15

8.3K 232 8
                                    

ANGEL

nasa library kaming dalawa ni lexa, may isang oras kaming vacant kaya start na ng pag tutor niya sakin, nasa pinaka dulo kami ng library at wala masyadong tao, pinagmamasdan ko lang si lexa habang nag tuturo at nagbabasa sa katabi ko
Calculus ang tinuturo niya ang baba raw kasi ng grado ko sa calculus,pano ba naman ang haba ng solution sumasakit ang dalawa kong mata kaya palagi akong tulog kapag calculus na tinuturo.

"Angel,nakikinig kaba!?" Lexa

"Ahh,oo,syempre!"
Sagot ko dito ng naka tingin parin sa mukha niya

"Sige,paki solve nga nito"  tiningnan ko ang tinuro niya at biglang napa nguso. Nakita ko naman kong pano na ngunot ang kilay niya habang naka tingin sa naka nguso kong labi,pansin ko lang madalas nagkakasalubong ang  mga kilay niya kapag may nakikita itong hindi niya gusto o gusto niya?

"Kapag nagtuturo ako sa libro ka tumingin hindi sa mukha ko, kaya hindi mo naiintindihan e!Hayystt,tigilan munga pag nguso nguso dyan!" Lexa

Kanina niya pa pala ako napapansing naka tingin sa kanya.. lakas din ng pakiramdam ng babaeng to,

"Ano ba pakialam mo kong ngumuso ako mag hapon !"  Maldita kong sabi dito. Na mukhang kinainis naman nito, bigla akong napaatras ng bigla nitong linapit ang mukha sa mukha ko

"H-hoy-wh-what are you doing!?" Sabi ko dito ng unti unti nitong linalapit pati ang katawan sakin aatras pa sana ako mula sa pagkakaupo pero bigla niyang hinapit ang beywang ko palapit sa kanya napa lunok ako ng isang dangkal nalang ang layo niya mula sa mukha ko,shit isang galaw nalang baka dumikit na labi niya sa labi ko! Hindi ako makagalaw ni hindi ko nga siya maitulak,ano ba ng yayari sakin para akong naestatwa, nakatingin lang din ako sa labi niya na minsan ko naring naka halikan, napalunok ako ng sunod sunod.

"Lexa,lumayo kana please lang baka may makakita satin" hirap na hirap kong sabi dito

"Bibitawan kita, pero sigiraduhin mong makikinig kana sa lahat ng ituturo ko at wag kang ngumuso sa harapan ko baka hindi ako makapag pigil!" Sabi nito na naka tingin lang sa mga mata ko ewan kuba pero pakiramdam ko nagbabaga ang manga tingin niya na tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. 

"O-oo,bitaw na please.."
Dahan dahan naman ako nitong binitawan kaya naka hinga ako ng maluwag don kulang din napansin na ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Oh my ghod that was too close!
Tiningnan ko siya ng makitang maypinapali itong page mula sa libro, parang wala manlang siyang ginawa kanina samantalang ako parang aatakehin sa puso..

Nakinig nalang ako sa pagtuturo niya at pilit inintindi lahat ng ini explain niya kahit hindi parin ako maka get over sa ginawa ng babaeng to.
Ng matapos na ang isang oras natapos narin ang pag tutoro niya at kanya kanya kaming bumalik sa classroom namin,

Umupo ako sa upuan ng parang nakalutang parin  katabi kolang din sila lexi at jasmin sa upuan.
Ramdam kong kinalabit ako ni lexi pero hindi ko ito nilingon.

"Beshh, are you okay? Masama ba pakiramdam mo" tanong ni lexi

Hinawakan ko ang dibdib ko malapit sa may puso.

"Im not okay, ang lakas ng tibok ng puso ko, para itong sasabog" wala sa sarili at mahina kong sabi kay lexi at jasmin tumayo ang dalawa sa sinabi ko!

" gosh! Lets go to Hostel!" Sabi ni jasmin na ang tinutukoy ay ang clinic ng school, tumango naman si lexi at inakay nila ako palabas nagpatianod nalang din ako baka nga kaylangan kong magpa check up,malay kubang may sakit pala ako sa puso!

Pag ka dating namin pina upo ako agad ng dalawa sa hospital bed , at mabilis na tumakbo ang dalawa papunta kay
doc:sanchez ng makitang papasok na ito sa pinto.

"Doc! Doc! Emergency! Yo-yong kaibigan po namin ang puso nya daw po!!"  Exaggerated na sabi ni lexi, akala mo mamatay na ako!

"Bakit ano ba nangyari sa puso niya?" Nagtataka namang sabi ni doc sanchez

"Doc,try to check her! Kapag may nang yaring masama sa kaibigan namin ipapakulong ko kayo!" Sigaw naman ni jasmin, mga punyeta, ano ba mga pinagsasabi ng dalawang to. Sa sobrang takot naman ni doc sanchez dali dali naman itong lumapit sa kinaroroonan ko. Marami itong chineck sa akin ang dibdib at pati pulsuhan ko ay tiningnan din nito. Pagkatapis nitong gawin iyon ay napabuntong hininga ito.

" doc?! Ano po? Maysakit po ba ang kaibigan namin!?"  Sabi nanaman ni lexi,magsasalita na sana si doc sanchez ng magsalita ulit ang babaeng baliw!

" doc, hindi pwede ! Pagalingin nyo po siya,! Kahit mag kano po kaylangan nyo, ibibigay po namin!" Shit! Hindi na ako nakapag pigil at bigla ko itong binatokan!

" can you just shut up! You two are really getting into my nerves!  fuck off!"

Sabi ko dito pero yong dalawa nag pa cute lang sa harap ko at lumabas na parang mga tuta..mga bitch talaga!

"Your friends is so funny, anyways your not sick miss mondragon, although hindi nga normal ang pagtibok ng puso mo kanina pero sa tingin ko ay dahil ito sa pagod,kaba o dikaya naman ay may tao na nagiging sanhi ng pagtibok nito ng malakas. Alin sa tatlong yon ikaw na ang nakakaalam miss mondragon, its normal to have a fast heartbeat. Maiwan na kita miss mondragon"

Pagkatapos nitong sabihin yon ay umalis na ito, napahiga nalang ako sa hospital bed at pumikit mabuti pa siguro matulog nalang muna siya.

My Girlfriend Is A Bitch (GxG Tagalog)√Where stories live. Discover now