𝐄𝐢𝐠𝐡𝐭

3 2 0
                                    

𝐃-𝐃𝐚𝐲

"Don't worry Ate Axura, I bet everyone would like you" pampalabag ng loob ko. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa Gate ng Academy dahil simula ngayon ay magkakaron na ng klase

Akala siguro ni Amy ay kinakabahan ako dahil medyo namamawis ang noo ko

Nasakit ang tiyan ko Amy

Agad kami pinagtinginan ng mga estudyante na madaraanan namin, tila inuusisa kami ni Kouta. Wala naman kaming pakealam ni Kouta kung bagong salta lang kami sa grupo, tanggap nga nila kami, kayo pa kaya? Kapal niyo naman

Nalabas pagkabalasubas ko ah?

"Don't mind them, the opening ceremony would be held at the Auditorium, we need to be there 30 minutes early" paalala ni Timothy kaya naman dumeretso na kami sa Auditorium ng paaralang ito, tulad ng inaasahan ko ay napakalawak ng buong gusali

Sa tantya ko ay humigit-kumulang na tatlo hanggang apat na libo ng mga upuan ang nandito. "Let's go at the back stage" yaya ni Timothy kaya naman sumunod lang kami rito. Pag dating namin sa likod ay bumungad sa amin ang ilang mga tauhan ng paaralang na nagaasikaso para sa opening ceremony mamaya maya lamang

"Elite Team! Glad you guys are early, you know the drill, you can explain what would happen to your new members, I gotta prepare the sound system" ani ng isang lalaki na maraming wire na nakasabit sa katawan. Umalis na ito kaya naman naiwan kaming naka tayo doon at hindi nalang pinapansin ang ilang tauhan na natingin sa amin

"After the Headmistress finishes her speech, she would call our group and individually go up there and bow our heads to the audience" paliwanag ni Timothy kaya naman nakinig kami ng maige, lalo na kami ni Kouta

Ipinaliwanag pa ng konti ni Timothy ang mga mangyayari pa matapos naminumakyat mamaya sa entablado at magpapakilala kami isa isa, lalo na kami ni Kouta dahil mga bagong myembro kami

Hindi nag tagal ay nagsimula na ang opening ceremony at kasalukuyang nagsasalita sa entablado ang headmistress kaya anumang oras ay lalabas na kami

"... So this year, we are blessed with two new members in our Elite Group! Let us all welcome them... The Elite Class"

Nagdisisyon kami na huwag ipaalam sa madla ang bagong ngalan ng grupo kaya kami at ang headmistress lamang at ilang importanteng tao sa paaralang ang nakakaalam ng bagong ngalan ng grupo

Naunang lumabas ng entablado ay si Timothy bilang tumatayong lider kaya naman hindi magkamayaw sa kakapandalirit ng mga kababaihan at ilang lalaki na humahanga, ang iba naman ay pumapalakpak na parang mga normal na tao

Nagsunod sunod ang paglabas nila at ang natitira nalang na kasama ko ay si Kouta kaya naman nagpaalam na ito sa akin at nauna nang lumabas

Tumindi ang hiyawan dahil sa bagong mukha na makakasalamuha na nila magmula ngayon, tila mapapatid na mga lalamunan ng mga nahiyaw na akala mo ay may nagtatanghal sa harapan nila

Nagbuntong hininga muna ako bago maglakad pala as ng entablado. Nakatingin sa harapan at ang mga braso ko ay nasa gilid ng katawan ko lamang, nadarama ang lambot ng tela ng aking uniporme, biglang tumahimik ang paligid na tila ay namingi ako at ang tanging naririnig na lamang ay ang bawat apak ko sa entablado habang suot ang itim na itim na sapatos ko

Anak ng... Kapag sa kanila maingay? Sakin waley?

"Meet Kouta and Axura, the new members of the Elite Class, both possesses outstanding abilities and both were highly recommended by the school board, from now on, you will encounter these two here at Autheria Academy!"

Naglalakad na kami patungo sa aming silid, paliwanag kahapon nila sa amin ni Kouta, kami lamang ang magkakaklase dahil mas advance ang mga ituturo sa amin dahil isa kami sa panlaban ng Autheria

Pinagtitinginan parin kami ng mga estudyante, ang ilan ay papansin at ang iba naman ay mga tamang nakamasid lamang sa amin ngunit napatigil kaming lahat nang may biglang humarang sa harapan ni Timothy

"What do you want Claude?" tanong ni Lucas sa lalaking may katangkaran na humarang sa harapan namin. Ngiting ngiti ito na animoy interesado sa kanyang tinitignan

Dukitin ko yang mga mata mo e

"Excuse for being rude, I would like to familiarise myself with Lady Axura" ani to na walang kagatol gatol at nang ma pansin na wala akong reaksyon ay mas napangiti ito

Konti nalang, mauulol na ito. Hindi na ako nagtaka nang maglakad ito papalapit sa akin kaya naman mas pinagtitinginan kami ng mga nakakakita, ang iba ay masasama na ang ibinabaling na tingin sa akin

Inilahad nito ang kamay sa harapan ko matapos suklayin nito ang kulot niyang buhok na kulay krema. "Claude Harneel, milady" pakilala nito sa sarili habang hinihintay ibigay ko ang mga kamay ko rito kaya naman nagbuntong hininga muna ako bago ibigay rito na siya namang hinalikan nito sa likod ng aking palad

Gentledog

Nagangat ito ng tingin sa aking mga mata na nagpaparating na ako ay magpakilala. "Axura" maikling pakilala ko sa aking sarili habang hindi nagpapakita ng interes dito

Bumitaw na ito sa kamay ko kaya naman kahit kaharap ko pa ito, saksi ang lahat sa kung paano ko ipinunas sa palda ko ang kamay ko na hinalikan niya

Nanlalaki ang mata nito at may ilan pang napasinghap

OA, mamaya may sakit ito e, landi kasi

"W-Why w-wou-huh?" nagtatakang tanong nito sa inakto ko

Ako naman ang humakbang papalapit rito. Hindi inaalis ang mga titig ko sa lalaking nagngangalang Claude

"Don't mess with me... Cloud" ani ko rito kaya naman nakarinig kami ng ilang hagikhikan mula sa ilang kababaihan at karamihan ay mga lalaki

"What the hell is wrong with you?" kwestyon nito sa akin kaya naman nagkibit balikat na lamang ako bago nagpatiunang naglakad si Timothy na sinundan na namin

Hindi na sila nakialam pa dahil alam nila na ayaw ko ng mga papansin at makukulit, napansin na nila yun sa loob ng isang linggong pananatili ko sa dorm

IPAGPAPATULOY

AutherianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon