Episode 7

2 1 0
                                    

Tuesday came at wala kaming ginawa kundi ang mag review ulit. Hindi ko na alam kung anong subject ang nasa utak ko dahil halo halo na. Ramdam ko nga ang pagod sa utak at mata ko pero pinilit kong mag review kahit na masakit na ulo ko.

Napili naming kumain nalang sa classroom dahil puno ang mga table sa baba. While we were eating, biglang may pumasok na grade 9 sa pinto namin at kumatok. Nilingon namin siya at napakunot ako ng noo.

"Nasaan po si Ms. Kim?" Tanong nung babaeng grade 9 saamin.

Automatic na napalingon ang lahat ng kaklase ko saakin. I don't know what's going on dahil wala naman akong ginawang kasalanan para mapatawag. Pagkababa ko ng office ay nakita kong nakaabang ang adviser namin kaya naman napatigil ako. "T-Teacher? May problema po ba?" Tanong ko sakanya.

She looked at me and immediately stood up. "Ah, it's your mother. Kanina ka pa raw niya tinatawagan pero pina surrender ko ang mga phone kaya akala niya hindi mo sinasagot. The phone is there, she is in line." Sabi niya at tinuro ang office.

"Ah, ganun po ba?" Bigla akong napaisip dahil bakit naman tatawag ng ganun si mommy saakin? Mukhang sobrang importante ata kaya ng kunin ko ang nakapatong na phone sa ibabaw ng log book ay tinapat ko ito sa tenga ko. "My?"

"Oh! Violet, nag rereview ka ba?" Tanong niya saakin. "Look, let me get straight to the point then. Tinawagan ako ni Tito Stephen mo at mukhang may sakit si John dahil hindi siya lumalabas ng kwarto niya." Sabi niya at bakas sa boses niya ang awa at mukhang nag aalala siya talaga.

I was stunned to hear this from her. Concern and all? Akala ko kasi ay ayaw niya akong palapitin kay John. "B-Bakit po ako ang tinawagan niyo? Aren't you going to visit him?" Kung si Tito Stephen ang tumawag, then ibig sabihin ay si mommy ang niyaya niyang bumisita.

"Yun na nga. Ang kuya mo ay nasa Maynila at hindi ko naman pwedeng iwan si Mae mag isa? Why don't you go with your Tito Stephen after class." Sabi niya

"P-Pero..." Aangal na sana ako pero dahil nag aalala rin ako kay John ay napatigil ako. I need to review for my exams but then I can't focus now that mom called me to visit him instead with tito Stephen.

All I could do now is spend my remaining time by reviewing. Matapos kong kausapin si mommy ay nag banyo muna ako para makapag hugas ng kamay. I was thinking what I should bring for John? Wala akong oras para mag luto ng pagkain, ano kayang pwede kong dalhin? Maybe I should order for him instead ng food? Nang makalabas na ako ng banyo ay nagulat ako ng makasalubong ko si Philip. I was stunned that I can't help but to bow my head in awkwardness.

"I just came to ask for questions." Sabi niya saakin at tinuro ang office. I saw him holding a notebook full of notes kaya tumango ako sakanya.

"Okay then." Sabi ko at tsaka iniwasan siya pero nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. I stopped walking and turned to look at him. "B-Bakit?" I asked.

Suminghap siya sa kawalan at tsaka ako tinignan ng diretsyo sa mata. "I'm sorry Violet. I was wrong for bringing you there with her and I was wrong for k-kissing you..." He said in silent. I stopped for a minute and I chose to listen to what he has to say. "Pero aaminin kong totoo ako sa inamin ko sayo. Kaya sana ay bigyan mo ring pansin iyon kahit papaano, dahil n-nasasaktan rin ako." Tawa niya ng bahagya.

I know he likes me and his confession was sincere. Pero hindi ko kayang tanggapin iyon dahil may boyfriend ako at kaibigan lang talaga tingin ko sakanya. I appreciate that he is saying sorry to me now at sapat na iyon para patawarin ko siya. He was out of his mind that time but I know he knows what he did is wrong. Because Philip is smart and a good friend to me.

"Philip." Tawag ko sakanya. He looked at me with his adorable looking eyes. Singkit siya ng bahagya at matangos ilong, makapal ang kilay at medyo mapanga rin. He is tall, fit and moreno type, smart and a good guy. "Alam ko namang totoo yung inamin mo. Pero, sana ay hanggang duon nalang iyon dahil ayaw kitang saktan." Sabi ko.

SurrenderWhere stories live. Discover now