45

5.6K 176 1
                                    

LEXANDREA in america

Isang buong linggo na ako sa america tumutuloy ako ngayon sa isang napakamahal na hotel sa syudad ng Toronto. Kasalukuyan akong nakikipag usap sa mga amerikanong doctor na tumintingin din sa prime minister.. hindi lang isa o dalawa ang doctor na tumintingin dito kundi sampung doctor ang pa palitpalit na nag momonitor sa kondisyon ng prime, nag conduct narin ako ng biopsy  para  pagaralan ang talagang sakit ng prime.
ino obserbahan kO ito araw araw  to  gained information about his condition.
Halos sa loob ng ilang araw wala akong ginawa kundi sumubsob at pagaralan ang nalalapit nitong opersyon at pag sapit naman ng gabi ay makikipag video call naman ako Kay angel kahit pagod, kaya minsan nakakatulugan ko ang paguusap namin na nauunawaan naman nito pag huminhingi ako ng sorry,
ang hirap kasi na mimiss ko ito, palagi kong iniisip Kong okay lang ba siya? Kong anong ginagawa niya? Kumain na ba siya? Kaya para hindi mabaliw sa kakaisip ay sa trabaho KO nalamang isinusobsob ang sarili ko.

Lunch na kaya lumabas ako ng opisina ko tsaka pumunta mag isa sa canteen,Niyayaya ako ng ibang doctor kaya lang ay talagang mas gusto kong mapag isa, pagkatapos kong bayaran ang pagkain KO ay agad na akong na upo sa mesang walang tao.
habang kumakain ay naisipan kong tumingin sa cellphone ko saka nag  scroll ng nag scroll, muntik na akong mabulunan ng makita ang modeling agency na pinagtatrabahon ni angel at halos lumuwa ang mga mata KO ng makitang si angel ang naka bikining nasa magazine.what the fuck!??! Nag scroll ulit ako at si angel ulit pero this time may lalaki na siyang kasama sa pictures para silang prensesa at prinsepe, Parang gusto kong itapon ang hawak Kong cellphone dahil sa selos. Hindi naman ako selosa pero ngayon iwan ko nagseselos talaga ako sa lalaking kasama niya sa pictures,siguro dahil malayo ako kay angel kaya ganito nalang nararamdaman ko at  Ayokong may Ibang nakakita Sa katawan ni angel. Halos maihilamos KO  ang kamay ko sa stress konang mukha, agad kong  e denial ang number ni angel at naka ilang ring ito bago sinagot, dati naman isa o dalawang ring lang sinasagot agad nito.

"Hmmm?" Mahina nitong sabi

"Ahmf..may ginagawa kaba?"

"wala naman bakit?"

"Ah..ano kasi ..ano amhf"

"Ano sabihin muna?"

Cassandra let's go!
Tinig ng lalaki mula sa linya ni angel.

Beep beep beep

Napatingin ako sa cellphone ko ng makitang wala na ito sa kabilang linya.. Binabaan ba ako nito?
Ipinilig ko ang sariling ulo saka iwinaglit ang nasa isipan. Baka kasi may gagawin pa ito
Bumalik na ako sa trabaho at tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nasa laboratory ako at Halos Hindi kuna namalayan ang oras ng mapatingin sa orasan pasado alas nueve na pala ng gabe, kong Hindi pa pala sumakit ang leeg ko Hindi kupa malalaman,
T

umayo  na ako at lumabas ng laboratory,inayos kulang ang mga gamit ko saka ulit ako lumabas dala ang bag na may lamang gamit.
Naglalakad ako sa hallway ng hospital ng may ibat ibang doctor at pasyente ang bumabati sakin na sinusuklian KO naman ng tipid na ngiti.
Pagka labas ko ng building ay naka handa na ang kotseng maghahatid sakin papuntang hotel, isa ito sa mga kotse nila angel na pinagamit sakin ni tito kulay black itong Lamborghini ibinigay sakin ng lobby boy ang susi kaya agad naman akong pumasok at nag drive na puwi, 

Habang nag mamaneho ay naisipan ko namang tawagan si ate Guinevere, sister kong nagtatrabaho dito sa america isa itong caregiver,  heto yong sumunod sa panganay naming lalaki at lima kaming magkakapatid at ako naman ang pangatlo samin.

Isang ring lang ay agad itong sumagot  ito

"Ate kumusta kana?" Agad Kong bungad dito

"O-oki l-lang naman i-ikaw?"
Nagtaka naman ako sa boses nitong parang nanginginig.

"Ate okay kalang ba?"
Pagaalala ko dito

"Ahhahah O-oo naman o-oki lang ako. Sige na magaaral kang mabuti wag pababayaan ang sarili.bye" hindi manlang ako nakapag paalam ng bigla nitong binaba ang tawag na parang nag mamadali. Ano ba mga problema nila at ang hilig akong babaan ngayon.

Nakarating na ako sa hotel at dumeretso ng kwarto para mag bihis,pagkatapos kong magbihis ay agad akong sumampa sa kama at kinuha ang cellphone tsaka nag video call kay angel na agad naman nitong sinagot.
Nasa kwarto ito nito sa sarili nitong bahay at mukhang kasama nito sila Jasmin at lexi na naka higa sa kama nito habang ito naman ay naka dapa sa kama at mukhang laptop nito ang ginagamit dahil hawak hawak nito ang cellphone

"How's your day hon?" Tanong ko dito

"Perfectly fine"
naka ngiti nitong sabi.
minsan napapa isip ako kong namimiss din ako nito parang ang saya kasi nitong wala ako sa tabi niya samantalang ako halos isama kuna sa hotel ang trabaho KO para Hindi lang siya maisip.

"Kumain kana ba?" Tanong KO ulit dito

"Yeah,kumain ako sa labas kasama Sila jasmin at Lexi, how about you ?.."

"Wala pa,kakarating kulang kasi ngayon tsaka wala akong gana"
Bigla namang sumama ang mukha nito sa sinabi ko

"Kong Hindi kakain ngayon, swear to god Hindi kita kakausapin!" 

"Upo kakain ako mamaya pagka tapos nating mag usap,  nga pala hon kaylan ka bibisita dito?"

Kita Kong bigla itong siniko nila Jasmin at Lexi 
Hhmm. Ano ba mga problema nila?
Yong kaninang mukha nitong nagaalala ay bigla namang ngumisi.

"Hindi pa kasi tapos Yong  mga kaylangan Kong gawin, diba sabi MO Hindi ako pwedeng bumisita diyan pag Hindi pa tapos..sooo?!" Sabi nito at may naaamoy akong Hindi maganda..muka kasing sinasadya nitong  sabihin yon para inisin ako? At sa tingin ko ay kasabwat pa nito ang mga kaibigan.

"Pero akala kuba tapos na Yong kontrata mo nong isang araw?"

"Yeah, pero marami pa kasi akong gagawin e, kumain kana diyan.. .."

Hindi paman ito natatapos magsalita ng biglang binaba ni Lexi at Jasmin ang laptop.
Mga walang manners, Hindi manlang ako nakapag paalam Kay angel! Imbis Na mainis at  magmokmok ay pumunta na ako ng kitchen para kumain.
Pagkatapos Kong Kumain ay agad akong natulog  dahil nga sa pagod ay agad akong naka tulog ng mahimbing.

My Girlfriend Is A Bitch (GxG Tagalog)√Onde as histórias ganham vida. Descobre agora