Kabanata 2

10.3K 338 35
                                    

Kai Angel

Dumating na ako ng bahay at wala sila Daddy dahil may out of town sila Nagpahinga muna ako saglit bago nag hubad at tumungo ng banyo.

Napatingin ako sa salamin.

I'm beautiful alam ko sa sarili ko maganda ako at iba ako sa lahat.

Napatingin ako sa ibaba bahagi ng katawan ko sa private part ko.

My body is unique and beautiful.

Binuksan ko na ang shower at saka pumikit.

Bigla ko naalala ang maganda mukha ni Aiko Laura.

She's annoying and I hate her. Kaya naman sinusungitan ko siya pero wala naman ako gagawin masama sa kanya. Kaya sana wag na siya lumapit pa sa akin dahil ayoko mapalapit sa kanya, iiwasan ko na lang din siya.

Minulat ko na ang aking mata.

Pinagpatuloy ko na ang pag shower ko ng ilang minuto pagkatapos pinatay ko din ang shower at kinuha ang bathtrobe ko. Nagtoothbrush na ko sabay labas ng banyo tapos pinatuyo ko na ang buhok ko gamit ang blower at nahiga na sa kama.

Hanggan sa makatulog ako mukha ni Aiko ang nasa isip ko.

Kinabukasan.

Papunta na ko ng classroom ko at hindi ko alam kung nasaan na naman si Sky.

"Good morning Ms. Angel." Sabi ng mga estudyante sa akin ngumiti naman ako ng kaunti sa kanila.

"Hi Ms. Angel." Sabi ng mga player ng basketball. Tumango na lang ako.

May sumalubong sa akin na isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali si Tan ito ang President ng SGB.

"Para sayo Ms. Angel." Sabi niya sabay abot ng bouquet rose.

"No, Thanks." Sabi ko dito at hindi na pinansin ang bulaklak na binigay niya. Umalis na ko at narinig ko naman ang pagkagulat ng mga ibang estudyante.

Hindi pa ba sila sanay na kapag may nagpapansin sa akin hindi ko pinapansin. Alam ko kasi ang gusto nila at wala ako panahon para sa iba mga lalaki.

May naririnig ako na nagtatalo at may marinig ako na familiar boses.

"Hindi ko naman kasi sinasadya." Sagot ng isang Babae.

Napatigil ako kasi ka boses ito ni Aiko?

Bigla ako kinabahan may nangyari ba sa kanya?

Humarap sa tatlo babae naka talikod.

Mas matangkad ako sa kanila kaya nakita ko si Aiko.

"Ano ginagawa nyo sa kanya?!" Madiin na tanong ko sa tatlong tao na ito na binubully si Aiko!

Gulat na humarap sa akin ang tatlo. Kita ko din ang pag gulat sa magandang mukha ni Aiko hindi niya siguro inaasahan na nandito ako.

"Ms. Angel kami na po bahala sa pag paparusa sa babaeng ito dahil sa pagtapon sa inyo ng strawberry milkshake." Paliwanag ng isang matabang babae.

"Wala akong sinabi na parusahan, wala kayong karapatan!" Sigaw ko sa kanila halata naman sa kanila ang takot dapat lang.

Hinawakan ko si Aiko sa kanya braso at nilapit ito sa akin.

"Okay ka lang? May masakit ba sayo? sinaktan ka ba nila?" Sunod sunod na tanong ko.

"Okay naman ako hindi naman nila ako sinaktan." Nakangiti sabi nito pero bago ko pa makalimutan ang lahat binitawan ko muna siya sa braso at humarap muna ako dun sa tatlo.

"Ayoko sa lahat ang nambubully." Madiin na sabi ko sa tatlo.

"Pasensya na po Ms. Angel and Sorry po talaga Ms. Laura." Sabay sabay na pagmamakaawa ng tatlo.

The Herman (Completed)Where stories live. Discover now