𝐓𝐞𝐧𝐭𝐡

4 3 0
                                    

𝐂𝐥𝐚𝐢𝐦

Sumunod na tumayo ay si Jade at agad din itong dumampot ng bato at ipinakita sa amin ang isang pulang bato na tila nangingitim na sa sobrang pagkapula, parang dugo na

"That's the Crimdant Stone, that type of stone is used as well as a material for close combat weapons, the only difference is that the Emerone Stone is used for creating the main function of the weapon while that stone is used for ammunition" pagpapaliwanag ni Sir kaya naman bumalik na si Jade nang may ngiti sa mga labi at sumunod naman agad si Timothy

Dinampot nito ang isang stone na nasa ilalim na brief case at ipinakita sa amin ang isang kulay abo na may bakas ng mga asul na guhit na bato at humarap muli kay Sir upang marinig ang komento nito "Hmm... That's the Ashul Stone, it is used to create a long distance type of weapons. You should consider your ability for the weapon you'd want to use with this type of stone and better consult me first" anito bago bumalik si Timothy sa kanyang upuan bago sumunod na tumayo ay si Amy at agad nitong dinampot ang isang bato na nasa ibabaw na case at ipinakita sa amin ang isang white and pink stone

"Hmm...Pirane Stone, that stone specialises in shape shifting, from one weapon to another, it's capacity is up to three weapons, choose wisely my dear" paalala ni Sir kay Amy na ngayon ay naglalakad na pabalik sa pwesto niya kaya naman tumayo na si Kouta at tumigil sa harap ng dalawang case

Dinampot nito ang isang bato sa ibabaw at humarap sa amin upang ipakita ang batong nakuha nito. Kulay abo ito na may bahid ng mga puti at dilaw na guhit. "That's the Shocirk Stone, it has the element of electricity, thunder is a similar element, mostly, they are long  weapons such as rods that has special features to it" pagpapaliwanag ni Sir kaya naman tinanguhan ito ni Kouta at muling bumalik sa pwesto niya

Tumingin sa akin silang lahat kaya tumayo na ako at naglakad patungo sa harapan

Ininspeksyon ko ang mga natitirang bato. Tatatlo na lamang ang mga ito, isang kulay asul na may bahid ng mga luntian na guhit, isang kulay kahoy na may bahid ng mga pula na guhit at ang...

Napatitig ako rito nang ito ay kumislap kaya napaamang ako bago ko ito kunin, napansin kong tila napatigil si Sir sa kanyang kinatatayuan at iniharap ko ang sarili sa mga kasamahan ko at ipinakita ang isang puting bato na may isang emerald green na kulay sa loob nito

"Ehem... Well, that's the Merisyc Stone, you're the third person I've witnessed to grab that stone, it specialises in devices rather than weapons. The first person to chose that kind used a pair of glasses that is suited for her telekinesis ability, the glasses were made as a device that helps the owner to grasp it's surroundings with a limit of two kilometers away from the wearer and the second one had a enhanced hearing ear piece that can enables the owner to hear her surrounding, even the breathing of an insect can be heard since the owner was blind" mahabang kwento nito kaya naman nang hayaan na ako nito bumalik sa aking upuan ay napaisip ako sa kung paano ko ito maibabagay sa ability ko

Nagpaliwanag pa si Sir tungkol sa mga bato na nasa amin at nagbigay ng takdang aralin, kung saan ay magdidisenyo kami ng nais naming device o mga sandata na ipapasa namin sa kinabukasan din agad

Dalawang subject lang kami ngayon, Di tulad sa mortal realm na saksak sa pagaaral sa dami ng subjects sa isang araw ang kailangan aralin kaya naman ay sama sama na kaming lahat na bumalik sa Dorm at doon na lamang manananghalian

Kung tutuosin ay ilang oras din ang ginugol namin sa magkaibang subject kaya late narin ang lunch namin at oorder nalang daw kami ng makakain

Pagkarating sa bahay ay nagkanya kanya na kami matapos magbigay ng order namin kay Kouta dahil siya na daw ang oorder para sa aming lahat kaya naman umakyat agad ako sa aking silid upang makapag idealise na ng device ko

Kailangan ko syempre ng mapapakinabangan ko at babagay sa ability ko which is liquid manipulation

Kailangan ko ng magagamit ko sa pakikipaglaban at sa mga 'mission'

Nagisip lang ako ng nagisip nang Di kalaunan ay dumating na ang pahkain namin kaya bumaba na ako at kumain na muna kami, may dala panga sila Jade at Lucas ng mga papel para daw sa detalye ng mga weapons nila

"Hindi ako makapili ng mga weapons!"

"Hirap magsketch"

"Bukas na agad submit nito ano?"

"Hayst"

"Penge ako chicken Amy"

Himutok nila habang ako ay seryoso lang na nakain at nagiisip parin ng magagamit ko na device

Natapos na kaming kumain kung kayat kanya kanya na ulit kami ng mga gawa at nagpresinta naman si Amy at Kouta na magiimpis ng pinagkainan namin na karamihan naman ay itatapon nalang

Nakahilata ako sa higaan ko nang mapalingon ako sa flower vase na malapit sa higaan ko. Pinakiramdaman ko kung may tubig ito dahil mukhang fresh pa naman ang mga ito

Minanipula ko ang tubig na laman nito patungo sa ibabaw ko habang kinukumpas ko nang mabagal ang mga daliri ko at pinapanuod ang tila pagsayaw nito sa ibabaw ko

Ang nababaluktot na paggalaw nito at tila kalmadong kayang maging agresibo...

Alam ko na!

Kinabukasan ay maaga kaming nagsipasok dahil excited kaming ipasa ang mga takdang aralin namin kay Sir. Walang nagsasabi kung ano ang mga naisip na sandata kaya naman medyo naeexcite din ako

"Good morning everyone, it seems like all of you have something to present to me today, so let's start it off with... Miss Amy"

Matapos ni Sir tawagin si Amy ay agad itong tumayo at naglakad sa unahan, dala ang ilang piraso ng mga papel na hawak hawak niya at tila hindi na makapagantay na maipasa ang kanyang nagawa

IPAGPAPATULOY

AutherianWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu