Kabanata 25

5.3K 130 1
                                    

Kai Angel

Pagkatapos ng ilang linggo masasaya hindi ko akalain na mangyayari ito.

Nandito kami ngayon sa kama ni Aiko Laura nakayakap siya sa akin at nakatulog na siya sa kakaiyak.

Hinaplos haplos ko ang kanya buhok at hinalikan ito.

Pinunasan ko naman ang tuyong luha niya.

Ayoko nakikita siyang umiiyak.

Napabuntong hininga ako.

Tumingin ako sa kanya.

Noon nakaraan linggo kasi hindi inaasahan na ang Tatay ni Aiko ay madidestino sa Davao ang akala nila dito na for good pero babalik pala ang Tatay niya sa Davao kung saan nakatira ang parents nito. Na una na pumunta ng Davao kasama si Ane susunod na lang si Aiko at ang kanya para dun na sila tumira at mag aral.

Sa makalawa na ang alis nila naayos na kasi ang dapat ayusin sa school.

May tiwala ako sa kanya, alam ko kakayanin namin ang LDR at saka pwede naman kami mag chat, text at video call, pwede din ako bumisita sa Davao isang beses sa isang buwan para makasama siya.

Hinawakan ko ang kanya pisngi.

"Mahal na mahal kita." Mahina sabi ko sa kanya

Sa ngayon kailangan namin sulitin ang dalawang araw na magkasama kami.

Inalis ko muna ang pagka hawak sa pisngi niya at ang pagkayakap niya sa akin.

Kailangan ko muna bumango para maipahanda siya ng makakain niya.

Bumango na ko ng kama, hindi naman sarado ang pinto. Lumabas na ako ng kwarto.

Sakto naman na dumating na si Tita Anjie at binati ko siya.

"Hija pwede ba kita makausap?" Tanong ni Tita Anjie sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango.

Umupo na kami sa sofa.

"Gusto ko malaman kung pumapayag ka na umalis ang anak ko?" Tanong sa akin ni Tita.

Tumingin ako sa kanya.

"Tita sa totoo lang po nung una ang naisip ko ay baka kapag malayo na siya sa akin baka mawala na siya, pero hindi naman pala kahit na malayo siya alam ko naman po na hindi siya mawawala, dahil alam ko mahal din po ako ng anak nyo at may tiwala po ako sa kanya."

"At alam ko naman po na ayaw niya na malayo sa inyo at hindi po ako hahadlang dun." Sabi ko pa kay Tita.

Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Alam ko na hindi magiging madali ang pagdadaanan nyo lalo na magiging LDR kayo pero umpisa pa lang ito marami pang darating na pag subok pero ganun pa man mag tiwala lamang kayo sa isa't isa na malalapasan nyo din ito.." Sabi niya sa akin.

Ngumiti naman ako at gumanti ng pagkahawak sa kanya.

"Dahil mas matibang ang mamahal nyo." Sabi pa ni Tita sa akin.

Napaiyak naman at pinunasan ang luha ko.

"Opo. Tita Maraming salamat po sa payo." Sabi ko sa kanya.

"Walang anuman alam mo naman na parang anak na din ang turing ko sayo." Nakangiti sabi niya sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito ang turing sa akin ng magulang ni Aiko.

"Salamat po talaga." Pagpapasalamat ko.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Sige punta na ko ng kusina, pero alam ko naman gusto mo ikaw ang magluto para sa anak ko." Nakangiti sabi niya sa akin.

The Herman (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora