4

45 19 7
                                    

Bumungad sa'kin ang alarm ko, kaya naman bumangon na 'ko at nagbasa sa notes. Ay ako pa rin pala ngayong araw? Nag-ayos na 'ko dahil may 7 am classes ako tuwing tuesday. Halos makipagpatayan na 'ko para lang makasakay ng jeep papuntang school. Tumal talaga ng byahe kapag umaga, ayoko namang tanggapin ang binibigay nila sa'king kotse. Dagdag utang na loob na naman.

Pagkarating ko sa gate ng school ay kumaripas pa 'ko ng takbo kasi 6:57 na, lintek na traffic 'yan. Pagkarating ko sa room ko ay wala pang prof buti na lang kundi lagot na naman ako kay Maddie HAHAHA. Ako lagi ang na-lelate sa'ming tatlo eh. Napaka-grade conscious pa naman nun. Tuloy minsan kailangan ko ring magpuyat para lang maaral lahat ng lessons namin.

Mabilis namang natapos ang klase ko at 2:35 na ng hapon. Grabe gutom na gutom ako kasi straight mga klase ko ngayon. Puro lab ba naman. Pumunta na 'ko sa canteen at bumili ng pagkain, nag-wave naman si Brad sa'kin at sinasabing may bakante raw sa table nila. Kasama niya tropa niya pero 'di naman ako nahihiya kasi medyo ka-close ko 'tong mga 'to.

"Grabe Maddie parang gutom na gutom ah? Ngayon ka lang mag-lunch? Sobrang late n--,"

"Ano ka ba kuya ko?" Pagpuputol ko sa kaniya sabay subo ng kanin.

"HAHAH pre ano raw, kuya? hHAHAA ikaw kasi ayaw--," hindi rin pinatapos ni Brad 'yung tropa niya magsalita at sinalpakan niya ng fries sa bibig.
"Umalis na nga kayo tapos na kayo kumain eh. Alis,alis," pagtataboy ni Brad sa kanila.

Umalis naman sila habang tawa nang tawa. Nakakaawa talaga 'tong si Brad onti na nga lang kaibigan tapos mga weirdo pa.

Nagkwento si Brad tungkol sa mga klase niya tsaka pati 'yung sa thesis ng kapatid niya na si Brianna, pinapagawa raw sa kaniya kasi engineering student siya. 'Di ko nga rin ma-gets anong connect eh.

"Tapos 'yun 'di naman ako makatanggi kasi nanay ko na nag-utos. Alam mo naman ako, I have a soft heart for my mader," sabay kunwari niya pang- teary eyes.
"Yuck mama's boy."
"Hoy hindi 'no pero don't worry nagawan ko naman ng paraan. Alam mo 'yung mga nagawa ng mga essay, homework pati thesis? Nakahanap ako nun HAHAH easy work," pagyayabang niya pa sa'kin.
"Ay 'yung may mga bayad? Sana sa'kin mo na lang pinagawa!" Sabay hampas ko sa kaniya sa braso. Grabe sayang 'yun pang-paayos na sana ng skateboard 'yun.

"Magkano ba bayad sa ganun?" Pangungulit ko sa kaniya.
"Ewan ko pero ang bigay sa'kin 5k daw pero natawaran ko HAHA I'm so bright, bitch."

"Edi magkano na lang?" Pagtatanong ko ulit.
"4,500 na lang HAHAHA," sagot niya habang proud na proud pang nakatingin sa'kin.
"Grabe ang laki ng difference ha? Umay sayo, 'kung sa'kin mo pinagawa siguro 2k lang. Bawiin mo na lang tapos sa'kin na lang," pagmamakaawa ko pa rin sa kaniya. Sayang naman kasi talaga 'no? Tsaka medyo maluwag naman ako ngayon kasi kakatapos lang prelims namin.

"Nakapag-down payment na 'ko eh. Sorry, next time sa'yo ko papagawa lahat HAHAHA," binatukan ko na lang siya.

Pagkatapos nun ay nagpaalam si Brad dahil susunduin niya pa raw nanay niya sa mall. Talk about mama's boy. Umuwi na lang din agad ako at tinignan social media accounts ko. Sobrang boring, ni walang mga memes na shineshare kaibigan ni Maddie. Tinignan ko naman instagram ko at nakita ko na may follow request. Nakita ko na si Langley 'yun kaya in-accept ko na lang. 'Di naman siya naka-private account kaya tinignan ko profile niya.

"Langley
Seeking the balance in my life
1,042 followers, 568 following"

Nakita ko mga post niya. Black and white ang theme niya sa ig. Puro mga drawings kasi siguro animator siya. Pero nakakagulat kasi may sketches din siya ng mga gown? Puro sketches lang laman ng feed niya, walang mukha niya o kaya mga sayaw niya. Argh I just can't get enough of his dancing 'no. Sobrang galing lang talaga, ang linis ng pagka-deliver niya sa bawat step. Parang may pinanghuhugutan lahat. Nabalik na lang ako sa realidad ng may tumawag sa phone ko.

"Done stalking me?" And he chuckled.
"Excuse me? 'Di kita inii-stalk 'no," kasi hindi naman talaga? Tsaka paano niya naman nalaman na nag-scroll ako sa feed niya.
"Okay, mi lady kahit na-like mo 'yung isang picture? HAHAHA I'm offended 'kala ko may bond na tayo pero why you lying? HAHAHA," saan ba pinaglihi 'to sobrang madrama.

"What are you talking about,peasant?" Sagot ko.
"Aray alipin lang pala ako. Alipin ng pag-ibig mo HAHAHAHAHAH," kumanta pa nga.
"Bye mag-aaral na 'ko," pagpapaalam ko at binaba na ang phone.

Nakakapagod makipag-usap wala akong energy para i-keep up ang conversation. Don't get me wrong, masaya naman siya kausap pero nakakapagod lang talaga. I looked at my wrist and smiled bitterly. Nag-aral na lang ako para ma-divert attention ko. Nagtype na rin ako sa notes.

Tumunog na ang alarm at bumangon na 'ko. Tuesday na pala ulit? Ang unfair naman ng shifting, isang week na simula nung ako ang nag-take over. Hay yaan na nga wala akong oras para mag-isip may 7 am classes pa 'ko. Nakarating naman ako ng on time sa klase ko. Nagka-early dismissal ang buong school dahil sa meeting ng mga prof. Inaya rin ako ni Brad sa isang coffee shop, libre niya raw kasi badtrip siya.

"Kasi nga naaalala mo ba 'yung binayaran ko para sa thesis? Scam gago," sabay higop niya sa iced coffee niya.
"Tell me about it," sabi ko.
"Kasi diba nagbayad ako down payment tapos kinabukasan nag-chat siya kailangan niya pa raw ng dagdag na mga 1k ganon. Edi nagpadala ako kailangan daw para mai-test ang product pero nakakainis ngayon 'yung deadline ko sa kaniya pero nakablock na number ko pati sa social media account niya," rinig na rinig ko ang frustration niya sa boses niya.

"Ano bang account niya baka mahanap pa natin?" Pagtutulong ko sa kaniya.
"Naka-dummy account eh tapos deleted na rin. Napakabobo ko, scam pala 'yun 'di ko man lang napansin hay," sabay buntong-hininga niya.
"Bakit kasi doon ka nagpagawa tapos 'di mo pala kilala? Akala ko recommended sa'yo? Ano nang gagawin mo? Sayang 1500 'no," grabe sayang sa oras at pera.
"Wala kailangan ko gumawa noon tapos one week na lang pasahan na. Nakakainis."

Naaawa naman ako kay Brad kaya sabi ko ay tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya. Kaya naman habang nasa coffee shop kami ay nag-isip kami ng pwedeng title ng thesis ng kapatid niya. G12 palang naman 'yun si Brianna kaya kahit hindi sobrang hirap.

Nung nasa kotse na kami at nag-drive si Brad ay tumunog phone niya. Pinatingin niya sa'kin kung sino ang nag-text. Laking gulat ko nang makita ko na may nag-transfer ng 1500 sa account niya tapos may text pa na 'issa prank'.

"What the actual fuck? Pinaglalaruan ba 'ko ng gagong 'yun?" Brad said with gritted teeth. Sobrang lakas naman mang-trip nun kung ganun?

Buong car ride ay nag-rant lang si Brad dahil sa nang-prank sa kaniya. Pero the good thing is binalik naman 'yung pera, pampalubag loob?

Nang makauwi ako ay humiga agad ako sa kama. Buti na lang nung umulan nasa bahay na'ko. I hate rains 'di ko rin alam bakit. I hate life, I hate na parang cycle lang lahat ng 'to. I hate that today's a bad day.

Nagising na lang ako sa pag-space out ko noong may nag-text sa'kin.

"This, too, shall pass...nakita ko lang tapos naaalala kita HAHAH lungkot ng langit, parang ako lang kapag 'di ka kasama joke HAHAHA miss mo ba 'ko? Sana oo :)) see you soon."

And that made me smile.

Angel on LendWhere stories live. Discover now