Episode 9

4 1 0
                                    

December 24, 2018

Christmas party na namin sa school kaya naman ang classroom namin ay todo ang decorations. May Christmas tree na maliit lang sa corner, garlands at christmas balls and other decors. Sa loob ng room, naka gilid ang mga upuan namin at sa harap ay may long table, kung saan nanduon ang mga pagkain. Three boxes of Hawaiian pizza, five 1.5 of different kinds of sodas, a big bowl of carbonara, three bucket of chicken, a bowl of cooked white rice and the desserts were made by my mom; brownie and red velvet cupcakes.

Required din kaming mag suot ng magandang damit kaya naman ang suot ko ay black flowing skirt, green fitted cropped top, a leathered jacket and I just tied my hair up. Hindi na ako nag make up dahil school siya pero nung dumating ako ng school ay inayusan pa ako ni Quisha.

"Maayos naman ah? Bakit ba ayaw mo?" Tawa ni Quisha saakin ng makalabas na kami ng banyo.

"Masyadong makintab yung labi ko!" Sabi ko at gamit ang daliri ay inayos ko para numipis ng onti yung lip gloss na nilagay niya. "Ayoko yung lasa ng lip gloss mo. Yuck!" Iling ko sakanya.

"Tch, ang arte mo." Irap niya saakin. Sabay na kaming umakyat sa room namin at pagkapasok ay naabutan ko na nag aayos at nag pipictorial yung iba sa board namin.

Everything was settled at lumipas ang oras at pumatak ang 9AM ay nag start na ang party. Our adviser began explaining the process of the party while we are all settled on our chair. Naka jeans na black si teacher, blouse na kulay pula at ang buhok niya ay naka kulot at make up matching heels. She looked younger though.

"Ngayon, mag sisimula tayo sa prayer lead ng Mayor natin..." Sabay turo ni teacher kay Philip. He is now wearing a khaki shorts and a simple green and white stripes polo shirt and sneakers. Ngumiti siya kay teacher at napa sandal sa upuan niya.

"After that, ay magkakaroon tayo ng games hanggang 11 at pagtapos ay kakain na tayo hanggang 12PM. Pagkapahinga ay exchange gift na tayo ha?" Pag papaliwanag ni teacher kaya naman tuamango nalang kaming lahat.

Philip stood up and lead the prayer for the party and for the celebration. Matapos ay tsaka na nagkaroon ng games kaya naman hinati kami sa tatlong grupo at per group ay 4 members. Kasama ko si Renz, Maria at Kazi sa grupo.

"Ganito ang mechanics, you need to re-enact the situations that I will be giving to you. Ang sinong unang maka tama ng tatlo ay may prize na 20. Each." Sabi ni teacher saamin.

"Okay, game time. 20 each tayo kapag nanalo. Pang milk tea narin yun kapag naipon natin." Sabi ni Maria saamin.

"Cooperation guys ha? Walang maarte." Sabi ni Renz at tinignan kaming tatlo.

"Exactly nating irere-enact yung situation ha? Exactly para may prize tayo." Sabi ko sakanila.

"Makinig na tayo." Sabi ni Kazi. Tumutok kaming tatlo sa ibibigay ni teacher na drama title. She have this paper on her hands and when she finally flipped it to us, agad naming binasa ang title.

"Ready, set, and go!" Sabi ni Teacher kaya agad kaming nag si kilos dahil bibigyan lang kami ng 60 seconds.

Ang situation na binigay saamin ay earthquake. Mabilis kaming kumuha ng libro mula sa ilalim ng mga upuan at tsaka iyon nilagay sa ulo. Nakayuko kami ni Renz at Kazi habang si Maria ay nakatayo at may pa senyas pa ng pito gamit ang mga daliri niya habang binabantayan kami.

"Tignan natin sila." Sabi ni Kazi saakin at nilingon ang team A at B. Natawa nalang kaming lahat sa nire-enact ng team A kaya ang buong classroom ay napuno ng ingay namin.

"Okay, okay. Tama na at kanina pa natapos ang 1 minute." Sabi ni Teacher at tsaka kami tinignan isa isa. "Pipili ako ng maayos ha?" At inikot niya simula sa team A.

SurrenderWhere stories live. Discover now