𝐅𝐢𝐟𝐭𝐡

6 3 2
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐚𝐫

Napabangon ako mula sa aking higaan nang marinig kong may kumatok sa aking pintuan kaya naman agad ko itong pinuntahan at binuksan

Bumungad sa akin si Amy at Jade na may mga ngiti sa mukha kaya naman napasimangot ako

Hindi ko gusto ang mga ngiti nilang iyon

"Ate Axura-" naputol ang sasabihin ni Amy nang magtaas ako ng kilay dahil sa pagtataka. "A-Ah, nalaman ko kasi kay Miss Gromn na mas matanda ka sakin ate ng isang taon kaya naman iaate kita ate Axura" paliwanag nito sa akin

"Ilang taon kana ba? Kayo?" tanong ko sa dalawa

"16 palang po ako ate, pa 17 next month, 18 na naman po si ate Jade, kuya Timothy at si kuya Lucas, kasing edad niyo po" sagot nito sa tanong ko kaya tinanong ko ang mga ito sa kung ano ang pakay

"Pwede po ba namin matikman yung mga dala niyong pagkain? Hindi pa po kasi kami naghahapunan, tinatamad pa po mag luto si kuya Lucas na siya lang maalam" paalam ni Amy kaya naman wala akong nagawa at niyaya silang bumaba

Nagpalit na ako ng damit, ang suot ko na ngayon ay Black sweatpants at isang oversized gray tee na binuhol ko sa may bandang bewang kaya medyo halata ang hubog ng katawan ko

Hindi naman ako mataba at mapayat pero maipagmamalaki ko katawan ko

Nang makarating sa baba ay agad akong nagtungo sa ref namin at kumuha ng tatlong balot ng chips at isang balot ng chocolate sticks at inabot ko sa dalawa kaya naman agad nagtungo ang dalawa a dining table kaya napailing na lamang ako at kumuha ng maluluto

Nakapagdesisyon ako na ang lulutuin ko na lamang ay adobong manok dahil yun ang pinakang madali

Agad kong kinuha ang mga kailangan ko at nagtungo na sa kusina upang makapagluto. Tanaw ko rito na tuwang tuwa ang dalawa sa pinapapak, hindi ko sila masisisi dahil iba rin kahit papaano ang pagkain dito sa Autheria

Nagsaing na muna ako ng kanin para ulam nalang

Nang lagyan ko na ng suka ang adobo ay saka ito nangamoy na umaalingasaw sa bango , kaya naman naka tunog siguro ang dalawang lalaki at lumabas ng kanilang silid. Naghain na ng mga pinggan sila Jade na nakanguso dahil inagaw daw sakanila nila Lucas ang mga binigay ko

Tumulong din naman sila Timothy nang matapos ako mag luto sa paghahanda at binulongan pa ako ni Lucas kung pwede rin daw siya makahingi ng chips

Ang cute nila, kung sa amin ni Kathy ay ako ang binibigyan niya ng pagkain, mukhang ako ang magaalaga sa mga ito

"Ang bango at ang sarap! Ano ito Axura?" inosenteng tanong ni Lucas kaya sinahot ko naman ito ng maayos at sinabi ang pangalan ng putahe

"Turuan mo ako minsan kung paano ito lutuin ha? Nauumay na ako sa mga putahe dito sa Autheria" Saad nito kaya tinanguhan ko nalang ito at nagpatuloy kami sa pagkain

Pinuri din nila Amy ang niluto ko, tinignan lang ako ni Timothy kaya tinanguhan ko nalang din ito at nang matapos kami kumain ay ang dalawang lalaki nalang ang nagimpis dahil to do prisinta si Lucas kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko at nag paalam sa kanila

Ang mga dorm ng mga estudyante ay nasa labas ng bakod ng Academy Ngunit May bakod din bago makapasok dito kaya bale dalawang bakod na nagtatasan na may barrier pa sa labas ng bakod ng dormitoryo na isang kilometro ang layo mula rito

Dulot ng pagod ay agad na akong nakatulog at hindi manlang napagmasdan ng maayos ang aking silid

Kinabukasan ay dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata upang bumungad sa akin ang aking bagong silid. Pinagmasdan ko ito ng maige, mula sa dati kong kwarto na kulay puti ang pader, walang kulay ang pader at kisame nito, sementado na makinis ang dating na nakakaakit dulot ng modernong disenyo dito

Prism style para sa ilang mga kagamitan at pangdekorasyon. Hindi puti ang kulay ng ilaw kundi manilawnilaw na liwanag ang iniilumina nito, tibatawag itong kelvin light at kilala sa ingles na 'Soft white'

Agad na akong bumangon at mabuti na lamang at may sarili akong banyo kaya nagayos na ako ng aking sarili. Nagsuot lamang ako ng itim na cargo pants na tinernohan ko ng camouflage green na fit shirt kaya niyayakap nito ang hubog ng katawan ko. Nagsuot na lamang ako ng combat boots na itim at lumabas na ako ng kwarto

Hinayaan ko na lamang nakalugay ang aking buhok dahil wala naman akong ibang gagawin. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan pababa nang makarinig akong kaluskos kaya naman agad akong nagingat na magtungo s akung saan ko naririnig ang ingay na pinagmumulan nito

Bukas ang ref?

Inihanda ko na ang aking sarili nang biglang magsara ang pinto ng ref at bumungad sa akin ang pagmumukha ni...Timothy?

"I-I was just c-checking if w-we still have s-stocks" pagrarason nito

Napatingin ako sa hawak nito na yakult at oreo?

Checking pala ha

"It's rude not asking the owner though" biro ko dito na pinatunog seryoso ko kaya naman napaiwas ito ng tingin dulot siguro ng hiya. "I can just r-replace this if y-you'd like-" pinutol ko na ang sadabihin niya na kahit huwag nalang dahil alam kong hindi pa nito natitikman ang mga nakuha niya

"Gatas ang bagay sa oreo, warm milk is what you'd pair it with" saad ko rito habang naglalakad pakusina at sinenyasan ko itong sumunod kaya naman sumunod ito

Akala ko tigasin siyang lalaki dahil sa una kong kita sakanya, mahiyain din pala siya

Nagpakulo ako ng tubig at kumuha ng dalawang tasa dahil maggagatas din ako. Nang kumukulo na ang tubig ay sinalin ko na ito sa dalawang tasa at tinimplahan ng gatas

Naupo si Timothy sa isang upuan sa may dining table kaya naman kinuha ko na ang dalawang tasa ng gatas at inilapit sakanya ang kanyang gatas

Lakas makabata

Tinugnan niya ang tinimpla ko kaya naman kinuha ko ang yakult na hawak parin niya at binuksan yun kaya pinatikim ko sakanya

Nagtaka siya sa lasa pero mukhang nasarapan naman siya. Sunod ay binuksan ko ang oreo at kumuha ng isang piraso at pinakita ko sakanya na dapat i dip yung oreo sa gatas

Ginaya niya ang ginawa ko kaya naman napangiti pa siya matapos malasahan iyon, hindi na ako humingi ng oreo at nagasikaso na ng makakain

Iniwan ko siyang nangangain parin ng oreo magisa, marami yun kaya malabong maubos niya agad

Magiisang oras akong nagluluto sa kusina kaya naman paglabas ko ay ganon nalang ang gulat ko sa walang laman na plastic bag ng oreo at ubos na gatas

Anak ng... Naubos niya yun!?

IPAGPAPATULOY

AutherianWhere stories live. Discover now