Her Innocent Slave 46

88.9K 2.4K 575
                                    

(HIS) Chapter 46




The next morning after the event, I felt guilty for everything I did to him. From the first day I left him till now. I mostly spoke frankly and some people always got offended by my unsugarcoated words and actions. Wala akong preno pa-minsan kahit na alam ko na maaaring masaktan ang kaharap ko.

I can still taste the bitterness of his words last night on my tongue. He may feel that I don't care about him then and even now. That even if he has a girlfriend, I won't be affected. Last night, he sounded like I took him for granted. That I failed to appreciate him.

Then, I was afraid to face him because what I knew then was that he was in love with his girlfriend and he couldn't return my feelings. I'm afraid of confrontation and conflicts. I'm afraid that if I don't leave, I might beg him to choose me. He always said that he loved someone else so it never crossed my mind that I hurt him when I left.

Is it my fault because I only think about myself? Is it my fault because I felt guilty for messing up their relationship? Is it my fault for falling in love with a man who is already in a relationship and loves someone else? I felt bad ‘cause I did wrong so I ran.

“You’re a stupid brat, Lucienne.” I groaned and lightly punched the pillow.

Nakadapa ako sa kama. Yakap ang unan habang nag-iisip. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nag-apologise sa kanya o kung nag-apologise ba ako sa kanya ni isang beses. Hindi ko maalala. Ang mga naaalala ko lang ay siya ang madalas na mag-sorry. Na minsan kahit ako ang may mali, ako pa rin ang tama. Sa huli, siya ang hihingi ng tawad.

But this is me. I’m such a brat, realist, and sarcastic. I can't change overnight just because I hurt someone. Even if I try to change, I will always come back to who I am. Kaya lang, hindi ko mapigilan ang hindi ma-guilty dahil sa ginawa ko. Nasaktan ako sa narinig na may kasintahan siya at ayokong mag-mukhang tanga kapag tumingin siya sa akin kaya ginawa ko iyon. It’s not that I don't care. The thought of you having a girlfriend affects me too, Lucas.

"Magkikita ba kayo?"

"Hindi. Wala kaming usapan ngayon. Bakit?"

Rome was on the other line of the phone. I was having breakfast while talking to Rome and the earpod was in my ear. I called him because I'm really anxious about Lucas. Kahit kasi sa mga bodyguards, hindi siya kumontak. It’s like he’s tired of me and giving me up. Hindi gaya noon ay malaki na ang mundo niya ngayon. Maraming naghihintay sa kanyang babae. Maraming may gusto. Just one call and they will run open legs and naked to him.

"Wala naman…" marahan na sabi ko.

Siguradong dinig ni Rome ang lugmok sa boses ko at ang tunog ng paglalaro ko sa kubyertos na hawak ko. Wala akong ganang kumain.

"Puntahan natin sa work niya?"

Natigilan ako nang mahimigan ang panunukso sa boses niya kahit wala pa akong binabanggit.

"Saan ba ang office niya?"

Hindi ko pinansin ang tawa niya. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa itong baklang ito ngayon na ganito ako. Hinintay ko siyang sumagot kahit na puno ng panunukso ang bawat salita niya.

"May sarili siyang opisina sa law firm ng tito niya. Ano? I-surprise visit natin?”

Marahan akong tumango nang maalala na nagtrabaho siya sa tiyo niyang judge noong nakatira pa siya sa bahay. He’s working and at the same time he’s also studying. My father also mentioned that Lucas paid him his father's debt, though it took years before he was able to pay it full. Nang panahon na iyon siguro’y ayaw niyang magkaroon ng utang ng loob sa amin at ayaw niyang maapakan ang ego niya dahil ang naging kabayaran ng utang nila noon ay ang katawan niya.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon