Episode 2

8 1 0
                                    

Lumipas ang two day vacation namin at nagkaroon na kami ng review session sa klase dahil may exam na. Kaya naman lahat ng mga notes na naipon namin ay inaral namin isa isa at inintindi. Nag brain storming din kami ng mga kaibigan ko para naman mas malawak ang impormasyon na malalaman namin.

11AM, currently kaming walo ay nasa bench ng school at duon kami nakatambay para mag pahangin habang lunch time. Tahimik akong nag susulat ng notes sa notebook ko habang ang iba ay nag k-kwentuhan.

Maya-maya ay biglang tumabi saakin si Krystal kaya nilingon ko siya. "V, may itatanong ako." Sabi niya.

"Ano yun?" Taka ko. I closed my notebook and placed it on my lap then faced her properly.

"Nung 18 sa Strawberry Farm, bigla kang nawala. Hinanap ka namin pero wala ka kaya ang akala namin nasa bus ka, pero ikaw pa pala ang huling sumakay." Sabi niya ng nakakunot ang noo.

Agad akong nanigas sa sinabi niya. Did they saw me come out from the melon farm? Itatanong niya ba saakin kung sino yung lalaki na kausap ko? Sht...

"Ahh! Y-Yun ba? Nag pahangin lang ako. Wag mo na isipin!" Sabi ko nalang para hindi na siya mag isip.

"Ganun ba? Akala ko kasi nanduon ka sa melon farm." Sabi niya. Nilingon ko siya agad at tinawanan ng bahagya.

"Ha ha ha ha! Ano ka ba?! W-Wala ako duon..." Sabi ko at napalayo nalang ng tingin sakanya. Bakit ba kasi ako pumunta duon?

"Oh! Hi Philip!" Napalingon ako bigla kay Quisha. Nakita kong papalapit saamin si Philip kaya naman napatingin ako sakanya.

"Kumain ka na?" Tanong ni Lou sakanya. I looked at him and saw him smiling at Lou.

"Oo kumain na ako. Nga pala, tawag ni teacher si Violet, hiramin ko muna siya ha?" Sabi niya at tinignan ako.

"Bakit raw? May nangyari ba?" Tanong ni Ben sakanya at nilingon ako.

Sht! Nakita rin ba ako ng adviser namin na kasama yung lalaki sa melon farm?! Tinignan ko si Philip at nag kibit balikat lang siya. Mukhang hindi sinabi sakanya yung dahilan pero bakit ako kinakabahan?!

"Violet, hurry up." Sabi niya at naunang mag lakad.

"O-Oo..." Kabado kong sagot sakanya at tinakbo siya para makasabay ako sa lakad niya. Damn it, I am done. I am so done!

Nang nasa harap na kami ng office ay bigla akong hinatak ni Philip papasok sa locker room kaya nagulat ako. He dragged me inside and then smiled at me.

"Don't worry, hindi ka talaga tawag ni Teacher." Tawa niya.

"A-Ano?" Utal ko sakanya. Hindi talaga ako tawag? Edi anong ginagawa ko dito?

"I just wanted to call you so we can talk." Dahil duon sa sinabi niya, bigla ko siyang pinag hahampas sa braso at panay naman ang iwas niya.

"Loko ka! Tinakot mo ako!" Sabi ko sakanya.

"Bakit ka ba kabado? Tch, ang sakit ng hampas mo ah?" Sabay himas niya sa braso niya. Natawa nalang ako at tsaka siya inirapan. "Kumusta ka na?" Tanong niya.

I looked at him. "Hm? Okay lang naman. Bakit mo naman tinatanong yan?" Tawa ko ng bahagya.

"Actually, may nalaman kasi ako." Biglang naging mahina ang tono ng boses niya. Ang kaninang maloko niyang ekspresyon ay napalitan ng pag aalala. "I didn't mean to eavesdrop pero hindi mo siguro napansin na malapit lang ako nun araw na yun."

"Huh? Anong araw na yun?" Taka ko sakanya.

He sighed out and looked at me with his sad eyes. "About Paul. Narinig ko lahat ng pinag usapan niyo, accidentally." Sabi niya.

SurrenderWhere stories live. Discover now