KABANATA 12

63.4K 2.2K 247
                                    

Sa dami ng gumugulo sa isip ko hindi ko alam kung paano ko nakayanang makarating ng ayos sa kumpanya ni Cassandra.

Gustuhin ko man na ikwento sa kanya ang mga nangyayari sa akin, natatakot naman akong maapektuhan ang pagbubuntis niya. Minsan na siyang muntik makunan and I was there. Feeling ko natrauma narin ako doon kaya naman ginagawa ko ang lahat kahit sa simpleng bagay na gusto niyang bilhin ko o dalhin sa kanya.

Maayos kaming nag-usap,nag-asaran at nagkwentuhan habang magkasalong kinakain ang icecream na binili ko.

Wag sana akong antukin tulad ng sinasabi ng mga matatanda tungkol sa pamahiin ng mga buntis.

Muli niyang ipinasok sa usapan si Rozz kaya naman nagkaroon na naman kami ng debateng dalawa.

Inulit ko na naman ang pagkaobsess ni Rozz sa kanya at tulad noon hindi niya na naman iyon pinaniwalaan kesyo nakababatang kapatid ang turing sa kanya nito kaya ganun kahigpit.

Biruin mo nga naman ang kanina naming pinag-uusapan ay bigla nalang pumasok sa opisina niya. Pareho kong pinanuod ang kaibigan kong si Cassandra at ang obsess lover nito na si Rozz na mag-usap habang tinext ko naman ang asawa niyang si Andrei.

Hindi sa gusto ko ng gulo pero wala talaga akong tiwala kay Rozz. Mas mabuting nakapaligid ang asawa ni Cassandra sa kanya kapag nandito ang lalaki na ito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na nga si Andrei. Madilim ang ekspresyon nito at gigil na gigil ang kanyang panga.

Magkaibigan nga sila.

Gusto ko pa sanang panuorin ang pag-aaway ng dalawang lalaki ngunit nagsimula akong tangayin ng antok.

Kingnang pamahiin >,<

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, nagising nalang ako na nakatitig sa akin ang kaibigan ko.

Agad kong naalala ang mga nangyari,sinisi naman ako ni Cassandra kesyo ako ang gumawa ng komusyon. Natahimik naman siya nang sinabi kong wala namang masama sa ginawa kong pagpapapunta sa asawa niya maybe she think that I what I said was right.

Sa halip na lalo siyang stressin ay pinayuhan ko nalang siya na umuwi at kausapin ang asawa niya. Alam kong sa itsura niya ay inaalala nito si Andrei. Mapait akong ngumiti sa isip ko.

Hindi ko na naman maikukwento sa kanya..

Nagpaalam na ako sa kanya at tuluyang umalis. Tiningnan ko ang suot kong relo habang pababa ng building niya.

Mag-aalas tres na pala.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang groundfloor. Nang magsara ito ay napasandal nalang ako at napapikit dahil nagsimulang bumalik sa akin ang mga nangyari kanina.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nalilito ako, natatakot sa mga bagay na pupwede kong malaman. Natatakot ako na baka ikadurog ko ang mga bagay na iyon.

Ayoko na. Sawa na akong maging mahina. Sawa na akong binubuo ang sarili ko.

Kung sana lang...

Kung sana lang mahal niya ako..

Magiging madali sa aking tanggapin ang lahat..

Dahan-dahan akong nagmulat kasabay nang pagtunog ng elevator. Mabilis akong lumabas at naghanap ng masasakyan. Nang makasakay na sa pinara kong cab ay sinilip ko ang bag ko.

Natatawa akong napailing dahil ni hindi ko man lang ata nagalaw ang personal kong pera nitong mga nagdaan. Paano ba naman kasi kada may binibili ako ay nauunahan ako ni Daevon ng pagbabayad.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon