KABANATA 6

74.6K 2.2K 136
                                    

For the second time, I woke up in his room again. I don't fvckin know why, ang alam ko lang ay pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi ay nakatulog na ako.

Maybe he carried me to his car and drive home. Napatampal nalang ako sa aking noo dahil sa sariling katangahan.

Maingat kong binuhat ang sarili ko, katulad noon ay muli akong umalis ng bahay nang hindi niya nalalaman.

Hindi na ako nagtaka nang pagkauwi ko ay hindi ako tinanong ni Mommy kung saan ako galing marahil ay sinabihan na siya ni Daevon na kasama niya ako.

Damn it! Wala na talaga akong takas neto.

Sa totoo lang ay gusto ko, gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon pero natatakot ako. Si Ivann nga na hindi ko nakilalang babae ay niloko ako siya pa kayang simula palang ay babaero na.

Iwinaksi ko ang aking isip sa mga bagay na iyon. Mas mabuting hindi ko nalang iyon pagtuunan ng atensyon hanggang makaisip ako ng plano para hindi matuloy ang kasal.

Naligo at inayos ko ang aking sarili tulad ng normal kong ginagawa. Handa na akong umalis nang tumunog ang telepono ko, sa isiping si Cassandra iyon ay mabilis ko itong sinagot nang hindi tinitingnan ang caller.

"Pakiusap wag mo na akong paghahanapin ng kung ano mang prutas pa iyan" agad kong sambit pagkasagot ko.

"Then pakiusap rin wag mo akong paghanapin kada magigising ako" baritonong boses ng kabilang linya na ikinatulos ko.

"D-daevon?" nauutal kong ani at tiningnan ang cellphone ko.

Unregistered number! Shete talaga.

"Where are you?" he asked.

Napalunok naman ako saka muling ibinalik ang poise kong nawala kanina.

"Bakit mo tinatanong?" balik tanong ko.

"Pupuntahan kita" agad niyang sagot.

"What?! At bakit mo naman ako pupuntahan?" mataray at inis kong sambit.

"Seriously? Arguing on the phone?" he said and sighed in the end.

"Kung ano man yang iniisip mo, tigil-tigilan mo na yan. Hindi ko gustong makita ang pagmumukha mo. At kung pwede lang wag na wag mong ipapaalam iyang kabaliwan mong plano sa atin. Get lost!" daretyo kong sabi saka siya pinatayan ng cellphone.

Sa asar ko ay pinatay ko ang cellphone saka iniwan sa kama ko.

Panira ng umaga. Kingna.

Mabilis akong sumakay ng kotse at nagdiretyo kay Cassandra. Mas mabuti nang  doon ako tumambay ng mawala ang badvibes na humahabol sa akin ngayong araw. Baka sakaling dalhan ako ng swerte ng inaanak ko.

Pero mukhang hinahabol talaga ako ng kamalasan ngayong araw, gaunti ko ng mabuko si Cassandra sa asawa niya. Malay ko bang sumasama na pala ito sa opisina ng kaibigan ko.

Mabuti nalang at kahit papano ay mukhang pinagkalooban parin ako ng swerte nang yayain ako ng asawa niyang maglunch kasama nila. Tumanggi ako nung una kasi magiging sabit ako sa moment nila pero nung sabihin sa akin ni Andrei na may iimbitahan siya ay umoo narin ako agad.

I need a distraction.

Nauna akong naglakad sa kanila, ganun nalang ang pagpapaikot ng mata ko nang magtukaan sila sa harapan ng mga empleyado nila.

Respeto naman sa mga single na tulad ko jusko!

Sa halip na pagtuunan sila ng pansin ay tuluyan na akong nauna palabas. Baka mamaya iba pa ang gawin nila, masakit na sa mata.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon