36

6.1K 176 10
                                    

LEXANDREA

Monday na ngayon at Nasa school na ako para pumasok,halos wala din akong tulog ka gabi dahil sakaka isip sa napaka bilis na pangyayari kahapon, kahit puyat at walang laman ang sikmura ay pinilit ko paring mag concentrate sa klase. Mga ilang oras lang ay tumunog na ang bell hudyat na lunch break na kaya Dali dali naman akong nag ligpit at lumabas ng room namin,

"Lex!?" Sigaw sakin ni Shane 

"Hmm?"

"Ang tamlay naman! Nga pala sabay na tayong kumain! " sabi ni Shane na ikina tango kulang

"May problema ba?" Tanong nitong nagaalala ang mukhang naka tingin sakin

"Pera" seryoso Kong sabi dito kahit alam Ko namang Hindi ito maniniwala.

"Oh C'mon sis you can tell me..."
Hindi kona pinansin ang sinabi ni Shane ng malayo palang ay nakarinig na ako ng pag basag ng mga mababasaging bagay sa loob ng S'food kaya kahit si Shane ay mabilis ding naglakad papasok sa loob.

Naka pagkit ang mga mata ko sa angel na parang Hindi KO kilala may naka luhod Sa harap niya na  apat na studyante,dalawang lalaki at dalawang babae, habang hawak niya naman ang buhok ng isa sa dalawang babae,at Kong Hindi ako nagkakamali ay sila din yong kasama Kong mga nakakuha na scholarships  sa school nato. kita ko Kong pano umiyak ang babae at magmakaawa sa kanya, kita kodin ang maraming  nakakalat na bobog sa sahig  at mga natapong drinks at pagkain mula sa mesa.
Naka tanaw lang ako sa malayo at pinagmamasdan ang ginagawa ni angel na nakakapag paapoy sa dibdib ko.

" such a piece of trash"
Rinig Kong sabi nito.
Lalapit na Sana sa kanya ang isang nerd na lalaki pero mabilis itong na itulak ni kley (yong basketball player na  manliligaw ni angel). saka mabilis itong sinuntok sa pisngi.

"C'mon boy, wag kang lalapit sa prinsesa ko"
Kley

Tiningnan ko ang buong paligid na tinitingnan lang ng mga kapwa namin studyante ang nagyayari nakikita kuding nagtatawanan lang ang mga ito at wala manlang balak na awatin ang mga ginagawa ni angel at ang grupo nitong bully. Hindi padin pala talaga ito nagbabago.

Mabalis akong hinawakan ni shane sa kamay ng akmang maglalakad na ako palapit Kila angel.

"No! Ikaw ang pag iinitan na grupo nila pag nakialam ka,lalo na ng grupo ni kley"
Sabi ni Shane pero binigyan kulang ito ng poker face saka agad na lumapit sa apat na studyanteng Binu bully sa loob ng S'food

Mabilis kong sinalag ng kamay ang suntok ni kley saka ito itinulak papalayo sa nerd na lalaking kanina pa nito pinaglalaruan.tiningnan ko naman ang isang babaeng nasira ang puting blouse nito at medyo nakikita na ang kulay pink nitong bralet, agad ko namang hinubad ang jacket na suot ko saka pinasuot dito.

Hinarap ko naman si angel at kitang kita ko nanaman ang mukha nitong nangangalaiti sa galit.

"Enough for that childish doing"
Nakatitig kong sabi Kay angel.agad naman itong lumapit sakin at malakas nanaman akong sinampal, rinig na rinig ko ang pag singhap ng mga studyanteng naka kita pero nanatili pading walang emosyon ang mukha KO, iniinda ko lang ang  sakit ng pagkakasampal niya. Agad ko naman itong hinawakan sa kamay at agad namang lumapit si kley para sana ilayo ako kay angel pero mabilis ko itong nasapak na agad nitong ikina atras rinig kupa ang tawanan sa loob bago ko hinila si angel papalayo sa S'food.

Hinila ko ito hanggang sa stock room  Kong Saan walang tao at medyo madilim .

"Bitawan mo ako sabi!!"
Sigaw nito sakin habang nag pupumiglas mula sa pagkakahawak ko.

Pagka sara KO ng pinto ay agad ko naman itong binitawan.

"Ano bang gusto mong palabasin sa ginagawa mo?"
Mahina Kong tanong dito habang matiim na naka titig sa mga mata nito.

"Look who's asking? Bakit,sino kaba!!?"

Sarcastic naman akong natawa habang tumatango.

" sino ngaba talaga ako sayo angel?"  Kalmado Kong tanong dito kahit deep inside nasasaktan na ako

"Gusto mong malaman kong sino ka sakin? well your nothing but a trash ka tulad kadin ng mommy ko, basura." Sabi nito habang sarkasmong tumatawa.

"Ilang ulit kubang sasabihing walang nangyari samin ni razy"

"Go away.."aalis na sana ito pero agad ko itong nahawakan sa kamay tsaka mahigpit na niyakap.

"Please,ayusin natin to,ayoko ng ganito tayo.I'll do everything para mapatawad mulang ako,just please stay with me."

"Gusto mong manatili sa tabi ko? Okay pagbibigyan kita bastat gawin mo lahat ng sasabihin ko"

Agad naman akong pumayag sa sinabi ni angel,nagpahatid ito sa department nila saka lamang ulit ako naka pasok sa sarili kong klase.
Pagka tapos ng klase namin ay pumunta muna ako ng locker room para uminom ng gamot sumasakit kasi ulo ko naka limutan kupa palang Hindi pa ako kumakain, pumunta ako ng S'food tsaka bumili ng burger at bottled water habang kumakain ay naka tanggap naman ako ng text galing Kay angel. Hihintayin kita sa parking lot. Wag kang aalis hanggat wala pa ako.
Mabilis naman akong pumunta ng parking lot habang tinatapos ang pagkain andon ako sa harap ng kotse niya naghihintay habang tinatanaw Kong andito na siya pero mahigit isang oras na akong naka tayo Hindi padin siya dumarating, madami ng nagsi alisang studyante pero wala padin si angel.dalawa,tatlo at apat na oras na akong naghihintay pero wala padin siya at wala ng  studyante sa loob ng campus dahil alas siete na ng gabi. Nag text na ako Kay angel Kong nasan na ito,mga ilang Segundo lang ay may reply na agad galing dito

"Nakalimutan ko palang e text na naka uwi na ako kanina pang alas tres sinabay kasi ako ni kley pauwi."

Napahilot ako sa sintido ko, alam ko namang sinadya nitong paghintayin ako sa parking lot haystt.

"Ah ganun ba hon, sige pagka tapos mong kumain matulog kana, good night"

My Girlfriend Is A Bitch (GxG Tagalog)√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon