Her Innocent Slave 09

121K 2.4K 149
                                    

(HIS) Chapter 09





"Aren't you going to eat first?"

"No. I have an early meeting," lakad takbo niya akong nilagpasan.

Inirapan ko siyang halos madapa kamamadaling lumabas sa pintuan ng sala. May meeting daw kahit ang totoo, pansin ko na umiiwas siya ilang araw na. Sa tuwing mayroon nangyayari na gano'n, natatahimik siya. Parang gustong iwasan na maulit ang nangyayari pero kapag dumikit naman ako, hindi na makatanggi.

I'm not yet done eating but I stood up. I leaned my body against the door frame to watch him. Naabutan ko pa ang paalis na sasakyan niya na kalalabas lang sa malaking gate. Sa halip na sumakay sa sariling sasakyan at sumunod sa kanya, nagtambay pa ako sa hamba ng pinto at inubos ang kinakain.

"This jerk. Do you think I will not notice? Ready yourself when we get home."

I don't like how he's avoiding me that's why I wasn't in the mood even after arriving at school. Sumabay pa na natanaw ko ang grupo ni Ivy sa hallway. Binalikan ko pa ang warning ni Lucas sa akin noon para lang maalala ang pangalan niya. Mas marami siyang kasama ngayon.

Palapit na ako nang mapansin ko ang paa ni Ivy na iniumang niya. Pinigilan ko na mapangisi dahil alam ko na ang ganitong makalumang istilo ng mga old school bully.

Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang malapit na, hinakbangan ko ang paa niya. Narinig ko ang inis na singhap niya nang hindi mangyari ang plano niyang pagpatid. Hindi ko tuloy napigilan ang malakas na tawa habang diretsong naglalakad at nilalagpasan sila isa isa.

"Bumalik ka rito!" Tunog mapuputulan ng litid niyang tili.

Nakatalikod ako. Nakataas ang kilay ko at gilid ng labi nang itaas ko ang isang kamay para mag-dirty finger bilang sagot habang ako'y nakatalikod.

"You better not make it obvious next time."

"Fuck!" She shouted.

I'm just giving advice how to be good at bullying but I think I pissed her more.

"Come back here!"

I continued walking, smirking while ignoring her. Nakatalikod ako ngunit narinig ko ang bawat hakbang niya na palapit sa akin. Mabibigat iyon at galit. Kahit walang mata sa likod, ramdam kong aabutin niya ang aking buhok. I'm not stupid to let her so I did what I have to do to avoid her hand. Bago pa ako maabot, gumilid na ako. Nasubsob siya dahilan na na-out of balance sa ginawa kong pag-iwas.

"What are you doing there?" I promise I tried not to laugh but it escaped.

Naghalukipkip ako habang pinapanood siyang bumabalik sa pagtayo. Nangungulay kamatis ang mukha niya dahil sa pikon at pagkapahiya.

"Sumusobra ka na!" Sigaw niya't tinangka akong hablutin.

Umatras ako. Inulit niya ang pag-abot sa akin nang hindi ako nahawakan. Umiiwas lang ako pero hindi ko siya pinapatulan. As long as she doesn't harm me I will not hurt her. Try to lay a finger on me, I'll give back ten times.

"What did I do? Hindi ba't ikaw nga ang papatid sa akin? Do it when I'm near not when I can see it."

Kalma pa ako, nag-iba lang nang lumapit ang mga kaibigan niya upang pagtulungan akong hawakan. Nahawakan nila ang buhok ko at damit. Nagtalsikan ang ilan sa mga butones ko.

Umirap ako. Tinanggal ko sa pagkakahalukipkip ang mga braso at inuna ang babae na nakahawak sa aking buhok. Mula sa pagkakahawak sa buhok ko'y nabuksan ko ang isang daliri niya na mabilis kong binali patalikod. Napasigaw siya at kusang bumitiw para daluhan ang daliring nasaktan.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon