Kabanata 22

5.2K 143 8
                                    

Kai Angel

Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse ko si Aiko Laura.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay ni Aiko. Kakausapin kasi namin ang parents niya at hindi ko maiwasan na kabahan.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Wag kang kabahan, hindi ka naman tutukan ng baril ni Tatay." Natatawang sabi ni Aiko sa akin.

"Irog ko naman." Naka pout na sabi ko sa kanya.

Niyakap naman niya ko at hinalikan sa pisngi.

"I'm here." Malambing na sabi niya.

Napangiti naman ako, Dahil alam ko naman na hindi niya ko pababayaan.

Humiwalay siya ng yakap sa akin.

"Tara na." Nakangiti sabi nya, nakangiti tumango naman ako.

Pumasok na kami ng bahay nila Aiko.

Nakita ko yung parents niya nakaupo sa sofa at mukha hinihintay kami.

Lumapit naman ako sa Nanay ni Aiko at nag mano.

"Good Evening po." Magalang na bati ko sa kanya Ina.

"Kaawaan ka ng diyos hija." Sabi niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya.

Lumapit naman ako sa Tatay ni Aiko at nagmano.

"Good Evening po." Magalang na sabi ko sa Tatay ni Aiko, at tumango naman siya bilang sagot.

Kinakabahan naman ako kasi nakapang pulis uniform pa siya mukha kakalabas lang nito sa Pulis Station.

Napansin ko naman sa tagiliran niya may baril siya, napalunok naman ako ng laway.

Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko, tumingin naman ako kay Aiko.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Wag kang mag alala hindi ka naman babarilin ni Tatay tutukan ka lang.." Natatawang sabi nya.

Lalo naman ako kinakabahan.

"Joke lang Irog ko." Sabi nito sa akin.

Nakita kasi niya na natatakot na ko.

Maiihi yata ako sa pants ko sa sobrang kaba.

First time ko pa naman makakausap ang Tatay niya nang ganito.

"Darling and Aiko iwan nyo muna kami ni Kai." Seryoso sabi ng Tatay ni Aiko.

"Sige hija punta muna ako ng kusina." Sabi ng Nanay ni Aiko sa akin.

"Okay po." Magalang na sabi ko dito, ayoko ipahalata na kinakabahan ako.

"Good luck irog ko." Nakangisi sabi sa akin ni Aiko.

Alam na nga niya kinakabahan ako tapos may pa ganito pa siya.

"Nay Samahan ko na po ikaw." Sabi ni Aiko, tumango naman ang kanya Ina.

Pumunta na sila ng kusina.

Naiwan kami ng Tatay ni Aiko.

"Ano pa ginagawa mo umupo ka na." Sabi ng Tatay ni Aiko sa akin.

"Opo." Kinakabahan na sabi ko at umupo na sa sofa.

Sa totoo lang hinihintay ko talaga na sabihin niya na umupo ako, ayoko naman kasi na basta na lang uupo ng hindi niya sabihin.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa mga hita ko.

Tumingin naman ako sa kanya sa totoo lang sa noo niya ako nakatingin. Kinakabahan ako.

"Hindi ko akalain na balak mo pala ligawan ang aking panganay na anak, Hindi ko akalain sa ganda mong iyan, well maganda din naman ang anak ko tulad ng kanya Ina. Pero hindi ko akalain na papatol siya sa kapwa niya babae." Sabi nito sa akin.

The Herman (Completed)Where stories live. Discover now