51

5.3K 160 4
                                    

LEXANDREA

Lumipas ang mga araw buwan na Andyan Yong  napakaraming pinagdaanan,andyan yong busy sa school,practice sa kanya kanyang career at Hindi maiiwasang tampuhan sa relasyon, pero syempre mas matimbang yong mga oras na mas okay at sweet kami, every weekend ay lalabas kami para mag date pero kaylangan ko muna itong ipaalam Kay tito, papayag naman ito pero pinapasama nito ang driver nila na siyang nagiging driver namin sa lakad in short may bantay kami. Akala naman kasi ni tito e gagahasain ko itong prensesa niya, sa behave Kong to hindi ko yon magagawa. Anyway  andito ako ngayon sa harap ng classroom nila angel at hinihintay na Matapos ang klase nila pupunta kasi kami ngayon ng boutique para mag paggawa ng damit para sa graduation ball at kinasabwat kunadin ang gagawa ng damit namin na siya ring gagawa ng dalawang gown namin para sa kasal balak ko kasing mag propose na pagkatapos ng graduation, alam nadin ng family ko lalo na ni tito na katakot takot na pakiusap ang ginawa ko mapapayag lang ito at syempre pati narin mga kaibigan namin si angel nalang ang di nakakaalam dahil gusto Kong ma surprise ito pagka propose ko.
N

a tapos ang pagsususkat namin ng magyaya itong mag shopping kaya pumasok kami sa isang clothes shop,namimili ito habang naka upo naman ako sa sofa na tumitingin dito,

"Hon gusto ko nitong lahat,please??"
Pagturo nito sa sampung naka sabit, nagpapaalam ito dahil pinapaiwas KO ditong bumili ng maraming damit dahil Hindi niya din naman nasusuot sa sobrang dami ng damit nito.

"Okay, miss kunin po namin lahat ng itinuro niya.." Sabi ko sa sales lady na naka tayo sa tabi ni angel ngumiti naman ito ng malapad.
Na upo naman sa tabi ko si angel habang hinihintay na mabalot lahat ng pinamili nito..

Naguusap kami ni angel ng lumapit ang sales lady sa harapan ko at may inilatag na papel

"Ma'am pake  lagay nalang po ng signature nyo" biglang napataas ang kilay ko ng Makita ang ayos nito na nakikita na ang cleavage, kanina naman hanggang leeg ang pagkaka botones ng uniform nito pero bakit ngayon kulang nalang ipagduldulan ang cleavage nito ang landi din maka ngiti sakin,tumingin naman ako Kay angel na ang sama na ng timpla ng mukha tsaka kumapit sa braso ko sabay hawak sa pisngi ko para sa kanya ako tumingin na ikina ngisi konaman,lakas kasing maka selos tong girlfriend ko,

"Ma'am pipirmahan nyo  poba?" Tanong ulit nito sabay yuko. Agad naman kinuha ni angel ang papel saka itinapon sa mukha ng babae hindi kona napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko habang naka tingin lang sa mukha niya.

"Hindi na ako bibili !!"
Sabi nito sabay hila sakin patayo

"Teka..Kala kuba gusto muyong mga damit?" Tanong ko dito

"Hindi na,may higad dito its so gross"
Sabi nitong naiinis saka tuluyan akong hinila palabas ng boutique, binitawan naman agad ako nito saka naunang  naglakad,hinabol ko naman ito saka inakbayan habang mahinang tumatawa.

"Hon, gusto mo punta nalang tayo sa kabilang store?"

"Ayoko na, nakakabadtrip kasi yang mukha mo takpan munga!"  Sabi nito sabay suot sakin ng cap

"Palagi kanalang may problema sa mukha ko.." Sabi ko dito saka sumunod nalang sa paglalakad.

Habang nasa likuran ako nito napapansin Kong kanina pang may nagmamasid samin,liningon ko ito pero sa Dami ng tao sa mall Hindi KO alam Kong sino pero ang lakas talaga ng kutob Kong kanina pang may naka sunod samin. Kita Kong medyo malayo na si angel kaya agad akong tumakbo para makalapit dito sabay hawak sa kamay nito. At binalewala Kong sino man Yong sunod ng sunod samin,pareho pa kaming naka uniform ni angel kaya marami ang tumitingin sa gawi naming dalawa, syempre sino bang Hindi titingin sa napaka gandang babaeng kasama ko..
Kumain lang kami sa isang restaurant tsaka nagpahatid na ng  uwi kay mang ben na kanilang driver.

My Girlfriend Is A Bitch (GxG Tagalog)√Where stories live. Discover now