Kabanata 23

4.9K 133 4
                                    

Kai Angel

Sa loob ng dalawang buwan na panliligaw ko kay Aiko Laura, naging maayos naman hindi nga lang ako yung tipong manliligaw na nagbibigay ng flowers or chocolate, kasi ako yung tipong tao na pinag luluto siya ng mga pagkain na masustansya at syempre kasama ang paborito niya prutas na saging para mabusog siya ng pagmamahal ko.

Ang parents ko naman.

"Kaya mo iyan anak." Sabi ni Daddy sa akin.

"Oo nga anak sigurado naman na hindi ka sasagutin ni Aiko." Natatawang biro sa akin ni Mommy.

Kinabahan naman ako.

"Wag ka maniwala sa Mommy mo wala sa lahi natin ang nababasted." Pampalakas loob na sabi sa akin ni Daddy.

"Yabang." Sabi ni Mommy kay Daddy.

"Totoo naman honey." Sagot naman ni Daddy kay Mommy pero inirap lang siya.

"Ngayon meron na." Natatawang sabi pa ni Mommy.

"Mommy naman." Pout na sabi ko.

"Joke lang anak sigurado naman sasagutin ka ni Aiko sa ganda at bait mo pa." Sabi ni Mommy sabay kindat pa nya.

Ngumiti naman ako sa kanila at nag pasalamat dahil napaka supportive nila parents.

Si Tita Anjie naman sinasabi naman niya sa akin na pwede na daw hindi sila mag luto ng ulam dahil araw araw nag papadala ako ng lutong pag kain sa kanila. Si Tito Alex naman nandun pa din yung bilin niya sa akin na wag na wag ko daw sasaktan ang anak niya, hindi ko na sasaktan si Aiko. Oo nasaktan ko siya nung time na iniwasan ko siya ginagawa ko lang naman iyon dahil hindi pa ayos ang lahat. Ngayon ayos na ang lahat hindi ko na hahayaan na masaktan pa siya, hindi ko sasayangin ang tiwala binibigay ng kanya mga magulang sa akin.

"Kai Angel!" Sigaw ni Aiko sa akin napangiti naman ako at pumunta sa kanya.

"Ikaw ba ang may gawa nito?" Tanong niya sa akin.

Hindi siya makapaniwala, lalo naman ako napangiti at tumango sa kanya.

"Paano?" Nakangiti tanong niya.

"I have way." Sabay kindat sa kanya.

Ngayon araw ko na siya balak tanungin sa katunayan nga alam na ito ng parents ko at parents niya pumayag naman sila syempre.

Tumingin siya sa loob ng kwarto.

"Kai Angel bakit may mga petals sa sahig?" Sabi niya habang nakatingin sa sahig na puno ng mga petals.

"May mga balloons sa kisame?" Sabi naman niya habang nakatingin sa kisame na puro balloons na kulay red.

"At sa kama naman may malaki.. Panty?!" Gulat na tanong niya at tumingin sa akin.

Napatawa naman ako hinampas naman niya ko sa braso mahina lang naman.

"Bakit naman Panty? Di ba dapat hugis puso?" Tanong niya sa akin.

Lumapit siya sa kama at hinawakan ang malaki panty at binasa ang nakasulat.

"Will you be my?" Tanong niya sa akin tumingin na nagtataka.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ibig sabihin kung pwede daw sayo na lang ang panty." Natatawang sabi ko pa.

Kinurot naman niya ako sa tagiliran, pero mahina lang.

Inirapan niya ko.

"Ang laki naman nito ano akala mo sa akin ganito kalaki ang akin.." Hindi na nya nasabi ang sasabihin dahil namula siya.

"Ano ganito kalaki?" Nakangisi tanong sa kanya.

"Kainis ka!" Kurot niya ulit ako sa tagiliran ko. Masakit.

"Aray naman irog ko masakit na." Daing ko sa kanya.

"Ikaw kasi ang laki naman kasi nito parang damit na." Reklamo niya sa akin.

Napatawa naman ako.

"Ayaw mo nun may damit ka na may panty ka pa." Natatawang sabi ko sa kanya at kinurot na naman niya ko.

"Kainis ka talaga." Inis na sabi niya.

Ngumiti naman ako at lumuhod sa kanya.

"Ano ginagawa mo?" Naiinis na tanong nya.

Napapangiti naman ako sa kanya gusto gusto ko talaga kapag naiinis siya nakikita ko pa iba side niya na walang pinagbago maganda pa din siya.

Nilahad ko naman kamay ko.

"Bayad sa panty." Natatawang sabi ko.

"Sayo na iyan panty mo malaki!" Inis na sabi nya at binato sa mukha ko ang malaki panty.

Napatawa naman ako at inalis sa mukha ko ang malaki panty.

Tumayo na ako dahil mukha lalabas na siya ng kwarto hinawakan ko naman siya sa kamay at pinaharap sa akin.

Ngumiti ako sa kanya pero siya nakasimangot pa din sa akin.

"Wag ka na magalit irog ko, smile na please." Nakangiti sabi ko.

"Ewan ko sayo!" Inis na sagot niya sa akin.

Lumuhod naman ako habang hawak ang kamay niya.

"Irog ko will you be my girlfriend?" Nakangiti tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin.

"A..Ano?" Gulat na tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako at tumayo.

"Sabi ko kung gusto mo na yung panty." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Kainis ka talaga!" Naiinis na sabi niya at akmang kukurutin na naman ako ay nahuli ko na ang kanya kamay at hinalikan ang palad niya.

"Irog ko pwede ba kita maging girlfriend please?" Nakangiti tanong ko sa kanya.

Yung kanina niya mukha naiinis na paltan ng pa mumula ng mukha.

"Uyy kinikilig siya." Nakangiti sabi ko sa kanya.

"Hindi. Kasi hindi naman kita sasagutin." Tangi niya sa akin pero hindi naman siya nakatingin sa akin.

Napatawa naman ako. Kaya naman napatingin siya sa akin.

"Bakit ka natawa ayaw mo ba na sagutin kita?" Naiinis na tanong nya.

"Syempre gusto ko so sinasagot mo na ako?" Balik na tanong ko sa kanya.

"HINDI." Madiin na sabi niya.

"Kung ganun Yes!" Sigaw ko.

"Ano yes? Sabi ko Hindi!" Sigaw naman nya sa akin.

"Hindi na kita pahihirapan pa kung hindi mo ko sasagutin ako na ang sasagot sayo ng Yes." Sabi ko sa kanya sabay kindat.

Kita ko naman pamumula ulit ng mukha niya hindi sa inis kundi sa kilig.

"Tayo na." Nakangiti sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Sige na nga tayo na." Kunyari napipilitan pa siya at yumakap sa akin.

Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

"Mahal Kita irog ko." Malambing na sabi niya sa akin na parang kanina lang naiinis siya.

"Mahal na Mahal din kita Irog ko." Malambing na sagot ko sa kanya

Narinig naman namin ang palakpakan at napatingin kami sa labas ng kwarto nandun ang mga magulang namin na masayang binabati kami.

Masaya ako nakilala ko si Aiko Laura at hindi ko akalain na magiging girlfriend ko siya.

Hindi ko akalain na ang babaeng nag tapon ng strawberry milkshake sa akin damit ay ang mag papatibok ng puso ko.

Ang babaeng palagi ko sinusungitan pero sinuklian ako ng pag mamahal na sobra sobra at tanggap ako bilang ako.

Kung nagkamali talaga si Kupido na pagpana kay Aiko Laura aawayin ko talaga siya ng bonga. Dahil sa akin si Aiko Laura sa akin ang irog ko.

The Herman (Completed)Where stories live. Discover now