Episode 20

6 1 0
                                    

Kinabukasan ay napuno ng usapan sa locker at sa mga ibang empleyado ng hotel patungkol saakin. Everyone seems to be enthusiastic because I am now engaged. Hawak hawak ni Pam ang braso ko at tsaka nag tatalon kaya natawa ako ng mahina.

"Bakit hindi mo sinabi agad na engaged ka na!?" Sabi niya at natawa nalang ako.

"Fine Pam, engaged na ako. Happy?" Sabi ko at hinampas niya ako sa braso kaya napaiwas ako. "Nananakit ka pa eh sinabi ko na nga sayo?" I nagged at her.

"Let's drink later, libre kita." Sabi niya at umiling nalang ako. Wala ako sa mood makipag inuman ngayon. I feel a bit depressed or stressed maybe? My body is in no condition, that's all.

"Maybe next time Pam." Pag tanggi ko sakanya. She didn't ask why or forced me to go at nanahimik nalang siya. Good thing at medyo nalibang ako dahil sa trabaho kaya naman gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

"Ms. Kim, congratulations." Bati ng mga ibang hotel employee na dumadaan sa front desk.

"Thank you." Sagot ko ng nakangiti ng bahagya sakanila.

"Congratulations Ms. Kim." Bati naman ng ibang mga empleyado saakin.

"Congratulations  Ma'am." Bati ng mga bell boy na nasa lobby at tumango ako sakanila sabay ngiti nalang.

Dapat akong matuwa pero bigla akong nanlumo. In the end, I am still waiting for John's proposal kaya naman hindi ako nakatiis. I grabbed my phone and dialed his number immediately.

"Violet, hey." Bati niya saakin kaya bigla akong nabuhay at naganahansa boses niya.

"Hey John...uhm...about last night, sana ay wag mo nalang isipin." I said half truth dahil gusto kong makakuha siya ng kahit onting hint sa gusto kong mangyari.

"It's fine Violet." Simple niyang sagot kaya napasinghap ako sa kawalan. Mukhang napahiya siya saakin ng sabihin kong wala siyang ginawang proposal saakin tapos nag hahanda na siya sa wedding namin, so insensitive Violet!

"N-Nasaan ka? Hindi ba ako nakaka istorbo?" Tanong ko at napakagat ng labi dahil nahihiya na ako sa ginagawa ko. I sound guilty!

"I'm at work actually." Sabi niya at bigla akong napatigil. So nakaka istorbo ako? Dang it Violet! "Call you back Violet, may gagawin pa ako." Paalam niya kaya napaangat ako sa upuan ko.

"S-Sure!" I said and he immediately ended the call. Napasinghap nalang ako dahil mukhang galit siya saakin. Buong araw akong matamlay dahil kay John. Hindi ako sanay na magkaaway kami lalo na't alam kong minsan lang din siya magalit pero madalas ay nag tatampo.

Pumatak ang gabi at hindi na ako nakatanggap ng tawag kay John. I went home, staring at the black screen of my phone at pilit na hinihiling sa kawalan na sana ay tumawag si John saakin.

"Hays John..." Singhap ko nalang sa kawalan napapikit dahil napapagod na ang mga mata ko sa kakatitig sa phone.

Maya-maya ang bigla itong nag ring! "It's John!" I said at napabangon sa pagkakahiga sa kama tsaka ko sinagot ang tawag niya. "Hey John! Uhm, are you okay?" Tanong ko agad sakanya.

"Can we talk?" Sabi niya gamit ang seryosong tono ng boses niya. "We need to talk Violet." Dagdag niya at bigla akong napatigil. Why is he serious all of a sudden?

Kabado akong nag bihis at lumabas ng bahay. Sinabi niya na magkita kami sa hotel na kung saan niya ako unang dinala. Wala akong ideya kung anong nangyayari kaya ng makarating ako duon ay wala ng tao at bumungad saakin ang dalawang hotel employee.

"This way Ma'am." Sabi nila at dinala ako sa pinaka loob. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil pagkaakyat namin ng hagdan, sa may balcony ay nakatayo si John duon.

SurrenderOnde histórias criam vida. Descubra agora