9

8K 259 1
                                    

LEXANDREA

Three days na simula ng mangyari ang insidenti sa cubicle ng rocky bar... nag leave na muna ako ng 1 month sa bar para makapag fucos  sa school at ngayon nadin kasi ang simula ng practice namin sa volleyball para sa darating na laro  sa states.. magiging busy talaga ako ng sobra, mabuti narin siguro yon para hindi kuna maisip mga nangyari nong isang araw. 

Hindi na ako  pinapansin ni angel hindi nanga ako  nito masulyapan manlang  at ang masama pa palagi nitong kasama si kley sila nanga ang palaging usapan sa school kesyo " bagay daw yong dalawa!", " ang sweet nilang tignan!" At marami pang iba,
naiinis ako kapag naririnig ang mga komento tungol sa kanila, ewan kudin hindi ko maintindihan!

"Captain halika na." Sabi ni razy ka team ko
Napabuntong hininga ako

" sunod ako.."
Sabi ko dito,ako nalang mag isa sa locker room nag shower na muna ako at nag bihis ng bagong jersey namin.

Lumabas na ako habang itinatali ang buhok ..
Meron pang tumatagaktak na tubig mula sa mukha ko.. marami ang  nagsisigawan ng lumabas ako .hayysts ang ingay nila...
nasanay nalang din ako na everytime na may practice ang dami dami ng tao.

Nag simula na kaming mag practice at halos ayos lahat ng spike ng bawat myembro, hinati ko kasi ang team sa dalawa para lumaban ..at everytime na nakaka puntos ako mas lalong umiingay ang mga estudyante...

Natapos na ang halos dalawang oras na practice namin.. nag si alisan narin  ang mga ka team ko,
Naiwan akong mag isa sa locker
para akong nauupos na kandilang  napasandal, hinawakan ko ang dibdib ko, bakit ba ang bigat ng pakiramdam ko?  napapikit ako ng mariin,
" this is not me!" Tumayo na ako at kinuha ang backpack na dala ko.

nasa corridor na ako ng makita ko nanaman si kley na inaakap si angel, mukang nagaaway yata yong dalawa kaya sinusuyo ng lalaki! Tiningnan ko sila ng maigi, seriously? ang sakit nila sa mata! Sakto namang napatingin sakin si angel na kanina pa pumipiglas sa yakap ni kley, kita kong may emosyong dumaan sa mga mata nya pero hindi kuna ito pinansin. Mabilis na akong nag lakad at lumayo sa lugar nayon. Baka hindi kuna kayaning makita silang magkayakap at makasapak  pa ako!

Ringggg ringggg

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong mag ring, tiningnan ko ang caller ID.

"Oh shane,napatawag ka? Sabi ko dito

" dinner with me? Namimiss na kasi kita "

"Hahah miss mo mukha mo!  bakit nag away naman ba kayo ng girlfriend mo?" Tanong ko dito habang tumatawa

"Tssskk grabe kanaman sakin, namiss lang talaga kita!" Shane

" o sige payag na ako. basta libre mo ha?"

" haha ang kuripot mo talaga kahit may pera kanaman" shane

"Hahah para sa pamilya kuyon" .

" hahah o sige na! Sige na..treat ko! palagi mo nalang akong iniisahan e!" Natawa naman ako sa sinabi nito,

" sige Sa dati ulit hah! Cge bye "
Binaba kuna ang cellphone at inilagay sa bulsa ng pantalon ko.

Hindi na kami madalas mag kita ni shane dahil sa schedule nito,pinakilala narin nya ako  sa girlfriend nyang si lovely at mabait din ito tulad ni shane. Umuwi na ako para mag pahinga muna.

Kinagabihan....

Nandito na kami ni shane sa isanh sosyaling restaurant.. nagtatawanan kami habang kumakain, napatigil ako sa pag nguya ng mapansin ko si angel  nakahawak ito sa braso ng isang matandang lalaki mga nasa mid 50's na ata.. ito siguro yong daddy nya, sinundan ko sila ng tingin, napakunot ang noo ko ng makitang andon sa mesa sila kley at ang pamilya nito, umupo doon si angel at ang papa nya, masaya itong nag usap usap maliban kay angel na parang may malalim na iniisip..

Hindi ko alam pero nahirapan ako biglang lumunok sa nakita kong pagtatagpo ng bawat pamilya nila, mukhang pinakilala na nila ang isat isa sa pamilya!

" hey, lex? Are you okay?"
Napatingin naman agad ako kay shane ng magsalita ito.

"Yea-yeah im fine!" Nginitian ko ito ng pilit

" bakit ba kasi ayaw mupang ligawan yang si miss mondragon?! Halata namang inlove ka sa kanya e" shane

Napasimangot ako sa sinabi nito
" alam mo namang hindi sakin mag kaka gusto ang isang tulad nya, at tsaka kita mo namang may boyfriend nayan!"

"Hindi natin malalaman kong gusto ka!  hindi mupanaman sinusubukan!  tanongin mo muna kong boyfriend ba talaga nya si kley,   feeling ko kasi hindi..parang wala ngang pakealam si angel sa lalaking yon."

" hindi ba boyfriend yong nagyayakapan sa corridor!?"

" tsss ewan ko sayo.....bahala ka ikaw rin magsisisi kapag hindi kapa gumalaw dyan " shane

"Ewan bahala nanga!"
Tumingin ulit ako sa deriksyon kong nasaan sila angel, naka tayo na sya habang kinakausap ang daddy nya,mukhang nag aaway ang dalawa..napa tayo ako ng biglang tumakbo si angel alam ko ding sumusunod si shane mula sa likuran ko.

" hey,!?" Shane

Paglingon ko  bigla nyang hinagis ang susi ng kanyang kotse, na nasalo kunaman agad.
" follow her, pagkakataon muna yan!" Sabay wink ni shane, napailing nalang ako sa pinagsasabi nito,saka pumasok sa loob ng kotse nyang kulay puti at pina harurot na ito.

Nasa likoran lang ako ng kotse ni angel kanina pa naka sunod sa kotse nya, mga 30 minutes nadin siguro itong nag dadrive, san ba pupunta ang babaeng to!?

Bigla na akong kinabahan ng nasa medyo wala ng kabahayang lugar ang tinatahak ng kotse nya.
Nasa isang hindi na ako pamilyar na lugar at maraming puno narin ang nakikita ko sa magkabilaang kalsada. Hayystt sang lugar na ba kami??

Nakita kong napa hinto ang kotse nya kaya huminto narin ako, pinatay ko ang ilaw ng kotse para hindi ako mapansin na  nasa likod nya.

Pero Nanlaki ang mata ko ng makitang may dalawang lalaki ang kumakatok sa bintana ng kanyang kotse..may mga dala itong pamalong bakal! Fuck sabi ko na nga ba!

My Girlfriend Is A Bitch (GxG Tagalog)√Where stories live. Discover now