KABANATA 36

71.1K 2K 221
                                    

Sabay-sabay kaming bumalik kay Cassandra pagkatapos naming makakuha ng sapat na pahinga.

Masaya kaming lahat na makita na nasa maayos na syang kagalayan. Pinauna namin sa pag-uwi ang mga bata kasabay ni Tita upang kami-kami naman ang makapag-usap.

"So mind to tell me what's happening?" pagbasag ni Cassandra sa katahimikan.

"We're good" agad na balita sa kanya ni Daevon at saka ako inakbayan.

Agad na nag-init ang mukha ko dahil doon. Hindi naman iyon ang unang gustong alamin ng kaibigan ko!

"Really? Hmmm bakit ganun Ayesha sa pagkakaalala ko, you once said na paiiyakin mo ang isang yan?" nangungutyang wika ni Cassandra.

Bahagyang nanlaki ang mata ko.

Shete ka talagang babae kaaaa.

Ramdam ko ang palihim na pagtawa ni Azaia kahit pa hindi ko iyon tingnan.

I mouthed bitch to Cassandra at saka siya tinarayan.

Tumingin ako kay Azaia at saka siya pinaikutan ng mata. "Patawa-tawa ka dyan. Traydor ka." nakangusong sambit ko rito.

Tumawa lang naman ang gago bago tumingin sa nagtatakang si Cassandra.

Nagsimulang siya ikwento ang parte niya. Ganun din si Andrei, kung paano ito sumunod sa America at binantayan siya sa malayo.

Doon ko lang naisip kung bakit malimit maghanap ng ama ang anak ko, dahil iyon kay Andrei.

Nagulat pa ako at natawa nalang nang malamang sinira ni Daevon ang sasakyan ni Andrei dahil sa hindi nito pagsabi sa kanya tungkol sa anak namin.

Natapos ang pag-uusap at pagbabalik tanaw namin sa nakaraan. Kung noon ay tila masakit iyong balikan ngayon ay alam kong pare-pareho nang magaan ang aming kalooban.

Lihim akong napasulyap kay Azaia na nakangiti habang pinagmamasdan kaming lahat. She's genuinely happy for us, I can see it.

Balang araw ikaw naman ang sasaya kapiling ng binuo mong pamilya.







Nagising ako isang umaga na wala ng katabi.

"Ang aga naman ata nilang gumising" puna ko saka inayos ang aking sarili.

It's been two weeks after the incident at nasa normal na ayos na ulit ang mga buhay namin.

Lumabas ako ng kwarto upang hanapin ng mag-ama ko pero ganun nalang ang aking pagtataka ng wala akong abutang tao ni isa. Kahit ang mga magulang ni Daevon na dumating noong isang araw ay wala rin.

"Daeshaia?" I called while walking through the kitchen and still no presence of them.

Umalis ako doon at tinahak naman ang daan palabas. "Daevon?" I called but still no one answered.

Naglakad naman ako papunta likuran kung nasaan ang pool namin, thinking that they might be swimming.

"Mommy?Dadd--"

Natigilan ako sa pagtawag at paglalakad nang makita ang kabuuan ng pool area namin.

Puno ng hello kitty standee sa bawat gilid ng pool habang tadtad ng rose petals ang tubig ng pool na inihugis hello kitty rin.

Nagsimulang mag-ingay ang isang musika.

I figured it out
I figured it out from black and white
Seconds and hours
Maybe they had to take some time

Then slowly naglabasan ang mga kaibigan ko pati narin ang kay Daevon, kasama ring lumabas ang pamilya ko at ang kay Daevon. May hawak silang tig-iisang puting rosas. Gusto ko pang matawa dahil may mga palawit iyong hello kitty.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon