Kabanata 24

5K 128 7
                                    

Kai Angel

Sobrang ligaya ang akin nararamdaman dahil ngayon araw ang first day namin bilang mag girlfriend ni Aiko Laura.

At syempre may celebrate kasama ang amin pamilya.

Nandito kami ngayon sa Beach Resort na pagmamay ari ng kaibigan ni Daddy, pumayag kasi ito na iparent kay Daddy ang beach resort at may discount pa, overnight kami dito.

Nung una ayaw pa sana pumayag ng parents ni Aiko na libre dahil nahihiya daw sila pero sabi naman ng Parents ko wag na mahiya dahil hindi naman sila iba sa amin.

Nagpasalamat naman ako na pumayag sila kasi alam ko na malulungkot si Aiko kapag hindi kasama ang parents niya.

Naramdaman ko ng may nag saboy sa akin ng Tubig.

Nakita ko naman ang nakangisi mukha ni Aiko.

"Ganun pala." Nakangisi sabi ko.

"Humanda ka sa akin." Sabi ko pa sa kanya at hinabol siya natatawa naman siya at lumangoy na, ang bilis niya lumangoy, ako kasi hindi ako masyado magaling lumangoy. Kaya ang ending hindi ko siya nahabol.

"Ano irog ko pagod ka na?" Natatawang sabi niya sa akin. Umiling naman ako at akmang mahuhuli ko na siya pero ang bilis niya talaga kaya hindi ko siya nahuli.

"Ano irog ko wala ka pala." Natatawang yabang pa niya sa akin.

"Humanda ka kapag nasa lupa na tayo." Ako naman ang ngumisi sa kanya.

Dumila lang siya sa akin.

"Sige lang Irog ko mamaya sa lupa lagot ka sa akin. Humanda ka na." Nakangisi sabi ko sa kanya.

"Natatakot ako." Natatawang sabi pa niya.

Tumingin naman ako ng seryoso sa kanya.

"Pikon ka na?" Tanong niya sa akin.

Umiling naman ako.

"Hindi mo na kasi kailangan habulin, kasi nahuli mo na ang puso ko." Nakangiti sabi nito sa akin sabay saboy ng tubig sa mukha ko.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

Hindi na ako lumangoy naglakad na ako papunta sa kanya.

5 feet ang lalim ng swimming pool pero matangkad naman kasi ako nasa 5'10 ang height ko at siya naman sa tingin ko nasa 5'6.

Tumingin ako sa paligid hindi nakatingin ang parents namin abala sila sa pagluluto.

Tumingin naman ako kay Aiko Laura.

Hinawakan ko siya sa bewang at nilagay naman niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Ano gagawin mo?" Nakangiti tanong niya sa akin.

Pero imbes na sagutin siya mabilis ko siya hinalikan sa kanya mapupulang labi.

Kahit mabilis lang iyon, naramdaman ko ang spark at sobrang bilis ng tibok ng akin puso ang lambot! Ang lambot ng kanya labi.

Nakita ko naman na natigilan siya at hinawakan ang kanya labi.

Napangiti naman ako.

Dahil first kiss namin ang isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam na first kiss namin ang isa't isa sa susunod yung matagal na halik naman.

Namula naman ako sa akin naisip, naramdaman ko naman na may kumurot sa tagiliran ko.

"Aray irog ko." Daing ko sa kanya at tiningnan siya

Ang sakit ng kurot niya.

"Bagay lang sayo iyan basta ka na lang kasi nag hahalik, hindi ka man lang nagpapaalam." Namumula sabi nya sa akin.

Nakangisi ngumiti naman ako sa kanya.

"Sige magpapaalam ako. Pwede ba mahalikan ka ulit?" Nakangisi tanong ko pa sa kanya.

Kinurot na naman niya ko sa tagaliran. Nasasanay na talaga siya na lagi ako kinukurot.

"Ewan ko sayo!" Sabi niya sa akin at inirapan ako pero kita ko naman ang pamumula ng kanya pisngi at napakagat labi pa siya.

Pagkatapos ay tumalikod na siya sa akin, hindi ko naman maiwasan na pagmasdan siya ang sexy nya talaga, kahit na nakatalikod siya na white sando siya at naka short tulad ko napatingin naman ako sa kanya butt ang laki ang laman.

Namula naman ako, naramdaman ko naman na may nag aboy sa mukha ko ng tubig.

Nakatingin naman pala siya sa akin at ang sama ng tingin nya.

Kinabahan naman ako.

"Sorry na irog ko promise mag papaalam na talaga ako." Nakataas pa ang right hand ko

"Ewan ko sayo!"

Lumapit naman ako at niyakap siya patalikod.

"Sorry na Irog ko." Malambing na Sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay ko nasa tyan niya.

Kaya napangiti ako.

"Sige na nga bati na tayo, alam mo naman na hindi kita matiis." Sabi nya sa akin.

Bumitaw na siya sa akin at sabay saboy ng tubig.

Napangiti na ako at naghabulan na ulit kami.

"Ate Kai, Ate kakain na daw po!" Sigaw sa amin ni Ane.

Kaya napatigil kami sa pag hahabulan at tumingin kami kay Ane.

"Tara Irog ko." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman ito sa akin.

Humahon na kami sa swimming pool at agad naman kami inabutan ni Ane ng twalya, kaya nagpasalamat kami parehas ni Aiko.

Binalot ko ng twalya ang katawan ko at ganun din ang ginawa ni Aiko.

Hinawakan ko ang kamay inya ngumiti naman siya sa akin.

"May forever." Bigla sabi ni Ane.

"Syempre." Sabay namin sabi ni Aiko.

Magkahawak kamay kami na pumunta sa mga parents namin.

Nakarating na kami sa kubo dahil nandun sila.

Nakita ko na nakalatag ang malaki dahon ng saging? Sa lamesa at nandun nakalagay ang mga pagkain.

"Masarap kumain, dito irog ko." Sabi ni Aiko sa akin.

Tumango naman ako dahil first ko na makakain sa dahon ng saging.

"Anak ikaw na ang mag lead ng player." Sabi ni Mommy sa akin.

Tumango naman ako nag simula na kami magdasal pagkatapos ay kumain na kami.

Hindi ko katabi si Aiko dahil ang katabi ko ang parents ko tapos kahanay namin si Manang at si Manong Driver.

Katapat ko naman si Aiko Laura katabi nya si Anne at ang parents nya kasama din si Manong Driver 2.

Ang sarap ng mga pagkain ang sarap ng luto at busog na busog ako alam ko pati din sila busog sulit.

"Mare ang sarap ng luto mo." Sabi ni Mommy sa Nanay ni Aiko.

At syempre kami lahat nag sang ayon.

"Salamat naman at buti nagustuhan nyo." Nakangiti sabi ng Nanay ni Aiko sa amin.

"Syempre kaya nga na inlove ako sa darling ko." Sabi ng Tatay ni Aiko sa asawa nito at hinakbyan pa.

Kita ko naman na kinilig ang Nanay ni Aiko.

"Salamat Mare at Pare sa pa outing." Sabi ng Tatay ni Aiko kina Daddy.

"Wala anuman, pamilya naman tayo." Sabi ni Daddy.

Napangiti naman ako lalo tumingin ako kay Aiko at kita ko din sa mata nya ang saya.

Nagpahinga muna kami bago nag swimming ulit.

Naging masaya ang buong araw at gabi namin lahat.

The Herman (Completed)Where stories live. Discover now