𝐍𝐢𝐧𝐭𝐡

2 2 0
                                    

𝐓𝐡𝐞 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐖𝐞𝐚𝐩𝐨𝐧

Nakarating din kami agad sa aming silid na walang balakid. Isang malawak na silid at may anim na mesa at upuan na naka handa para sa aming anim

Nagsipili na kami ng mapupwestuhan at naisipan kong pumwesto sa may gilid na malapit sa pintuan. Isang hanay lang ang naging estilo ng aming mga upuan at ang sunod sunod namin mula sa akin na nasa kaliwa, patungo sa kanan ay Ako, si Kouta, si Amy, si Timothy, si Jade at si Lucas na nasa pinakang kanan na kalapit ang malaking bintana

Tahimik lamang kami nang may pumasok na babaeng mukhang nasa kalagitnaan ng bente at trenta ang edad. Medyo may kaliitan ito, siguro ay kasing tangkad ni Amy, ngunit makikita mo naman na may mukhang maipagmamalaki ito

Tumigil ito sa gitna na may mesa na may upuang swivel. Nanatili itong nakatayo at ang tanging dala nito ay ang lapis na nasa kanang kamay nito. Tinitigan muna kami nito bago bumuka ang bibig nito "Good morning Elite Class, I am Miss Espace and I'll be your Ability Psche instructor" pakilala nito sa sarili kaya naman binati namin ito ng pormal na pamamaraan, hindi iyong pang elementarya at wala nang peace be with you with you pang nalalaman

Nagtaas ng kamay si Amy kaya naman pinansin ito agad ni Miss at pinatayo upang pormal na makapagsalita "If I'm not mistaken Miss, your surname is French that is translated as space in English, does that concern your ability?" makabulohang tanong nito kaya nagpakawala ng ngiti ang guro sa aming harapan, tila nasisiyahan

"Alright, before answering that, I want all of you to stand up and state your name along with your ability" Saad nito kaya naman agad kaming nagsitayo at isa isang nagpakilala mula kay Lucas hanggang sa akin, nang matapos ay naupo na kaming lahat at itinuon na muli kay Miss ang aming atensyon

"Alright, you are indeed correct Miss Amy, my ability deals with space and gravity, unlike your warping ability, I can move average objects easily" paliwanag nito habang pinapatong ang lapis sa palad nito na unti unting umangat na ngayon ay nililibot na ang buong silid ngunit bigla itong nawala nang nasa harapan ko na at narinig namin sj Miss na pumitik na naagaw ang atensyon namin

Paglingon namin sa kanya ay hawak na niyang muli ang lapis na kanina lang ay nasa harapan ko "And I can teleport it to any place I want to, as long as I'm familiar with the location" paliwanag nito kaya naman namangha ako ng konti

Konti lang

Naupo ito sa upuan at mas lumapit sa pwesto namin. "In this class, we will deal with your mind, the way you think and how it affects your ability, so for now, since class has just began, I want you to get a piece of paper and a pen. I need you to write something about your ability, one word that you can describe it" Saad nito kaya naman kanya kanya kaming kuha ng mga papel at panulat at nagisip ng maisusulat

"It's best if you'd go with the first word you've thinked of" payo nito kaya naman agad akong nagsulat sa papel ko at nang matapos ay isa isa niya kaming nilapitan mula sa akin

"Gentle...you're a placid type of person, you normally stay calm and not worry about your surroundings. The way you wrote it states your personality as well, cursive and clean, not too big and not too small, you don't want any attention to be given to you and wants to stay the way you like things, am I right dear? " hindi ako naka sagot agad dito dahil lahat nang sinabi niya ay tama

"Saktong sakto kay Axura" dinig kong bulong ni Jade. Mukhang pinakinggan din nila ang lahat ng sinabi ni Miss Espace kaya naman ay medyo nahiya ako. "You don't need to feel shy dear, it's who you are" Saad nito habang naka ngiti na tila ay pinapagaan nito ang loob ko kaya naman nawala din agad ang hiya ko at hindi ko namamalayan ay tapos na niya kaming ebalyuwahin at nagpaalam na sa aming anim

"Ang galing, on point siya" papuri ni Kouta kay Miss kaya naman napatango nalang kami rito dahil tama siya, sa sobrang sakto ng mga sinabi niya, kinikilabutan ako sa tuwing nagbibitaw ito ng mga salita

Mukhang mageenjoy ako ah?

Sumunod na klase namin ay tungkol sa pakikipaglaban. Hindi na kami pinagpalit pa ng pang physical activity uniform ng instructor namin na si Sir Evans, isang siyang may defense type na ability kung saan ay kaya nitong lumikha ng invisible barrier, mapaharap o likuran niya, kahit buong paligid niya ay kaya niyang gawan

Maganda ang ability niya lalo na sa aktwal na labanan. Pumasok ito na may hilahilang mesa na may dalawang brief case sa ibabaw at ilalim nito, maige at May gulong ang lamesa

Binuksan nito ang dalawang maleta at tumambad sa amin ang walong klase ng bato na magkakaiba ang kulay

"What we have here are the Accordant Stones, each will come forward and the stone that would be suited for you will create a glow that only you would be able to witness, after that, I want you to take that stone and show it to the whole class, it will help me to identify what weapon would be suited for you" mahabang paliwanag nito sa amin kaya naman naexcite kami sa paglapit dito

Nauna ay si Lucas kaya naman nang nasa harapan na ito ay tila nagulat pa siya sa hindi namin malaman na dahil an, siguro ay may lumiwanag sa mga Batong iyon at siya nga lang ang nakakita

Dinampot nito ang isang bato na nasa itaas na brief case at ipinakita sa amin ang isang emerald stone, base sa kulay nito

"That's a Emerone Stone, it is a material that is used to make a weapon suited for a close combat style, seems like your ability is compatible with it, now, you may take the stone to your seat and wait for everyone to have theirs" anito kaya bumalik na si Lucas sa pwesto nito na tatango tango pa

IPAGPAPATULOY

AutherianWhere stories live. Discover now