38

6.5K 169 2
                                    

LEXANDREA

Nasa restroom ako at nag hihilamos ng biglang bumukas ng malakas ang pinto,pumasok ang tatlong lalaki at kong hindi ako nagkakamali ay si kley ang isa sa mga lalaking pumasok napa tingin din ang tatlong babaeng nasa loob ng restroom dahil sa pagka biglang pumasok ang mga lalaki sa girl restroom. Alam ko naman na ako ang pakay ng  kley na to e nakakatawa lang Dahil nagsama pa ng back up.

Biglang lumapit sakin si kley habang ang dalawa namang lalaki ay nasa pinto nagbabantay para wala sigurong makalabas at magsumbong. Tsk  mga bading. Hyst!

Cold ko itong tiningnan yong tipong walang pakealam kong anong pakay niya dito sa loob.
At hindi nga ako nag kamali dahil ng makalapit ito ay agad ako nitong sinampal ng malakas dahilan ng pagdura KO ng dugo ramdam kudin ang pag hapdi samay gilid ng labi ko, hinawakan ko ito at nakitang may dugo ngang dumikit sa daliring pinangkapa ko.

"Ano hah! Lumaban ka, ngayon mo ako labanan!" Sabi nitong ng hahamon

"Duwag, Ako lang ba kaya mo?"
Walang takot na sabi ko dito.
Agad ako nitong sinampal ng dalawang beses, nasundan pa ng ilang beses,ramdam kuna ang hapdi ng pisngi ko pero wala akong balak gumanti sa kagaguhan ng isang to, alam mo yong pakiramdam na parang gugustuhin mong maramdaman ang sakit ng mga sampal kesa sa sakit na nararamdaman mo mula sa dibdib.  Rinig ko ang mga pag singhap ng mga kasama Kong babae na nasa isang sulok.
Ng makontento ito sa ginawa sa mukha Ko ay tumatawa itong lumabas sa restroom agad naman akong nilapitan ng tatlong babae ng makalabas ng ang mga bakulaw.

"Are you okay?"

"Yeah,I'm fine.thank you" pagka sabi Ko nito ay agad din akong lumabas at don narinig ang pag uusap nila angel at kley.  Parang may libo libong  karayom ang nagsisitusok sa dibdib ko dahil sa nalamang si angel pala ang nag utos sa duwag na si kley. Tsk bakit Hindi nalang kaya siya ang gumawa...

"So ikaw pala ang nag utos sa tatlong bading nayan na ipabugbog ako.." Walang gana kong sabi

"No lex..h-hindi naman yan ang .." Hindi nito matuloy ang sasabihin.

"I'm fine, ang hina ng sampal ng inutusan mo e, sa susunod ikaw nalang sumampal sakin mas mararamdaman kupa siguro yong sakit"
Pagka sabi nito ay agad na akong umalis sa harapan nila at agad na umuwi,

nasa livingroom ako at kanina pa
nagbabasa ng mga libro halos naka anim na akong libro dahil  sa walang tigil na pagbabasa, heto yong mga librong binili ko sa mall ng Manhattan Nong isang araw at halos sampu ito at Yong anim nga ay tapos kunang basahin.I've been trying so hard na Hindi mag isip ng kahit na ano na ikakasakit ng ulo ko pero dahil din sa matagal na pag tingin sa mga libro ay bigla din akong inatake ng migraine.
ito Yong ayoko sa lahat dahil talagang ang sakit  na parang may pumupokpok sa ulo ko,kapag ganitong inaatake ako ng migraine ay nagsusuka at nilalamig ang katawan ko very sensitive din ako sa liwanag at ingay,tumayo na ako at pumunta sa drawer ko kong saan naka lagay ang gamot .pagka tapos kong uminom ng gamot ay nahiga na ako para e relax ang masakit kong ulo,kaylangan kong mag relax para Hindi lumala ang sakit.

Mga ilang oras palang akong naka tulog ng magising ako mula sa ingay ng cellphone ko,
Pa kapa ko itong kinuha at sinilip ang caller id Kong sino at nakitang si Shane ang tumatawag.

"Where are you?"shane

"Sa bahay natutulog."

My Girlfriend Is A Bitch (GxG Tagalog)√Where stories live. Discover now