𝐒𝐢𝐱𝐭𝐡

2 3 0
                                    

𝐅𝐞𝐦𝐢𝐧𝐢𝐧𝐞

"Ang sarap mo talaga magluto!" papuri nanaman ni Lucas matapos sumubo ng hinanda kong almusal oara sa aming lahat

"Glad you guys liked it" sagot ko. Nagpatuloy na kami sa pagkain at kapansin pansin ang pananahimik ni Jade kaya naman bumaling ako rito at nagtanong kung anong meron, at tulad ng inaasahan ko, nakinig din ang iba pa naming kasama "Naiinis parin kasi ako dyan sa dalawang yan! Agawan ba naman kami ni Amy!" himutok nito habang masama ang tingin na ipinupukol nito sa dalawang lalaki

"Hayaan mo na, sa susunod kapag may pagkakataon, sasamahan kita bumili sa mortal realm" pagpapagaan ko sa loob nito kaya naman kumalma na ito at nagpatuloy sa pagkain

"Oo nga pala, bat ang aga mong nawala Lucas?" biglang tanong ni Jade, ang daldal na babae, di tulad ni Amy na tahimik kumain at nakikinig lang sa amin

"A-Ah! Oo nga pala, pinatawag ako ni Miss Gromn" dahilan nito at nang mapansin na mukhang hindi kami nakokontento sa sagot nito at binaba na niya muna ang mga kubyertos upang makapagpaliwanag nang maayos

Kanina kasi ay hinahanap ito ni Jade dahil may hihiramin daw ito kaya naman nalaman namjn na wala sa bahay si Lucas

"Pinapasabi niya na darating na ang uniform ni Axura at inabot niya sa akin ang isang sulat na nasa silid ko, teka at kukunin ko saglit" pagpapaliwanag nito at tumayo na siya mula sa pagkakaupo upang magtungo sa kanyang silid at agad ding bumalik upang ilapag sa lamesa ang sulat na tinutukoy niya

Agad itong kinuha ni Timothy at binuksan. Mukhang binabasa na niya ang laman at nang matapos ay humarap na sa amin "It says that Axura is officially a member of our group so she'll be joining on the missions that we'll soon take. It also states at the ketter that you'd be formally introduced to everyone next week" pahayag nito

"Kailangan talaga ipakilala?" tanong ko rito kaya naman nilingon ako nila "Opo ate, lahatpo ng nagiging myembro ng Elite group na ito ay ipinapakilala sa lahat, pagbibigay galang narin po ito sa kakayanan natin at sa responsibilidad na iniaatas sa atin" paliwanag ni Amy kaya naman tumango na lamang ako

Nang matapos kami kumain ay si Jade naman ang nagpresinta na maglilinis ng pinagkainan kaya naman dumeretso na ako sa sala at naupo sa sofa na nakaharap sa fireplace

Nakakarelax dito

Hindi pa nagtatagal at nakarinig na ako ng kumakatok sa may pintuan kaya naman pinuntahan ko na ito at nang buksan ko ay wala namang tao na bumungad sa akin, ngunit pag tingin ko sa paanan ko ay may isang katamtamang laki ng kahon at may pangalan ko na nakasulat sa ibabaw nito

Kinuha ko ang kahon at nang pagsara ko ng pinto ay bumungad sa akin si Amy "Yan na po yata ang uniform mo ate, magugustuhan mo siguro yan" saad nito kaya naman nginitian ko nalang ito at umakyat na sa kwarto upang tignan ang nilalaman ng kahon

Bale may dalawang kahon pa na nasa loob ng kahon kaya naman yung pinakang maliit muna ang kinuha ko at pagbukas ko ay sapatos ang bumungad sa akin, itim na loafer shoes at may isang maliit na pin din sa loob nito na may nakaukit na logo ng academy na may nakalagay na letter EC

Elite Class siguro ibig sabihin nito

Sumunod na bimuksan ko ay ang isang kahon at bumungad sa akin ang isang... Dress?

Napasampal ako sa noo ko dahil sa bumungad sa akin. Mapapasabak ako nito. Hindi pa naman ako nagsusuot ng pambabae

Isa itong Lolita dress, nagmula ito sa japan na inspirasyon mula sa mga victorian dresses. Hindi ako mahilig pero may alam naman ako. Kulay maroon ito na may gold linings. Maayos naman siya tignan at may larawan pa na pinapakitang iba ang uniform namin sa uniform ng ibang estudyante, kung maroon ang amin, asul naman sa mga natitirang estudyante

Ang papanjut naman

(For imaginary purposes and imagine niyo na blue din yung sa lalaki na may gold linings sa coat)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(For imaginary purposes and imagine niyo na blue din yung sa lalaki na may gold linings sa coat)

Bahala na!

Inayos ko na ang mga damit, limang piraso ng uniform ang ibinigay nila sa akin kaya naman hindi ko kailangan isipin ang labahin

Nang matapos kong ayusin at ilagay sa cabinet ko ay lumabas na ako ng kwarto at naglakad patungo sa sala upang magrelax ulit

Medyo lumalamig narin kasi ang panahon ngayon dito sa Autheria kahit magoaugust palang

Tulad ng mga klima sa mortal realm, Tag-araw, Taglagas, Tagsibol at Taglamig. Lahat iyan nararanasan din dito at malapit na magtaglamig

Namiss ko rin ang taglamig dahil hindi naman naulan ng nyebe sa mortal realm na pinuntahan ko, dito oo kaya nasasabik ako

Hindi ko nalang namalayan at lumipas nanaman ang maghapon at kinagabihan na naman. Si Lucas naman ang nagluto dahil nahihiya na daw siya sakin, hinayaan ko nalang din ito dahil gusto niya naman e

Si Amy ay nasa kwarto niya at mukhang nagmemedetate. Si Timothy naman ay kahit gabi na, nasa underground siya, oo may underground ang dorm namin, one of the privileges we can get. Nagtetraining siya dun, si Lucas nga ay nagluluto at si Jade naman ay kasama ko dito sa sala na nagbabasa ng libro

Ako naman ay nakahiga lang sa sofa habang nakatingin sa kisame

Bukas ay ililibot ako nila Amy at Jade sa Autheria Academy upang mapamilyar daw sa akin ang lugar, hindi mo kasi matatanaw ang paaralan dahil sa taas ng bakod nito, sobrang taas talaga

Hindi nagtagal ay natapos na magluto si Lucas kaya naman tumulong na kami sa pagaayos ng mga kubyertos at nang matapos ay tinawag na namin si Amy at Timothy upang makapaghapunan

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang magsalita si Amy "Uhm... Wag mo sana mamasamain Ate, pero hindi kasi samin sinabi ni Miss Gromn ang ability mo, pwede ba namin malaman?" tanong nito kaya naman napukaw nito ang interes ng mga kasamahan namin at natuon sa akin ang paningin ng mga ito

Nagaantay ng kung anuman na lalabas mula sa mga labi ko

Nagbuntong hininga muna ako. Alam ko naman na darating din ang oras at malalaman nila, pero sino ba naman ako para magpatagal pa, di naman ako bida-bida

Ano yun? Pasuspense? Paimportante?

"My ability is to-" naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng katok mula sa main door ng bahay

IPAGPAPATULOY

AutherianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon