Chapter 11

96 8 8
                                    

"Callista, can you give me a chance?" seryosong tanong sa akin ni Drake.

Nagsalubong kasi kami bago lang at 'yan ang bungad niya sa akin.

Lunch na kayo at papunta na sana ako ng kiosk, do'n na kami kakain eh, nang makita ko si Drake.

"Drake, I-i don't want to get your hopes up. Kahit ako, hindi ko alam kung may pag-asa ba'ng mangyari tayong dalawa." I was practically fidgeting.

"Hindi natin alam, Callista. Malay mo, mag work. Kaya ko'ng mag hintay," he said slowly.

"Fine.". Pumayag na rin ako.

I don't know how this works, or if it'll work, but I'll try to give Drake a chance.

"Thank you!" Akmang yayakapin niya na ako dahil sa saya, pero agad akong umatras.

"First thing's first, no physical contact." Tinaas ko ang palad ko.

"Kahit holding hands?" tanong niya na ikinailing ko. Sumipol naman siya. "Okay, I can wait." He nodded.

"Good. Pumunta na tayo sa kiosk dahil gutom na ako," sabi ko sa kanya at nilampasan siya.

Agad naman siyang nakarecover at hinabol ako, kaya ngayon ay nasa tabi ko na siyang naglalakad.

"Ikaw ang nagluto ngayon 'di ba?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang kiosk. Ang awkward lang kasi, hindi ako sanay na tahimik siya.

"Oo naman! Masarap 'tong niluto ko. Marami rin. Make sure na marami ka'ng kakainin," nakangiti niyang sabi.

Tumango naman ako.

Proud na proud siya sa niluto niya. Gusto ko rin matuto para pwede ko'ng lutuan si Alina. Gusto ko rin na makita ang mukha niyang nasasarapan sa luto ko.

Napangiti naman ako sa naisip ko.

"Parang tanga 'tong nakangiti mag-isa!" bungad ni Vee sa akin nang makarating kami sa kiosk. Ay teka, andito na pala kami?

"Ano ka diyan? May naisip lang ako." Umupo ako sa tabi niya.

"Ay! Kaya naman pala nakangiti, kasama si Drake eh." Ngayon niya lang napansin si Drake?

Lumapit siya sa akin para bumulong, "Pumayag ka na manligaw siya sa'yo?"

Tumango lang ako sa kanya. Nakita ko naman na umupo na sa harap ko si Drake, habang si Theo ay busy sa kanyang cellphone. Mukhang masama ang timpla ngayon ni Theo. Nakakunot noo siya at mukhang tense na tense.

"Anong problema ni Theo?" tanong ko kay Vee kaya napalingon siya kay Theo at kumibit balikat.

"Ewan, 'di naman 'yan ganyan no'ng wala pa kayo. Baka may kung ano siyang nakita sa cellphone niya."

Tumango-tango na lang ako, at nilabas ang tupperware ko at mga utensils. Nahugasan ko na rin 'yong tupperware ni Theo. Mamaya ko na lang ibibigay sa kanya dahil mukhang maiinis siya sa akin pag kakausapin ko siya.

Tupperware lang ang dinala ko dahil lahat ng mga plato namin ay glass, baka mabasag ko pa pag dinala ko rito.

May kanya-kanyang dala rin sila ng tupperware at kutsara at tinidor.

"Kain na!" sigaw ni Drake nang mailapag niya na lahat ng pagkain sa harap.

Masaya naman si Vee na kumuha agad. Kumuha na rin ako, tapos si Drake. Huling kumuha ay si Theo.

Sisig ang niluto ni Drake, masarap nga siya nang matikman ko.

Pagkatapos kumain, nagpasalamat naman ako kay Drake.

Scars of the Past (Hernandez Series #1)Where stories live. Discover now