Her Innocent Slave 06

124K 2.3K 221
                                    

(HIS) Chapter 06





"Don't bump into Ivy again. If you saw their group, avoid them at all cost."

Pinaglalaruan ko ang mga nasa loob ng sasakyan. Siya, nagmamaneho kaya sa kalsada siya nakatingin.

"Ivy who?"

Nilingon niya ang kamay kong pinaglalaruan ang aircon vent. Sinasampal ko iyon kaliwa't kanan. Ibinalik niya rin naman agad ang tingin sa kalsada.

"The girl you fought yesterday. Her name is Ivy."

"Oh!" Tumawa ako. "May pangalan pala si tantrum girl?"

He sighed and looked at me lazily.

"Don't try to provoke her again."

"Bakit?" I tried to sound interested.

"Pumapatol iyon sa bata," wala sa sariling sagot niya.

Nahinto ang kamay ko sa paglalaro sa aircon. Binalingan ko siya at nakitang hindi pa niya natanto ang maling salitang nagamit niya.

"Pumapatol sa bata? Bata? Sino ang bata?" Ulit-ulit ko.

Sa may diing tanong ko, saka niya na-realize ang nasabi niya. Napalunok siya at mabilis na binago ang unang sinabi niya kanina.

"What I mean is pumapatol iyon sa mas bata sa kanya. She is my age. I'm older than you so she's older than you too."

Umirap ako at sinamaan siya ng tingin.

"Gusto mo patunayan ko sa 'yo rito mismo sa sasakyan na hindi na ako bata?"

Namumula niya akong inilingan. Sinasabi ko pa lang pero siya sa tingin ko'y nai-imagine na niya kung ano ang gagawin ko kaya heto at namumula.

"I already explained, okay? Mahilig mambully iyon lalo na sa mga bagong estudyante."

Naghalukipkip ako at hinayaan siyang magsalita kahit hindi ako masyadong nakikinig. Anak ng isa sa mga shareholders kaya malakas ang loob? Wala ring nagsusumbong kaya hindi napapagalitan? Umirap ako. Hindi uubra sa akin ang pagiging bully at kamalditahan niya kahit magulang niya pa ang maging may-ari ng buong eskuwelahan.

Pagdating sa school, bumaba siya sa parking lot at inabot sa akin ang susi ng sasakyan. Mabilis siyang umikot papunta sa gate para doon pumasok. Ang alam ng girlfriend niya ay nagc-commute siya pansamantala sa pagpasok.

Nagpunta na ako sa building namin at hindi na sila tinanaw sa pagpasok mula sa gate. Pareho lang naman sa araw-araw, magka-holding hands lang sila. Nag-uusap. Nagngingitian.

"This is torture!" Tukoy ko sa math subject. Wala akong naintindihan sa solving ni isa.

Bored na bored akong nagpangalumbaba. Naghihikab ako nang matapat sa bintana ang mga mata. Mula rito, tanaw ko sila na naglalakad at magkahawak ang kamay. Inaayos ni Lucas ang buhok ng girlfriend niya na hinahangin dahilan ng malakas na ihip ng hangin sa labas.

Nakasuot si Lucas ng malinis na school uniform. Ang babae naman ay nakasuot ng P.E uniform na hapit na blouse at maikling short. Mahinhin itong nakangiti at nakatingala kay Lucas. Nag-uusap sila ngunit hindi na iyon abot sa pandinig ko.

"Open your books..."

Inalis ko sa kanilang dalawa ang tingin at sinubukan makinig sa guro na nasa harapan kahit lumulutang ang explanation niya at wala akong maintindihan.

Sa sumunod na subject, walang dumating na guro kaya naglabasan na ang mga kaklase ko. Sumunod ako at nag-isip kung saan tatambay para ubusin ang oras.

Nakahawak ako sa railing ng second floor. Nasa ibaba sila Lucas at ang mga kaibigan niya. Pinapanood nila ang girlfriend niya na nag-eensayo ng larong volleyball. Napangisi ako at napagdesisyunan na bumaba na lang.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon