Her Innocent Slave 57

88K 2.1K 107
                                    

(HIS) Chapter 57





Pagkatapos namin mag-grape stomping, nilapitan kami ng mag-asawang Gadson. Ngumiti sa akin ang babae at nagtanong kung maaari ko siyang paunlakan ng ilang minuto para makausap.

"I know you. I saw you in the news pero kinausap ako ng asawa ko at nalaman ko ang nangyari. It's too late now to give condolences but I still want to say I’m sorry for what happened.”

Nakangiti siya kaya kahit inamin niyang nakilala niya ako, hindi ako natakot at kinabahan. Kanina iyon ang naramdaman ko subalit ngayon na nagkausap kami’y gumaan ang loob ko. Isa pa, napawi na ni Lucas ang kabang iyon na nasa dibdib bago pa ako pakiusapan ni Mrs. Gadson na makausap.

"Lucas is a lawyer. Hiding you here was the biggest threat to his profession. Maaaring mawala sa kanya ang ilang taon na pinaghirapan niya."

Natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang pag-aalala sa mga mata ko. Hindi ako kriminal pero hindi pa maayos ang kaso ko. Mawawalan siya ng trabaho at mawawala ang lahat sa kanya kung mayroon makakaalam at magsusumbong na itinatago niya ako. Bukod sa mawawala ang lahat ay maaari pa siyang makulong.

"He works hard for it. My husband was once in his shoes too kaya alam ko ang lahat ng paghihirap nila para makarating kung nasaan sila ngayon."

"Are you telling me now to leave him?" I asked confusedly. Umangat ang isang kilay ko.

Kasi nilalatag niya sa akin isa isa ang maaaring mawala kay Lucas sa pamamagitan ko. Hindi ko na kayang gawin iyon. I’m not selfless to do that and I’m so much in love with Lucas to do that. I left five years ago but I won't leave now especially since I know now that he loves me.

“No,” bago pa ako magalit sa kanya ay inilingan na niya ako. “Wala ako sa posisyon para paghiwalayin kayo. But instead, I want you to endure what is coming in the future. Don't ever leave him even if he loses everything. He's willing to give up everything for you so all you have to do is support and trust him.”

Umangat ang gilid ng labi ko para sa isang ngisi.

“Copy, Ma’am.”

Ngumiti siya sa akin. Saktong pagbalik namin sa labas ay nag-aanyaya si Mr. Gadson na doon na kami sa kanila maghapunan. Tinanong ako ni Lucas. Nang tumango ako, tumango siya kay Mr. Gadson.

“Ako ang bahala sayo! Babalik ako sa pag-aabogado at hahawakan ko ang kaso mo!”

Apat lang naman kami at walang ibang tao dahil ang naghahain ay ang asawa ni Mr. Gadson. Tumulong ako ngunit hindi gaano. Nagkakantiyawan sila sa hapag. Na kung sakaling magkakaso raw si Lucas sa pagtatago nito sa akin ay babalik siya sa pag-aabogado kahit pa matagal na itong retired. He was a lawyer for fifteen years and five years as a judge. Dalawang dekada siyang nagsilbi bago nag-retire at mamuhay ng tahimik kasama ang asawa at magpatakbo ng ubasan. Ang mga anak nila’y nasa iba’t ibang bansa na at may kaniya kaniya nang pamilya.

“Thank you po,” pagpapasalamat namin ni Lucas sa mag-asawa.

Pinabaunan nila kami ng mga wine. Dala rin namin ang mga napitas kong ubas. Pagkauwi namin ay tahimik na ang buong bahay. Bukas ng umaga ang alis niya. Sabay kaming naligo at naisipang uminom ng wine. Mas mataas ang tolerance ko sa alcohol kaysa sa kanya kaya ang pangatlong baso ko ay isa pa lang sa kanya. Iyon lang ang iinumin niya dahil bukas ng umaga na ang alis niya.

“Gawin nating tagapangalaga ng bahay ninyo si Ate Ysa. Sa bahay kita titira at dadalaw na lang tayo sa inyo kung nami-miss mo ang bahay ninyo.”

Nasa gilid ng higaan ang maliit na lamesa. Nakasandal siya sa uluhan ng higaan habang ako ay nakasandal sa kanyang dibdib at nakakulong sa pagitan ng mga hita niya. Nakaboxer lang siya samantalang ako ay suot ang isa sa mga t-shirt niya.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon