Chapter 16

83 7 15
                                    

"Gabrielle?!" Mukhang si Theo ay nagulat din, while Vee was just silent. Maybe she was still guilty about the night she vomited on Gabrielle's dress.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit gulat na gulat si Theo. I mean she studies here, mas nakakagulat nga na hindi namin siya nakikita lagi eh. Hindi naman kasi talaga.

But it's understandable rin naman, ang laki naman din kasi ng campus. Hindi ko pa nga naiikot ang buong campus eh. Also, maybe Gabrielle's course is different from ours? I really don't know.

Kami nga nina Vee, Drake at Theo, magkaiba ng building kahit parehas lang ang course, so I wouldn't really be shocked if we don't see each other often.

O baka naman, nagtatago si Theo kay Gabrielle? Well, we'll never know.

"Why are you with her?" tanong ko kay Drake. I saw how the side of his lips rose. He bit his lip, trying to keep himself from smiling. Napakunot noo naman ako sa ekspresyon niya. "What?"

"Are you jealous of Gabrielle?" he asked while he had this smug look on his face. Napatingin naman ako kay Gabrielle na ngayon ay pumunta kay Theo para kumapit sa braso ni Theo.

Now that it's not dark, I could clearly see how young she is. Mukhang matanda rin kasi siya no'ng nakilala namin siya dahil sa bigat at kapal ng make up niya. Ngayon naman ay nakaliptint lang ata siya.

Binalik ko ang tingin ko kay Drake at tinignan siya na parang gulat na gulat talaga ako. I was just curious as to why they're together. As far as I remember, hindi naman sila close 'di ba? They met that night too.

"To whom would I be jealous of? Gabrielle?" Sinulyapan ko si Gabrielle at nakita ko naman siyang nakataas ang kilay sa akin. Umiling naman ako at umirap. "As if."

I am not the type of person who easily gets jealous. Hindi ko rin naman gusto si Drake, so why would I be jealous if he's close with Gabrielle, and as far as I can remember, Gabrielle likes Theo.

"Ikaw naman! No need to be jealous Callie! Ikaw lang naman ang para sa akin. 'Tsaka, nagkita lang kami ni Gabrielle, maglalaro rin pala siya," Drake said with a smile. Napatingin naman ulit ako kay Gabrielle at tinignan ang suot niya.

Naka tennis skirt siya, napakunot noo naman ako. Hindi naman tennis ang lalaruin niya, table tennis lang naman. Para rin siyang cheerleader dahil sa ikli ng skirt. Hindi ba siya napagalitan? Sabagay, wala naman atang dress code rito, pero syempre wala rin naman atang pupunta nang school ng naka bikini 'no?

"Nalingat ka ata, hindi rito ang field. Nasa labas ata ang mga kasama mo," sabi ko kay Gabrielle. Narinig ko namang natawa si Vee sa tabi ko nang marinig niya ang sinabi ko.

"What?" Gabrielle looked confused. Hindi niya ba nagets ang sinabi ko?

"What I mean is, you're at the wrong place. The cheerleaders are out on the field," I explained. When she heard me and realized what I meant, I saw how red her faced turned out to be. I guess I hit a nerve.

I saw Theo smirked with what I said, and Drake was just staring at us, amuzed with what's happening.

"Are you trying to have a fight with me?!" inis niyang tanong sa akn. Binitawan niya pa ang braso ni Theo kung saan siya nakahawak kanina at nilapitan at hinarap ako. Mas lalong pumula ang kanyang mukha, inis na ata talaga sa akin.

Hindi ko rin alam kung ba't gusto ko'ng iniinis si Gabrielle, pikon kasi pagdating sa akin. Parang natutuwa rin ako eh, hindi ko mapigilan sarili kong hindi siya inisin kahit na alam kong kaya kong pigilan ang sarili ko.

Taas noo ko siyang tinignan at nginitian. "What if I am?"

She gasped, she wasn't expecting me to fight back. Hindi naman talaga ako naghahanap ng gulo, sadyang iniinis ko lang siya. I understand that she's quite immature for me, eh kahit naman din ako, ang immature ko sa part na 'to. 'Yong pinapatulan ko siya, etong pang-iinis ko sa kanya, napaka-immature para sa part ko.

Scars of the Past (Hernandez Series #1)Where stories live. Discover now