Chapter 2

199 26 28
                                    

"Ikot muna tayo!" pag pupumilit sa akin ni Venus.

Hapon na at kakatapos lang ng klase namin.

I'm really lucky halos magkaparehas lang ang schedule namin ni Vee.

"I need to go home, Vee," makahulugan 'kong sabi sa kanya.

"I know Alina wouldn't mind," ngumiti siya at nagpakipot.

Tinignan ko ang phone ko at chineck ang oras. Maaga pa naman.

"Fine," tapos lumingon ako kasi ang ingay no'ng dalawa sa likod, narinig ko pang tumili si Vee dahil sa excitement. "Ba't kayo nakabuntot sa amin?"

"Gusto lang kitang makasama sana!" agad na sagot ni Drake.

"I'm with Venus," he said. Napatingin naman ako ulit kay Venus.

"May something kayo?" tanong ko at nginuso si Theo.

Halatang nagulat siya sa tanong ko, pero agad din tumawa.

"Gaga! Hindi 'no! Jowa ko na sana 'yan kung gano'n," lumapit siya sa akin para bumulong, "bet ko kuya niya eh," humagikhik siya.

Pinalo ko siya sa braso niya. "Manggagamit!"

"Hoy! Hindi ah!" pagtanggi niya naman, umiling na lang ako.

"Drake," tawag ni Venus kay Drake.

Tinignan ko naman sila.

"Bakit?"

"Wala lang!" kumibit balikat si Vee.

Parang tanga! Tinatawag si Drake tapos akala mo may sasabihin talaga.

Seryoso kasi mukha niya nang tiniwag niya si Drake.

Binilisan naman ni Drake ang lakad niya kaya nasa tabi niya na ako. Napalapit na man ako kay Vee.

"What do you want?" I asked Drake, kita kasi sa mukha niyang may gusto siyang sabihin.

Umiling siya, "Ang ganda mo."

Imbes na kiligin, napairap na lang ako.

"Sorry Drake ah. Hindi kasi sanay si Callie sabihan ng maganda," sabi ni Vee kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ka nakikinig sa amin ah?" umirap ako sa kanya.

Palabas kami kanina nang school kaya ngayon, nandito na kami sa may mga nagbebenta ng street foods.

"Wow! Ang bango!" kumuha si Vee ng tempura at fish ball, inilahad niya 'yon sa akin. "Gusto mo?"

Umiling naman ako agad.

"Arte."

Bumulong pa siya.

Fish ball lang kasi nilahad niya. Kumuha ako ng tempura at kinain na 'to.

"Akala ko ba ayaw mo?" parang tinraydor ko siya sa tono ng pananalita niya.

"Wala akong sinabing ayaw ko." Kumain na ako.

Kumuha na rin sina Drake at Theo.

"Gusto mo pa?" tanong ni Drake habang binibigay sa akin ang tempura na nasa stick.

"May kamay ako para kumuha ng bago." Kumuha naman ako ng isa pang stick.

Hinayaan na lang ako ni Drake at kumain ulit.

Napatingin ako kay Theo dahil hindi pa siya kumukuha.

"Hindi ka kumakain?" tanong ko sa kanya at lumapit nang konti, naka harang kasi si Venus.

Scars of the Past (Hernandez Series #1)Where stories live. Discover now