28

7.4K 214 10
                                    

LEXANDREA

Andito ako ngayon sa gym ng school dahil sa practice, kaylangan na kasi naming mag insayo ng mas madalas dahil isang linggo nalang lilipad na kami papuntang  states para sa aming nalalapit na laro.

"Hi lex, ahmf may lakad kaba mamaya?"

Salubong sakin ni razy habang nag wawarm up akong mag isa.. tumingin ako sa paligid at nag si datingan na pala sila.

"Wala naman, bakit?

"Birthday kasi ng mommy , gusto sana ng mommy na makilala lahat ng dragon girls e,k-kong pwede sana pumunta kadin?" razy

"Anong oras ba?"

"Mga 7:30 start na ng party sa bahay" razy

"Hmm pwede naman sigurong 8 na akong pumunta?"

"Talaga?! I mean sure, pwede naman as long as darating ka!" Sagot ni razy na halos mag ningning ang mga mata sa saya. Ang weird .
Tumango nalang ako dito bilang sagot hindi kasi ako masyadong pala kibo sa kanila kong hindi lang din naman tungkol sa practice.

Nag start na ang team fight namin halos ma puno nadin ang gym dahil sa dami ng studyanteng nanunuod at panay ang sigaw. Nakita kodin kanina sila lexi,jasmin at cassandra sa front ng bench naka upo habang na nunuod, nag tinginan lang kami tsaka pa simpleng ngumiti sa isat isa.knowing na nanunuod ang girlfriend kong si angelica cassandra mondragon ay kinikilig na ako pero syempre ayokong ipahalata.

"Break time!!"
Rinig naming sigaw ni coach,mabilis naman akong nag lakad pa balik sa bench kong saan malapit sila cassandra,malapit lang din kasi ang gamit ko sa kanila.

"Woaahh the super star miss manlangit!!"
Salubong sakin ni lexi at jasmin,ngumiti naman ako sa kanila at tumingin kay cassandra.

"Lexa!?" Rinig kong sigaw ni razy habang papalapit ito sakin

"Bakit?"

"Amhf ano kasi... ahh tubig gusto mo?"
Nahihiya nitong tanong habang inaabot nito ang tubig sakin.

"Ah eh salamat"
poker face kong sabi dito sabay kuha ng tubig, umalis naman agad ito, kaya ibinaling ko agad ang tingin kay cassandra. Napa lunok ako ng makitang masama ang tinging ipinupukol nito sakin. Mabilis ko namang binaba ang mineral bottle na binigay sakin ni razy. Nakita ko naman ang hawak na tumbler ni cassandra at sa tingin ko lemon juice ang laman nito.

"Amhf cass, pwede bang maka inom?"

Tanong ko dito, nagulat naman ang dalawa na halatang hinihintay lang din ang sagot ni angel na walang emosyon ang mukha

"Bakit hindi yang tubig ang inomin mo, mukhang gustong gusto mo naman! " cassandra

" mas okay kasi kong lemon juice ang inomin kapag galing sa laro" pag papalusot ko inikotan naman ako nito ng eye balls. Akala ko magsasalita pa ito pero na gulat ako ng pabalang nitong binigay sakin ang tumbler na naglalaman ng lemon juice. Matamis akong ngumiti dito tsaka uminom sa tumbler nito pagka tapos ko namang uminom ay bigla nitong tinapon sakin ang isang bimpong kinuha niya mula sa dala niyang bag.

"Punasan munga pawis mo!" Sabi nito.

"Upo maam, salamat"  sagot ko dito habang naka ngiti.

My Girlfriend Is A Bitch (GxG Tagalog)√Where stories live. Discover now