Episode 4

8 1 0
                                    

Thursday morning, nagkaroon kami ng mga quiz patungkol sa exam namin. Lahat ng subjects namin ay nag bigay ng quiz kaya naman lahat kami at tustado dahil hindi kami binigyan ng notice man lang.

Lahat ng enerhiya ko ay piniga ko para lang masagutan ang mga quiz at kapag nag 'times up' na ang teacher ay lagi kaming umaangal. Mabuti nalang at halos lahat ng sagot ko ay sigurado ko kaya alam kong mataas grado ko sa bawat na subject. Lunch time, gutom kami kaya naisip naming kumain ng tig pipisong mga chips mula sa school canteen at naupo kaming walo sa bench at duon nag pahinga.

"Woah, ang sakit ng ulo ko ah?" Sabay hilot ni Ben sa sintido niya.

"Hindi ako nakapag review. Akala ko kasi ay wala silang ibibigay na quiz ngayon at sa next week pa." Sabi ko habang kumakain ng cheese flavoured na chips.

"Lahat lahat sila nag sanib pwersa! Wala tayong review diba?" Angal at tanong ni Quisha. "Wala akong nasagot halos lahat. Blanko utak ko nung binigay satin yung papel." Ngsuo niya saamin.

"Tsk tsk, walang patawa talaga mga teacher natin. Hindi man lang nag bigay ng 10 minutes review, quiz again?!" Angal naman ni Maria.

Napailing kaming lahat at kumain nalang habang iniisip ang quiz na sinagutan namin kanina. Mainit ang araw ngayon at onti kang ang ulap kaya naman nakakatuyot din ng pasensya ang panahon.

Matapos naming kumain ay bumalik kami ng room dahil may dalawang huling subject kami bago mag uwian. Hindi pa ako nakakaupo ay bigla akong tinawag at nilapitan ni Philip kaya nilingon ko siya.

"Violet, nasan yung jacket na binili ko sayo? Bakit hindi mo suot?" Tanong niya kaya naman napalingon ako sa paligid ko.

Everyone seems busy kaya hindi nila pansin na nag uusap kami ni Philip. Siniko ko siya ng bahagya at ngumiti ng bahagya. "Hindi ko pa sinusuot dahil mainit." Sabi ko sakanaya.

"C-Can you atleast wear it tomorrow morning?" Tanong niya kaya naman napataas ako ng kilay. Ngumiti siya ng bahagya saakin bago bumalik sa upuan niya.

Pumatak ang oras ng balik klase namin at nagkaroon nanaman kami ng quiz kaya naman hindi namin alam kung anong mangyayari dahil hindi kami nakapag review. Natapos ang 30 minutes ay hindi ko alam ang pinag sasasagot ko dahil sa stock knowledge lang lahat ng sinagot ko.

Pumatak ang 2PM ay lahat kami sumasakit ang ulo dahil sa quiz na nangyari. Kaya naman hindi na nag abala na mag yaya sa ibang lugar sina Renz at nag si uwian na silang lahat.

"Mag ingat ka Violet." Paalala ni Ben bago siya sumakay ng tricycle kasama nina Renz, Lou at Maria.

"Kayo rin." Sabi ko at nilingon si Quisha na mag isang nasa tricycle. "Ingat ka Quisha!" Sabi ko sakanya at kumaway siya saakin dahil umandar na yung tricycle.

Sabay na umuwi sina Krystal at Kazi kaya kumaway nalang ako sakanila at nag paalam. "Mag chat ka kapag nakauwi ka na V!" Sigaw ni Krystal saakin.

Nag thumbs up ako sa ere para makita niya. Then, I am now all alone. Nag lakad na ako dahil gusto kong mag lakad lakad muna bago ako umuwi. Suddenly, naalala ko si John. Nilingon ko ang magkabilang kalye kung nanduon siya. Baka inaabangan niya lang ako. I even took out my phone at nakita na walang message sakanya or call kaya napairap nalang ako.

"Tch, bakit ko ba siya hinahanap?" Tanong ko nalang sa sarili ko at nag lakad ng sukbit ang bag sa balikat ko.

Hindi pa ako nakakalayo ay nagulat ako ng makita si Philip na nasa harap ng kanto kung saan ako nag lalakad ngayon. Mukhang may hinihintay kaya agad akong tumakbo papunta sakanya. When I finally reached him, I called out his name. "Philip!" Sigaw ko.

SurrenderWhere stories live. Discover now