Kabanata 8

6.6K 200 2
                                    

Kai Angel

"Ang tagal mo." Sabi ko kay Aiko hinintay ko kasi siya para sabay na kami pumunta nang classroom dahil may report kami. Si Sky naman pinauna ko na nag tataka pa nga siya pero sinabi ko na lang mag rerestroom ako.

Alam na naman ni Sky ang mga gagawin dahil na isend ko na at naipaliwanag ko na sa kanya nung nag video call kami tatlo.

"Grabe one minute lang naman." Natatawa sabi nito.

"Late pa din." Sabi ko dito at naglakad na ako.

"Hintayin mo naman ako wag ka na magtampo may ibibigay ako sayo." Sabi nito kaya naman napatigil ako sa pag lalakad at humarap sa kanya.

"Para sayo." Malambing sabi nito sabay abot ng lunch box.

Napangiti naman ako.

"No Thanks." Sabi ko dito pero kinuha ko naman ito at nilagay sa bag ko.

"Welcome." Natatawang sabi nito.

Nakarating na kami ng Classroom.

"Uyy sabay sila." Sabi naman ni Sky hindi ko na lang pinansin.

Binaba ko na ang bag ko sa upuan ko.

Dumating na si Mam Lia at sinabi na niya na mag simula na.

"Good Morning Mam Lia." Bati ko kay Mam Lia tumango lang ito bilang sagot.

"Good Morning Classmates. I'm Kai Angel." Pagpapakilala ko.

"I'm Sky Lando Jr." Sabi naman ni Sky.

"And I'm Aiko Laura, Our Report is Atoms, Molecules and Ions." Panimula ni Aiko tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti din ako sa kanya.

"Particles can be atoms, molecules or ions." Sabi naman ni Sky sa mga classmate namin.

"Atoms are single neutral particles." Sabi ko habang nakatingin ako sa mga classmate ko pati na din kay Mam Lia habang pinaliliwanag ito.

"Molecules are neutral particles made of two or more atoms bonded together." Sabi naman ni Aiko.

"An ion is a positively or negatively charged particle." Dagdag naman ni Sky.

Nagpatuloy lang kami sa pag rereport hanggan sa matapos.

"Thank you for attention and learning."

"Excellent." Sabi ni Mam Lia tumayo ito at pumalakpak. Sumabay naman ang mga classmate namin.

Tumango lang ako habang sila Aiko naman nakangiti at nagpasalamat.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ganun din naman ako sa kanya.

"May hindi ba ako alam?" Bulong na tanong sa akin ni sky.

Kaya napataas naman ang kilay ko dito.

"Aminin ninyo sa akin." Sabay tawa nito susungitan ko sana ito nang napatingin ako kay Aiko na umiiling ito kaya tumango na lang ako.

Nag paalam na din si Mam Lia dahil tapos na ang klase namin.

Tapos si Sky naman ang bahala mag bigay ng mga copy sa mga classmate namin sa naging report namin.

Pagkatapos sabay na kami lumabas.

"May practice ba kayo ng swimming?" Tanong ni Sky kay Aiko.

Buti naman okay na si Sky at hindi na ito nag lbm at na realize na din niya na hindi kasalanan ng cookies na binake ni Aiko ang pag lbm niya.

Sasagot sana si Aiko si Jonas ang sumagot.

"Oo bebe sky may practice kami. Kaya manuod kayo lalo ka na para makita mo ang galing ko lumangoy." Sabi ni Jonas at hinawakan pa sa braso si Sky na agad naman inalis ni Sky.

"Lumayo ka nga." Inis na sabi ni Sky kay Jonas.

"Sungit mo talaga hindi ka naman babae." Sagot ni Jonas kay Sky.

"Kahit na maganda naman ako mas maganda pa sayo." Sagot ni Sky kay Jonas.

"Ibig sabihin na gagandahan ka sa akin?" Nakangiti tanong ni Jonas.

"Hindi!" Madiin na sagot ni Sky.

"Grabe ka naman sa akin Bebe sky." Nakalabi sabi ni Jonas.

"Ew! Wag ka nga ganyan hindi bagay." Nandidiri sabi ni sky.

"Tama na yan baka malate pa si Aiko." Sabi ko sa dalawa.

"Magbibihis lang ako Kai Angel. Manuod kayo ni Sky tapos sabay na tayo mag lunch." Sabi nito tumango na lang ako.

Punta na ito ng restroom.

"Hindi ka ba magbibihis?" Tanong ni Sky kay Jonas.

Umiling lang si Jonas.

"Bahala ka." Sagot ni Sky at tumingin na ito sa akin.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong ni Sky.

"Magkaibigan na kami." Simple sagot ko dito.

"Congrats Girl." Muntik pa ito tumili kung hindi ko pa ito hinawakan sa braso.

"Okay. Congrats. Masaya ako para sayo may Friend ka na." Sabi nito.

"Friend din naman tayo pero syempre iba kapag Aiko." Sabi nito at medyo tinulak pa ako.

Kaya tinaasan ko naman ito ng kilay kaya tumigil naman siya.

"Sorry masaya lang ako." Sabi nito mas masaya pa yata ito kesa sa akin.

"Hi." Napatingin ako kay Aiko bagay na bagay talaga sa kanya swimwear na suot niya.

"Girl ang sexy mo talaga kaingit." Sabi ni Sky.

"Ano ba naman Bebe sky hintayin mo ko magpapalit din ako mas sexy pa ako kay Aiko." Sabi ni Jonas na rumpa na parang ewan.

"Hihintayin pa ba natin iyon wag na tara na." Sabi naman sky.

"I'm here." Mabilis na sabi ni Jonas.

"Bakit ang bilis mo?" Tanong ni Sky.

"Syempre ako pa nakasuot na ito sa akin pinatungan ko lang na t-shirt." Sabi nito.

"Kita mo katawan ko ang sexy di ba?" Mapaakit na tanong ni Jonas kay Sky.

Well sexy nga si Jonas pero wala pa din tatalo kay Aiko tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

"Tara." Sabi ko dito tumango naman siya at sabay na kami pumunta ng swimming pool.

"Wait hintayin nyo naman kami ni Bebe sky." Sigaw ni Jonas.

"Wag ka nga sumigaw nakakarindi." Sabi ni Sky.

"Okay Bebe sky." Kahit nakatalikod kami ni Aiko alam namin na hinawakan na naman nito sa braso si Sky.

Napangiti na lang kami ni Aiko sa isa't isa.

-

Credits:

Atoms, molecules and ions
Link: https://www.google.com/search?q=Atoms%2C+Molecules+and+Ions&oq=Atoms%2C+Molecules+and+Ions&aqs=chrome..69i57j0i512l8.961j0j4&client=ms-android-oppo-rvo2&sourceid=chrome-mobile&ie=UTF-8

The Herman (Completed)Where stories live. Discover now