Chapter 33

71 8 5
                                    

"Stop na nga! Nakakainis ka ah!" inis na bulyaw ko kay Theo.

Tumawa lang siya kaya naman mas nainis pa ako.

"Sige ha."

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Ang sabi ko, umupo ka muna at tatapusin ko lang ang ginagawa ko, 'wag mo kong picture-an dahil nananahimik ako!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Hinablot ko ang cellphone niya. Hindi naman talaga hablot ang ginawa ko dahil kusa niya naman 'yon binigay.

Lumayo ako ng konti sa kanya at agad na binuksan at pinindot ang photos niya na app. Buti naman at wala siyang password sa cellphone niya at nabuksan ko 'yon ng walang kahirap-hirap.

Tumayo siya sa sofa dahil nakaupo siya roon kanina at hinihintay ako. Andito na naman kasi sa opisina ko, parang walang trabaho kung titignan.

Well, it's also my fault why he's here. I asked him to teach me how to cook, para ako na ang magluluto sa birthday ni Alina.

February 24 na ngayon at tatlong araw na lang at birthday na ni Alina.

Sa bahay lang kami mag cecelebrate dahil 'yon ang gusto ni Alina.

She'll invite her friends over at noon and they'll play until the afternoon. Mga six siguro ng gabi tapos ay uuwi na rin.

Pagkagabi naman ay magkakaroon lang kami ng munting family dinner.

Umiling ako at nag focus sa cellphone ni Theo.

Nakadungaw naman siya sa pinaggagagawa ko sa cellphone niya. 

Agad kong binuksan ang album niya at nakita ko naman ang pictures ko ro'n na nakakunot noo.

"'Wag mong idedelete, please?" pa-cute niyang sabi na halos bulong na lang dahil sa sobrang hina. Malapit lang siya sa may bandang tenga ko kaya naman ay maririnig ko pa rin siya. 

"'Pag gusto ko pa lang i-delete?" I arched my brow.

"Kukulitin kita buong araw!" banta niya.

Natawa na lang ako sa sinagot niya.

Imagine, a handsome grown man like him also has this childish side?

How will he irritate me though? I could ignore him for all I know.

Hinarap ko siya habang nakataas pa rin ang kilay.

"Will you really?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Ay sige, hindi na kita tuturuan kung paano magluto." Umakto siya na nagtatampo at humalukipkip.

Sumimangot naman ako. "Ganyan ka na pala ha? Sige, sa iba na lang ako magpapaturo," sabi ko at padabog na naglakad papunta sa lamesa ko.

Agad ko namang naramdaman ang kamay niya na pumulupot sa bewang ko habang ang baba niya ay hinilig niya sa balikat ko.

His body didn't touch mine, kaya hindi naman ako masyadong nakaramdan ng pagkakabalisa.

"Don't be like that, love. Alam mo namang 'di kitang kayang matiis," garalgal niyang sabi dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Inalis niya ang baba niya sa balikat ko at iginiya niya akong humarap sa kanya. His hands are still on my waist.

"At kanino ka naman magpapaturo magluto?" He raised both of his brow trying to get answers from me.

Inirapan ko siya.

"Siyempre, I could hire someone else to teach me how to cook!" I said what I immediately thought of.

"Ako na lang i-hire mo!" masayang sambit niya.

Scars of the Past (Hernandez Series #1)Where stories live. Discover now