19

18 6 32
                                    

Triggee warning: self-harm

Habol hininga ako habang nakadapa sa sahig. Nakakalimang practice na kasi kami sa buong routine namin at walang break kaya ito kami nakahiga parehas at mukhang basang sisiw sa sobrang pawis.

Tinignan ko siya at nakita siyang nakatingin sa kisame habang may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi.

'Di rin nagtagal ay nagbihis na kami at napagdesisyunang magpahangin muna bago tuluyang umuwi. Nagdidilim na ngunit kita mo pa rin ang iilang ulap na sumasayaw sa langit. Ang kalmado ng paligid.

Nakita ko siyang may ngiti pa rin sa labi. Ngunit nang mapansin niya ang titig ko sa kaniya ay nag-iwas agad ako ng tingin.

Nagkabanggaan ang kamay namin kaya tila nakaramdam ako ng kuryente sa aking sistema. Dali-dali kong nilagay sa dibdib ko ang aking mga kamay. Hawak ko ang dalawa kong kamay habang nasa dibdib ko ito. Nakapa ko na naman ang gaspang na dulot ng mga sugat sa aking palapulsuhan.

"Sa tingin mo bakit naglalaslas ang mga tao?" Wala sa sarili kong tanong.

Naramdaman ko ang pagkabigla niya kaya napatigil siya sa paglalakad pero nakaahon din agad siya kaya nakahabol pa rin siya sa'kin.

"So that they can leave this world?" May halong pagtatanong sa kaniyang sagot.

Nagkibit balikat ako kaya tinanong niya kung anong palagay ko sa tanong ko.

"They just want to feel pain. Sa sobrang sakit na naramdaman nila namanhid sila kaya gusto nilang makaramdam ulit ng pain. Ang ironic 'no? They're hurt yet they hurt themselves more to conceal the pain."

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang kaniyang pagtango kaya hinarap ko siya.

"Then what do you think about people who commit suicide?" Pagtatanong ko.

Lumunok muna siya bago ako sagutin. "They're tired and exhausted. They must have been longing for peace of mind for so long yet they couldn't find it here. So they ended their lives thinking that their next lives would be better," aniya.

Tumango ako sa kaniya ngunit nagtanong ulit. "Pero hindi ba ang selfish? Na iniwan lahat ng responsibilidad dito at magsilbing pabigat sa iba?"

"Don't you think they haven't thought about that? If you're thinking about your mother, don't you think she would do that just to take revenge? No. She's bothered, traumatized, betrayed and hurt."

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Akala ko napalaya ko na ang galit pero heto ako ngayon, nag-aalburoto sa inis.

"Maybe we should stop judging them. They're gone. Let them be in peace. And you, learn to forgive," putol niyang sabi sa'kin habang pilit akong hinaharap sa kaniya.

"How can I?!"

Nakita ko ang kaniyang pag-iling nang magtama ang mga mata namin.

"No."

"Learn to forgive yourself."

Tahimik kami nang ihatid niya 'ko sa amin. Magpapaalam palang sana ako sa kaniya nang dumating ang sasakyan namin. Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko nang binaba ng tatay ko ang bintana.

"Hinatid ko lang po si Blair," pagpapaliwanag niya.

"Maghapunan ka muna," paanyaya ng aking ama.

Kaya ngayon nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa tabi ng nanay ko kaharap si Langley. Pinaulanan ng tanong ng tatay ko si Langley.

"How's your practice with my daughter? Mataray ba siya?"

Nagulat ako sa tanong ng tatay ko. 'Di ko alam na alam niya na magka-partners kami.

Dahil sa pinakita kong mukha ay natawa si Langley at daddy ko sa 'kin.

"Kilala mo siya?" Tanong ko kay daddy.

"Oo naman. Ilang beses ko siya naabutan sa labas ng bahay natin noong galit ka raw," at humalakhak ulit siya.

Nasamid yata ako sa hangin kaya sumimsim ako sa tubig ko. Nakakahiya.

Natapos ang hapunan na pinagtulungan lang akong asarin ng aking tatay at ni Langley. Magkasundong magkasundo sila!

Nang magliligpit na 'ko ay kinausap pa ni daddy si Langley.

Nagulat ako nang pumasok sa kusina ang aking ina at tinignan ako. Pakiramdam ko ay ang liit-liit ko sa mga titig niya.

Bakit laging gan'to ang napupunta sa'king nanay? Puro may galit at pait sa kanilang pakikitungo. Ganito siguro siya kasi 'di niya naman talaga ako anak at 'di na siya nagkaanak dahil ako palang daw ay hirap na silang mag-alaga. Pero bakit gano'n, hindi naman ako nakaramdam ng aruga?

Nahulog ang dala niyang tasa kaya nabasag ito. Parehas kaming dumalo rito kaya napayuko kami. Pilit naming pinupulot ang mga bubog.

"Ako na," aniya ko sa mababang boses.

Pero 'di pa siya tumigil kaya binilisan ko ang pagpulot. Nakita kong napahinto siya nang dumugo ang kaniyang daliri.

"Sabi kasing ako na!"

Kinuha ko ang emergency kit at hinawakan ang daliri niya. Tinignan ko muna kung may bubog pero buti na lang at wala. Nilagyan ko ito ng band aid agad.

Inangat ko ang tingin sa mga mata niya at nagulat nang makitang umiiyak siya. Hindi naman malalim ang sugat kaya nakakapagtaka bakit bumubuhos ang kaniyang mga luha.

"I'm so sorry..." narinig ko ang pagkabasag sa kaniyang boses.

"I'm so sorry, Blair. I'm so sorry for being too harsh on you. I'm so sorry for being a bitch. I'm just frustrated and so lost. There's no single day that I don't miss Selena, your biological mother. Hindi lumilipas ang araw na 'di ko sinisisi ang sarili ko na kung sana nando'n ako para sa kaniya ay 'di nangyari sa kaniya 'yun. Kung sana mas pinagtuunan ko siya ng pansin, kung sana ay pinagtanggol ko siya sa mga kamag-anak namin na pinandirian siya, kung sana hindi ako ang pinakaunang lumayo sa kaniya," sagot niya habang nahagulgol.

Ni hindi ko malaman kung anong gagawin. She's so vulnerable that one wrong move I can break her.

"And seeing you, parang ikaw ang nagsisilbing paalala sa'kin sa mga naging pagkukulang at kasalanan ko sa pinsan ko. Inis na inis ako na akala ko ikaw ang dahilan pero naiinis lang pala ako sa sarili ko. I should've treated you better. Mahal na mahal kita, anak."

Halos mabingi ako sa sinabi niya. Tumulo na rin ang mga luha kong pilit kong pinigilan. Buong buhay ko itong hinintay. Buong buhay ko, nag-asam lang ako ng pagmamahal ng isang ina.

Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Pinapatawad na kita," panimula ko.

"So please forgive yourself,too."

Angel on LendWhere stories live. Discover now