakaakyat sa puno ng bayabas. Hindi naman kataasan ang puno at hindi rin katabaan ang sanga nito. Pero kaya paring akyatin.

Namimitas ang mga batang Agta ng bayabas at masaya nila itong kinakain. Napatingin sa akin ang isang batang babae na Agta. Ngumiti ako sa tingin niya at nagwave.

"Hi?" Bati ko.

Tumakbo ito papalapit sakin at tsaka binigay sa akin ang isang malaking bayabas nang walang sinasabi.

Nagbent ako para maging kapantay niya.

"Para sakin yan?" Masaya kong sabi sabay turo sa sarili.

Ngumiti ito at nakita kong isang ngipin lang ay mayroon siya sa kanyang front teeth. Napatawa ako dahil ang cute cute niya.

Kinuha ko ang bayabas na binigay niya. "Anong pangalan mo?" Sabay haplos sa pisngi niya.

"Adi." Matipid na sagot niya nang nakangiti  at tumakbo siya pabalik sa mga batang nangunguha ng bayabas.

Sinalo ni Adi ang mga bayabas na hinuhulog ng batang lalaking namimitas. Ganun rin ang iba.

"When I Marry The Monster" [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon