Her Innocent Slave 30

90.2K 2K 274
                                    

(HIS) Chapter 30




Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagkapaso sa kamay. Nailapag niya ang kanyang bowl sa harapan niya kahit kalahati pa lang doon ang nasasalin niya.

"Kasal? Paano napunta ang topic natin sa kasal?"

Tinutok ko ang mga mata sa kanya. I don't know why I asked. I just suddenly want to hear the man's opinion when it comes to this matter.

"Gusto ko lang malaman kung kaya bang pakasalan ng mga lalaki ang isang babae kahit hindi nila type? O kahit wala sa babae na iyon ang mga katangian na gusto nilang nasa mapapangasawa nila?"

Matagal niyang sinuri ang mukha ko bago siya umupo ng maayos at naging seryoso ang bukas ng mukha. Hindi kami ni minsan nag-usap tungkol sa mga personal na buhay namin. Dahil nagseryoso ang ekpresyon niya, sa palagay ko'y natanto niyang seryoso ako sa itinatanong ko at na konektado ito sa kung bakit dito ako sa Japan nag-stay kahit na wala dito sila daddy at ate.

"Unang una, kung magpapakasal ako, siyempre sa babaeng tipo ko. How will our relationship work if I'm not attracted to her? Kung hindi ako attracted sa kanya, bibilang lang ng araw bago ako makahanap ng iba. Hindi lang ito sa pisikal na anyo, kasama ang panloob na ugali."

I frowned. Minus one point. Sa madaling salita kasi, ang ibig sabihin niya ay kung maganda ka at hindi maganda ang ugali mo, balewala rin. Biglang hindi ko alam kung pasasagutin ko pa ba siya. Pakiramdam ko kasi'y insulto lang ang aabutin ko sa mga sagot niya. Sa huli, hinayaan ko siyang dugtungan ang sagot niya.

"Pangalawa, 'yung makakasundo at makakatuwang ko. She has to learn how to cook and clean. She has to know how to take care of me. You see, I'm not rich. I have to work to put food on our table. Kung pagod ako pagkauwi at ako pa ang mag-aasikaso sa bahay, dadating ang panahon na magrereklamo ako o kung hindi man ay baka bumigay ang katawan ko."

Tumango ako. Plus one point. Medyo kaya kasi itong solusyunan dahil may pera ako. Kahit ilan pang katulong ay kaya kong pasahuran. Muli akong nakinig.

"Pangatlo at huli, dapat ay mahal ko."

Maikli lang ang pangatlong sagot niya pero ito ang talagang sumampal sa akin. Minus one hundred point. Negative. Huminga ako ng malalim at tumungga sa lata. Pagkababa ko sa beer, may pahabol pa siya.

"Kung kahit isa diyan sa tatlo ay wala, bakit ko siya pakakasalan? Kung magpapakasal kami, hindi kami magkakasundo at mauuwi lang din sa hiwalayan. Kung magpapatali lang din ako, doon na lang ako sa tipo ko, sa marunong sa buhay, at sa mahal ko."

Gusto ko siyang sabuyan ng alak bigla. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang posibleng opinyon ng mga lalaki o baka talagang gusto niya lang akong patamaan at pinipersonal ako. Para niya na ring pinamukha sa akin na none of the above ako sa tatlong iyon.

"Ex boyfriend?" Panghuhula niya.

Umirap ako at umabot ng isang skewered. I didn't answer and instead took a big bite out of the skewer. Nasa pananahimik at paraan ng pagkagat ko ang sagot.

"Doesn't look like an ex boyfriend. First love mo? One sided love?"

Halos bumaliktad sa pag-ikot ang mga mata ko. Natawa siya kaya't hindi ko na siya matingnan. Naglabas siya ng iba't ibang klase at lasang canned alcohol. Mayroon wine base, lactic alcohol, at iba pa. Nang paulit-ulit siyang magtanong at nang maparami ang aming nainom, napa-kuwento niya ako. I told him about his debt and that I blackmailed him. I told him that he has a girlfriend and that he is in love with her, so he said harsh words to me that I can't forget.

"Mali ang ginawa mo."

"Alam ko," maikli kong tugon sabay tungga sa alak.

Pinanood niya akong mag-inom. Hinayaan niya ako. Ganoon siguro kahalata sa akin ang lugmok kaya sa huli'y parang ako rin ang pinanigan niya kahit na alam naming pareho na oo nga may mali ako.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon