𝐓𝐰𝐞𝐥𝐟𝐭𝐡

8 2 0
                                    

𝐔𝐧𝐟𝐨𝐫𝐞𝐬𝐞𝐞𝐧 𝐈𝐧𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭

Unti unti kong naramdaman muli ang aking paligid kaya iminulat ko na ang mga mata ko. May kalabuan pa ngunit di nagtagal ay umayos na ang paningin ko at bumungad sa akin ang mukha nilang lima

Tinignan ko ang paligid ko at mukhang nasa infirmary ako ng paaralan

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila dahil wala akong maalala para Malagasy ako sa sit- yung lalaki?

Naaalala ko na

Iniligtas ko yung suicidal na lalaki mula sa rooftop. Bakit ba naman kasi pati dito uso ang suicidal acts

"Hinimatay ka matapos mong iligtas yung lalaki kanina, buti nalang at nagising ka na, tatlong oras ka din walang malay e" ani Lucas

Tatango tango naman sila sa pagkukwento ni Lucas "Yung lalaki na iniligtas mo ay ang pamangkin ng headmistress, wala na itong mga magulang at wala naring asawa at hindi nagkaroon ng anak ang headmistress kaya kinopkop na niya ito dahil kamag anak niya rin ito" paliwanag naman ni Amy

"Ano na nangyari sa kanya?" tanong ko sa mga ito "Kinakausap daw ito ngayon ng headmistress dahil wala sila g napapansin na kakaiba sa mga ikinikilos nito" sagot ni Jade

Tahimik lang na nakikinig si Kouta at Timothy. Tatango tango na lamang ako habang umaayos ng higa sa kama

"Pero ang astig nung ginawa mo, maraming bumilib at namangha dahil bibihira ang may ability ng water manipulation, liquid pa ang iyo kaya kahit anong klase ng likido pa ang magagamit mo" papuri naman ni Lucas kaya iminuwestura ko na lamang na wala akong magagawa dahil iyon ang abilidad ko

Maya maya pa ay dumating na ang nurse na nag tulong sakin at pinayagan na ako nitong maka balik sa klase dahil may isa pa kaming klase ngayong hapon

Usap usapan parin sa buong mag hapon ang nangyari kaya nililingon nanaman ako ng mga tao at hindi ko parin nakakasalamuha ang lalaki

Pabalik na kami sa dorm namin nang matanaw ko mula sa nilalakaran namin ang isang lalaki na nakaupo sa may harap ng dorm namin

Nang matanaw kami nito ay tumayo ito at nang maka lapit sa amin ay namukhaan ko agad ito, ang lalaking iniligtas ko

"Iwan na muna namin kayo" paalam ni Amy kaya pumasok na sila sa loob at naiwan kaming dalawa dito sa labas

"Salamat nga pala sa pagligtas mo, hindi ko inaasahan na ganon ang mangyayari-" pinutol ko ang sasabihin nito dahil may ipinagtataka ako rito

"Hindi mo inaasahan? Sinong tanga at hindi aasahan na mahuhulog ka ula sa rooftop dahil suicidal ka?" prangkang mungkahi ko dito kaya naman nagulat ito sa inasta ko, sanay siguro itong ginagalang

"I wasn't suicidal, it was my other half that was" paliwanag nito kaya pinamukha ko sakanya na magkwento pa siya "My ability is what they call 'Duality', I have another me residing within myself. We both use enchantments but the difference is that I can only enchant offense types while the other can enchant defense type of enchantments" paliwanag nito sa akin

Tatango tango naman ako rito dahil bukod sa kuha ko na ang ipinararating niya, tinatamad nako makinig at nangangawit nako sa kakatayo

"I came here to thank you, I'm Devin and my other half is Devon" pagpapakilala nito sa sarili at naglahad naman ito ng kanyang kamay kaya tinanggap ko na ito para tapos ang usapan at sunod akong nagpakilala "Axura, madaling masura" seryoso kong pagpapakilala kaya naman medyo napangiwi siya sa inasta ko

"A-Ah, sige...salamat ulit, pasok kana sa loob, una nako" paalam nito kaya naman pumasok nako sa loob at dumeretso sa kwarto ko. Tinanong pa ako nila Amy kung ano daw pinagusapan, si Jade naman ay parang siraulo na nanunukso kasi hindi raw pala lapit sa tao iyong si Devin

"

Pero seryoso, ang gwapo talaga ni Devin, crush ko siya dati pero nasusupladuhan ako kaya na turn-off ako sakanya" pagkukwento ni Jade habang nakahiga sa kama ko dahil nangungulit parin ito

Si Amy ay nasa kusina kasama sila Lucas dahil nagluluto ang mga ito samantalang nagiisparring naman sila Kouta at Timothy sa underground. Nakapagpalit na ako ng isang oversized red shirt na may nakatatak na 'Fvck Off" sa harapan at tinernohan ko nalang ng black shorts habang nakalugay lang ang buhok ko

Isinara ko ang libro na binabasa ko at tumayo kaya naman tinignan ako ni Jade habang dinadampot ko ang wallet ko dahil nandito ang card na pang gastos ko dito sa Autheria

"Pasan ka? Maghahaponan na tayo ah?" tanong nito kaya nilingon ko ito bago ko buksan ang pinto ng kwarto ko "Trip ko mag convenient store" Saad ko rito kaya naman nagderederetso nako palabas ng kwarto at dumeretso sa shoe rack namin at nagsuot ng white sneakers at nagpaalam kila Lucas na lalabas muna ako at wag na ako antayin para sa hapunan

Naglalakad na ako patungo sa academy dahil nasa loob ng gates ng Academy ang mga pamilihan tulad ng convenient stores at ilang boutique

Naglalakad lang ako ng matiwasay habang dinadamdam ang lamig ng simoy ng hangin. Maririnig mo ang mga kuliglig at ang mga naaapakan kong mga bato sa daan

Nakakarelax. Ito ang pakiramdam na hanap ko, yung payapa lamang at tahimik dahil mas nakakapagpahinga ako sa gantong lagay

Narating ko ang convenient store at agad akong kumuha ng makakain. Hindi na matao at laking pasalamat ko na ako nalang at yung tindera ang naririto

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at aalis na sana nang mapansin kong may ibinebenta silang parang...ice cream?

Medyo kakaiba ang mga pagkain dito, yung kinain namin na burger, burger talaga siya, iba lang ang pagkakagawa at ilang sangkap at ang inomin naman ay syempre, uso kahit papaano ang carbonated drinks dito

Binili ko ang parang ice cream, kumuha ako ng mga sampo dahil mamamahagi ako sa kanila

Naglalakad nako pabalik at bubuksan ko na sana ang ice cream ng magulat ako sa biglang pagsabog!

Yung ice cream ko!

Hindi ko napansin na naihagis ko sa ere ang ice cream ko at naitapon ito sa sahig

Bakit lagi nalang? Kapag may ice cream ako ay lagi nalang ganito!

"Anak ka talaga ng kagang-

IPAGPAPATULOY

AutherianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon