Her Innocent Slave 25

104K 2K 83
                                    

(HIS) Chapter 25


Pagkamulat ko ng mga mata, ang bumungad sa akin ay ang madilim na kuwarto. I'm alone. I didn't get up and instead reached for the blinds remote on the side table. Tamad kong pinindot iyon nang mahawakan ko. Nakatitig ako sa blinds na unti-unting nahahawi mula sa pagtabing sa salaming bubong. Nang tuluyang lumitaw ang langit, napairap ako dahil wala ni isang bituin. Mukhang uulan mamaya dahil makulimlim ang langit. Maging ang bilog na buwan ay kalahati lang ang litaw. Ang kalahati ay tinatakpan ng ulap.

"This weather makes my house worthless. I didn't come here for night cloud gazing," I gritted my teeth.

Bumangon ako. Habang sinusuot ang nightdress na pantulog, lumapit ako sa babasaging dingding upang dungawin ang ibaba. Pagkalapag ni Lucas ng mga pinggan sa lamesa, tiningala niya ako. Napatingin muna siya sa inaayos kong strap ng dress ko bago sa aking mata. Sa palagay ko'y alam niyang nagising ako dahil gumalaw ang mga blinds. Nang taasan ko siya ng kilay at saka niya lang binawi ang mga matang nasa akin. Yumuko siya at bumalik sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto.

Naaamoy ko na ang niluluto niya nasa hagdanan pa lang ako. Napasulyap siya sa hagdan. Nang magtama muli ang mga mata namin, muli siyang nag-iwas ng tingin. After I stepped on the last step of the stairs, I rolled my eyes and walked towards the door facing the sea. Pagkabukas ko sa babasaging pintuan, binalot ang tenga ko ng ingay ng malakas na hangin at maingay na hampas ng dagat.

"Rain on my first day, really? I hate it," reklamo ko.

Tiningala ko ang langit para lamang mapa-pikit dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng tubig sa aking pisngi. Dumilat ako at dinirekta ang mga mata sa saklaw ng dilim na karagatan. Malakas ang hampas ng alon na tila masama ang loob sa dalampasigan. Malamang ay malakas ang parating na ulan base na rin sa lakas ng hangin. Sumimangot ako at pumasok na lamang muli sa loob bago pa ako sipunin dahil sa lamig sa labas.

Tahimik kaming kumakain ni Lucas. Nagkakatinginan minsan na mabilis niya rin naman pinuputol kaagad. Umirap ako. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko at parang naiilang na magkasabay kami na kumakain ngayon. Bakit ba parang apektadong apektado siya? Dahil ba sa alak na iniluwa ko sa bibig niya? Dahil hindi ko siya tinitingnan sa mga mata? Dahil ininsulto ko siya? Alam niya na kakambal ng pangalan ko ang magaspang kong ugali at matalas kong dila. Hindi na dapat siya nagtataka at sa pagkakataon na ito'y dapat sanay na.

"Let's do it here."

Nag-angat siya ng mukha at nagtataka na tiningnan ako. Tinuro ko ang bar counter sa kanya. Ang lamesa sa harapan namin. Ang sofa sa sala. Ang pool malapit sa sala. Umawang ang mga labi niya nang maintindihan niya ang gusto kong gawin namin kahit wala akong minutawing salita.

"I feel bored because of the rain. Basa ang buhangin at walang bituin. There is nothing we can do here but have sex."

Nagdilim ang paningin niya sa huling binigkas kong salita. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Madalas ang tingin niya sa akin at halata ang pagbilis ng subo. Inabot ko ang inumin at pabagsak na nilapag ang baso sa lamesa. Nagkatinginan ulit kami habang ngumunguya siya.

"Bring the box down here after you eat."

Napalunok siya at napainom.

"Gagamitin muli natin ang mga iyon?"

I shrugged my shoulders.

"I don't know. I'll check if I can find something we can use. Bring the box down. I'll give you five minutes."

Lalo niyang inapura ang pagkain. Hindi pa tuluyang nalululon ang huling subong pagkain, nagligpit na siya. Nilinis niya ang lamesa at patakbong tinungo ang hagdan. Hindi nagtagal, bumaba siyang mayroong bitbit-bitbit na box.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon