Chapter 10

122 9 9
                                    

"Go, Callie," sabi sa akin ni Vee nang hindi ako sumagot.

Ayaw kong sumama mag-isa kay Drake, natatakot pa rin ako sa kung anong pwedeng mangyari.

"Papayag lang akong sasama sayo Drake pag do'n lang tayo mag-uusap," turo ko sa may bandang puno, hindi 'yon kalayuan sa kung saan kami umuupo, pero sapat na ang layo no'n para hindi marinig nina Vee ang usapan namin ni Drake.

Makikita pa rin naman ako ni Vee, kaya okay lang sakin 'yon.

"Okay," pumayag naman si Drake sa sinabi ko. Nauna siyang naglakad papunta sa lugar na tinuro ko, sumunod naman ako sa kanya.

Lumingon si Vee sa akin, "Go, Cal. I'll just watch you from here," sabi sa akin ni Vee no'ng dumaan ako sa likod niya.

"Thank you," I mouthed towards her.

No'ng tumigil na kami ni Drake sa may bandang puno, hinarap ko siya, but I still kept my distance.

"What is it, Drake?" I want him to be over with what he's going to say. Hindi pa rin ako komportable na mag-isa kasama ang isang lalaki. But I think I can trust Drake naman, right?

Tumungo siya, napansin ko naman na namumula ang mga tenga niya. May sakit ba siya?

Agad din naman niyang itinaas ang kanyang tingin, pero hindi niya ako matignan sa mata. May kasalanan kaya siya? Hindi ko rin talaga siya maintindihan.

"Drake?" tawag ko sa kanya ulit, para kasing nawawala na siya sa wisyo niya.

"A-ah, a-ano may itatanong sana ako s-sayo," kinakabahan niyang sabi. Hindi ko na makuha kung tinatanong niya ba 'yon o hindi.

"If you're going to ask me something, then go ahead Drake. I don't have all the time in the world Drake," naiinip kong sabi. Hindi naman talaga ako naiinis, sadyang gusto ko lang talagang deretsuhin niya ako.

"Pwede ba kitang ligawan?" halos mapatalon ako sa gulat sa kanyang tinanong. Gusto ko'ng deretsuhin niya ako, but not like that.

Hindi ko alam, ang gulo ko rin eh.

Tinignan ko lang siya, seryoso siyang nakatingin sa akin, but knowing Drake, palabiro 'to eh. Baka binibiro niya lang ako.

"Are you serious?" tanong ko, baka kasi sagutin ko ang tanong niya tapos hindi naman pala niya minimean 'yon, magiging katawa-tawa lang ako.

"Yes, Callista. I like you and I hope I can court you," matalim niya akong tinignan.

Seryoso ba talaga siya? Gusto niya ako? Bakit?

"I don't know, Drake," naguguluhan ko'ng sabi sa kanya. Ngayon lang kasi ako nakaranas ng ganito. Hindi ko pa naexperience ang sabihan na may gusto ang isang lalaki sa akin, and I have never imagined it.

Hindi ko naman ineexpect na may magkakagusto pa sa akin despite me having a daughter. Not being judgemental, pero gano'n talaga sa panahon ngayon, tatawagin pa nila ang anak mo as "extra baggage," as if naman gano'n tingin ko kay Alina. Mahal na mahal ko 'yon eh.

"Hindi mo ba ako gusto?" parang nasasaktan niyang sabi.

Napaisip ako sa sinabi niya, gusto ko ba siya?

I've never been in love before, kaya hindi ko masabi.

Kung pagbabasehan ko ang kanyang itsura, may itsura naman si Drake, may matipuno siyang katawan, mas matangkad siya sa akin, matangos na ilong, manipis na red-ish lips, may pagkachinito siya, o baka dahil lang 'yon sa palagi niyang pagngiti.

Hindi ko siya gusto. Oo, masaya naman siyang kasama, pero hindi ko pa nga na-o-overcome ang trauma ko. Hindi ko alam kung handa ba akong buksan ang puso ko.

Scars of the Past (Hernandez Series #1)Where stories live. Discover now