3

58 20 6
                                    

Tumunog na ang alarm kaya bumangon na 'ko at pinatay ito. Binasa ko ang nasa notes ko. Sana nakapanood din ako ng movie na pinanood nila Brad. Naligo na ako at nag-ayos, napagdesisyunan ko na mag-skateboard na lang sa park malapit sa subdivision namin.

Habang nag-skate ako papunta sa park ay tinawagan ko si Riley. Kaibigan ko na malapit lang din sa park. Kaibigan ko lang kasi ayaw kasi ni By sa kaniya kasi feel niya dugyutin HAHAHA tapos si Maddie naman walang time makipagkaibigan kasi study first? HAHAH. Alam naman ni Riley condition namin kwinento ko sa kaniya.

"Bakit halos once a week ka lang mag-skate? Sayang naman ang dami ko pa namang tricks na pwede ituro sa'yo," tanong ni Riley.

"Kasi ano may sakit kasi ako," sinabi ko ng marahan, nakakainis ayaw kong maawa siya sa'kin.

"Weh? Mukhang healthy ka naman kahit sobrang payat mo," sabi niya na medyo naguguluhan.

"Sa utak, HHAHA 'di naman ako baliw kung 'yun iniisip m--,"

"Hindi ah. Hindi porket may mental illness, baliw na. Ano ka ba anong tingin mo sa'kin? Toxic? So anong sakit?", sabi niya habang nililinis ang skateboard niya.

"Iyung multiple personality? 'Yung parang sa Split na movie? Ganun tapos tatlo 'yung personality namin..."

Pinaliwanag ko sa kaniya nang dahan-dahan at sa hindi ako makapaniwala na nakikinig talaga siya nang mabuti.

"So 'yung nakakasama ko mag-skate, ikaw 'yun? Blair?", pagkaklaro niya.

"Yes kaya huwag ka magulat kapag tinawag mo 'ko tapos 'di ako lumingon. Ako 'yun pero 'di ako HAHAHA. Baka si By at Maddie. Sana huwag mo 'to pagkalat, gusto talaga naming sikreto lang 'to. Alam mo na para 'di mahusgahan," pagpapatuloy ko.

"Grabe I'm honored," at nagbiro pa siyang naiiyak.

"HAHAHA parang sira," sabay gulo ko sa buhok niya. Nag-skate na 'ko at nagpahabol sa kaniya.

Nakarating na 'ko sa park. Walang tao kasi monday. Buti wala akong pasok tuwing monday para makapag-skate ako. Nag-skate ako at gumawa ng ibang tricks at nagulat ako kasi may pumalakpak. Hinanap ko saan ito nanggaling at nakita ko ang isang lalaki na naka-uniform? College na rin siguro 'to?

"Grabe nag-skate ka pala. Bakit mo blinock number ko? I'm hurt you know HAHHAHA," sabi niya.

Sino 'to? Kinuha ko phone ko at nagbasa sa notes. Wala naman akong makitang clue about sa kaniya.

"HAHAHAHA???" Tuumawa na lang ako kasi ang awkward diba??

"Ilang beses na tayo nagkikita 'di mo pa alame name ko. I'm Langley but you can call me Ley kung gusto mo o kaya babe mas maganda HAHAHAHAHAHA," pagpapakilala niya.

"Madeline," sabay abot ko ng kanang kamay ko para makipagkamay.

Nagulat siya pero inabot niya rin naman agad.

"Maalam ka mag-skate? Tara?" Aya ko sa kaniya.

"Ano... hindi eh HHAHAHA pero fast learner ako!" Tugon niya.

Kaya naman tinuruan ko siya kaso pagkasakay niya palang sa skateboard ko ay nahulog agad siya rito.

"HAHHA ano bayan ang lampa mo naman HAHAHA," tawang-tawa akong pumunta sa kaniya kaso nagbago ang ekspreyon ko nang nakita ko na nabutas yung pantalon niya sa tuhod at nagkasugat dun. Tapos gasgas din ang siko niya.

"Hala teka gamutin muna natin 'yan!" Nag-papanic kong kinuha first aid ko at tinugunan ko siya.

"Chill ka lang hindi ko naman ikakamatay 'to 'no HAHAHA," sagot niya habang nagkakamot ng batok.

Angel on LendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon