Her Innocent Slave 28

88.8K 1.8K 200
                                    

(HIS) Chapter 28



He was wearing baggy pants, an old shirt, and a sweater cardigan. Sa anyo niya, mukhang lumabas siya at nagtungo sa malapit na convenience store base na rin sa hawak niyang supot na naglalaman ng mga inumin at pagkain.

"I should be the one asking you that, who are you? What are you doing at my house?"

Nagsalubong ang kilay niya at tiningnan ang inaambahan ko sanang kunin na pigurin. Pagbalik sa akin ng mata niya, may panghuhusga na roon.

"Are you a thief? That figurine is worthless. You can't find valuable things from this house. If you're looking for something to sell, you should be stealing from a bigger house, not here."

Saglit akong napanganga bago natawa. Hindi pa ako nakakabalik ng salita nang lumapit siya. Hinawakan niya ako sa braso, hinihila niya ako at pinapalabas sa pintuan ng kuwarto.

"If you're hungry, I'll give you food. I don't hurt women but if you don't leave—"

Hindi ko na pinatapos ang litanya niya. Gigil kong kinuha ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at agaran iyon na pinihit patalikod. Napa-aray siya at napaupo sa nakatuping higaan. Nakahawak siya sa kanyang kamay habang nakapikit ng madiin at iniinda ang nadama na sakit. Hindi dahil nakasimple akong damit ngayon, magnanakaw na ako!

"I'm asking you, who the hell are you?!" I asked again, irritated and annoyed this time.

Tiningala niya ako. Hinihilot niya ang kamay niya at masama pa rin ang tingin sa akin.

"Ang sakit," reklamo niya. "Bakit ang lakas ng babaeng ito?"

Tumaas ang kilay ko nang marinig siyang mag-tagalog. Hindi ko agad ipinaalam na naintindihan ko iyon.

"You are the one who intruded in my room, then you ask me who I am?" He said.

Matagal ko siyang tiningnan bago inikot ulit ang mata sa kuwarto. Ang ayos niya at ang ayos ng kuwarto, magkatulad. Parehong simple, boring, at walang buhay.

"How did that happen? Are you also a tenant here? Are we gonna stay in the same house?"

Isang beses niya pang hinilot ang kamay bago ibinaba. Unti unting naayos ang magka-salubong na kilay niya. Sa tingin ko, napag-isip isip niya na hindi ako magnanakaw. Na gaya niya'y titira rin ako rito.

"Anyway, I heard you speak tagalog. Are you a half Filipino?" Taas kilay at nakahalukipkip na tanong ko.

Mabagal siyang tumayo. Nag-pagpag pa siya ng kamay kahit wala namang dumi doon.

"Paano mo nalaman ang wikang iyon?"

Nagtaas noo ako bago sumagot.

"Pinoy ang daddy ko. Actually, that's where I came from before coming here. I will live and study here."

Nabasa ko sa muling pagsalubong ng mga kilay niya na hindi niya ako gusto. Para bang labag sa kanya na magkasama kaming titira sa iisang bubong. Hindi ko rin naman alam. Ang buong akala ko, mag-isa ako at tanging puting kuwago lang ang makakasama.

"Well, I think we have no more misunderstandings." Isang pasada pa sa kuwarto bago ko siya tiningnan sa mata. "If this is your room, where's my room?"

Hindi sinabi ni ate sa akin na pinaupahan niya pala ang kabilang kuwarto nitong maliit na bahay niya. Hindi ko alam kung bahay ba ito o hideout ng mga yakuza. Kahit hindi siya umuuwi dito at sa mansion nila siya umuuwi, sana naman pinaalam niya sa akin na may makakasama ako para hindi sana ako nabibigla. Ngayon, sigurado na ako na sinadya ito ni ate. Una, ganito ang itsura ng bahay kahit na alam niyang never akong natulog sa lugar na ganito. Pangalawa, sinadya niyang hindi sabihin sa akin na may makakasama ako.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon