𝐒𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝

8 3 0
                                    

𝐂𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa ibabaw ng aking side table, katabi ang pulang sobre na nakita ko kahapon sa accent table na nasa tapat ng banyo

Hindi ko na lamang muna inisip kung ano ang nilalaman nito at nag handa na muna ako para pumasok

Ilang araw nalang naman kung tutuosin ang ipapasok ko sa paaralang pinapasukan ko ngayon kaya konting tiis nalang

Agad akong bumangon para magimpis ng higaan at nang matapos ako ay nag pakulo muna ako ng tubig para sa gatas at nag lagay ng tinapay sa toaster

Agad akong naligo at nagbihis ng uniform. Graduating high school na ako kaya naman lilipat na talaga ako ng school kasi hanggang high school lang ang inooffer nila.

Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin bago umalis ng bahay, siniguro ko ring nakakandado ang Gate bago ako umalis papunta sa sakayan ng jeep

Tulad ng dati, maluwag parin dahil maagap pa, napaka agap ko kasi lagi pumasok para hindi masyado matao

Tumagal pa ng kalahating oras ang pagaantay bago umalis ang sinasakyan kong jeep at di rin nag tagal ay narating ko na ang paaralang pinapasukan ko ngayon

Hindi pa ganon kasikat ang araw at iilan pa lamang ang mga nakikita kong naglalakad, mga estudyante na maagap pumasok, maintenance at mga guro

Hindi na ako naglibot pa at dumeretso na sa aming silid na bukas na

Dumeretso ako sa aking pwesto at Ibinaba ang bag na dala ko. Binuksan ko ito para sana kunin ang telepono ko ngunit may umaga ng atensyon ko

Yung sobre

Wala pa namang ibang tao bukod sakin sa loob ng silid kaya tinignan ko muna ito bago ko maisipang kunin at buksan

Naglalaman ito ng isang simpleng papel na may nakasulat na mukhang nangaanyaya

Greetings!

Congratulations for you had passed the qualifications for our Academy! We had been monitoring you for a while now, we know who and what you are Miss Axura Serene Ashturn. Your ability would be enhanced within our academy. We hope that you would accept this invitation to attend our academy for your well-being. Have a good day!

Sincerely yours, Elisys Gromn
Headmistress of Autheria Academy

Ibabalik ko na sana ang sulat sa loob ng sobre nang may biglang nalaglag mula sa likod ng sulat

Isang maliit na card, kasing laki nito ang mga tipikal na calling card. May nakatatak na logo na mukhang sa Autheria Academy binaliktad ko ito para mabasa ang isang nakasulat na nakapagpakabog ng dibdib ko

Kingshet

Bumalik ako sa katinuan nang may marinig akong dumaan sa tapat ng silid namin na nagtatawanan

Ibinalik ko na ang sulat at ang card sa sobre at nagpadala nalang sa kung saan man ako dadalhin ng mga isipin ko ngayon

Hindi nag tagal ay dumating na ang ibang mga kaklase ko at mukhang absent ngayon si Kathy. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman ito umaabsent nang hindi nagsasabi sa akin dahil ayaw nito na nagiisa ako

Hindi ko nalamang ito inisip pa at hinayaang lumipas ang mag hapon at kasalukuyan na akong nagaayos ng gamit ko up ang maka labas na ako ng silid namin dahil uwian na

Nang matapos ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na nag papaalam sakin ang iba kong mga kaklase

Sanay narin naman sila sa akin kaya ayos lang sa kanila ang inaasta ko. Nasa labas na ako ng gate ng school namin nang may maramdaman akong nakamasid sa akin

Imbes na dumeretso sa sakayan ay naisipan kong maglakad papunta sa ibang sakayan ng jeep at dumaan muna sa mga pasikot sikot at kung saan saang eskinita

Nagbitaw ako ng isang buntong hininga nang ma siguro ko nang wala ng nakasunod sa akin at dumeretso na sa sakayan ng jeep para makauwi

Nang makababa ako ay agad akong maglakad papunta sa bahay at agad na sinara ang mga maaaring pasukin ng kung sino man

Ibinaba ko ang bag ko sa kwarto ko at nagbihis agad ng pang bahay na damit at lumabas upang uminom ng malamig na tubig. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at nang masiguro kong wala akong ibang nararamdaman bukod sa nakalam kong sikmura ay binuhay ko na ang TV at nag handa na ng makakain ko

Nasa kalagitnaan ako ng pagpiprito nang marinig kong mag vibrate ang telepono ko sa kwarto kaya naman sumaglit muna ako para kunin ito at agad na bumalik para baliktarin ang manok kong piniprito

Tinignan ko ang caller at lumabas ang pangalan ni Kathy

Sasagutin ko na sana ito nang bigla itong patayin kaya naman hindi ko nalamang ito binigyan ng ibang kahulugan at tinapos na ang niluluto ko

Naghanda na ako ng pinggan ko at ilang kagamitan nang bigla kong marinig nanaman ang vibration mula sa telepono ko kaya naman kinuha ko ito sa counter ng kusina at sinagot ang tumatawag

"Bakit ka umabsent ngayo-" naputol ang pagsasalita ko nang marinig ko ang kabilang linya "What are you talking about?" nagtatakang putol sakin ni Kathy

Nagtaka ako sa tinanong niya. "Absent ka ngayong araw na ito, umabsent ka" pagdidiin ko pa rito. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya "Bangag ka ba Serene? Kakauwi ko palang ngayon kaya ako tumawag at anong absent? Tuleg, bukas absent ako oo, kaya magisa ka bukas kaya magiingat ka okay? Hala at magiimpake muna ako at pupuntahan namin ni papa bukas ang lilipatan namin" baba niya sa tawag kaya naman naiwan akong nakatulala

Napabangon akong hinihingal at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napalingon ako sa orasan ko sa side table para makitang magaalas kwatro palang ng madaling araw at tinignan ko ang date sa ibabaw noon, Kahapon kami magkasama ni Kathy... Paanong?

Bumangon muna ako para kumuha ng maiinom at nang makontento ang uhaw ko ay bumalik na ako sa silid ko, gayon nalang ang gulat ko nang mahagip ng mata ko ang sobre na pula

Hindi pa nabubuksan

Kumabog ang dibdib ko nang lapitan ko ito at buksan upang matignan ko ang nilalaman

Ganon nalang ang kaba ko nang mabasa ko ang nakasulat rito

Autheria Academy

Pati ang card, nandito. Itinalikod ko ito para tignan kung tama ang nasa isip ko

Ang nababasa ko ngayon ay ang mismong nakalagay sa panaginip ko

Wait for us

IPAGPAPATULOY

AutherianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon