KABANATA 8

70.1K 2.3K 402
                                    

Inaayos ko ang mga kubyertos nang narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto. Agad naman akong tumingin doon, bagsak-balikat at nakatungong lumabas si Daevon na para bang pasan niya ang mundo.

Anong nangyari sa depungal na to?

"Goodmorning" pagkuha ko sa atensyon niya.

Kita ko ang paninigas ng katawan niya at saka marahang iniangat ang ulo sa gawi ko. Nagpakurap-kurap pa siya bago umawang ng kaunti ang kanyang bibig.

Anong trip ng lalaki na to?

Nagulat ako nang mabilis siyang naglakad papunta sa akin, bigla niya akong hinapit at kinulong sa bisig niya.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko dahilan para makaisip ako ng hindi magandang bagay.

Agang-aga Ayesha dilig ang nasa isip mo. Kingna.

Gusto ko ring kwestyunin ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko siyang gawin ang mga ito sa akin, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit sa halip na itulak siya ngayon ay hinahayaan ko lang itong magsawa sa pagyakap sa akin.

Baka dahil birthday niya kahapon. Yeah yeah iyon nga ang dahilan.

"Akala ko ay hindi na naman kita madadatnan paggising ko" mahinang bulong niya saka lalong ibinaon ang ulo sa leeg ko.

Nang makuntento ay unti-unti niya akong pinakawalan bago pabalik-balik na tiningnan ang lamesa at ako.

Umawang na naman ang mga labi niya saka namumungay ang matang tumingin sa akin.

Ano bang ginagawa niya? Naiilang na ko punyeta.

Bakit ba sa isip ko ako nagrereklamo at hindi sa kanya? Tsk!

"You prepared all of this?" malumanay niyang sambit.

I rolled my eyes at saka naupo sa silya na kaharap niya. "Mukha bang may iba pang tao dito?" sarkastiko kong wika.

Napanguso naman siya bago umupo. "Sinisira mo ang magandang umaga" I heard him mumbled and he looked down on the food that I prepared.

Ako pa? Siya itong mukhang engot na hindi maintindihan ang trip.

Simpleng adobo lang ang niluto ko at saka fried rice, syempre may kape rin kahit hindi ako sigurado kung nagkakape ba siya. Mukhang balak niya ring magluto dapat kagabi dahil nakahanda ang mga rekados niya sa ref, ayun nga lang pang menudo iyon. Since mas madali lutuin ang adobo iyon nalang ang ginawa ko.

Napatikhim naman ako bago siya sinalinan ng pagkain sa plato. Titig na titig siya sa akin kaya naman panay ang iwas kong magtama ang paningin namin.

Sinisira niya ang diskarte ko.

Nang natapos sa plato niya ay plato ko naman ang inasikaso ko. Nagulat pa ako sandali nang siya ang magsalin ng ulam sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kapag mag-asawa na kami ay ganito ang araw-araw naming gagawin.

Ohh ay akala ko ba tutol ka?

"Thankyou" sinsero niyang usal habang nakatingin sa akin. Ayun na naman ang abo niyang mata na dinuduyan ka sa kawalan.

Napalunok ako at napatikhim muli bago umayos ng pagkakaupo. Mahigpit kong hinawakan ang aking kutsara at tinidor dahil pakiramdam ko ay sandaling luwagan ko iyon ay mangangatal ako.

Nakagat ko ang ibabang labi ko saka siya tinapunan ng tingin. "Happy Birthday" mahinang sabi ko sapat lang para marinig niya.

Muling namungay ang mata niya saka ngumiti sa akin.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon