KABANATA 34

70.8K 2.1K 159
                                    

DAEVON'S POV:

Ilang oras na akong nakatitig sa kanyang mukha. Until now hindi parin siya gumigising. What happened earlier really drained her.

Nakarinig ako ng katok sa pinto kasabay ng pagpasok ng kaibigan kong si Xenoah.

Tipid akong ngumiti sa kanya nang makalapit ito sa akin kasabay ng marahan niyang pagtapik sa balikat ko.

"I owe you a lot" I said emotionally at muling pinagtuunan ng pansin ang aking asawa na nakahiga sa hospital bed.

Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko at pinagmasdan din si Ayesha.

"She really loves you" he said in the matter of fact tone.

Malungkot akong napangiti at napapikit.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako doon o hindi." nanghihinang usal ko bago idinilat ang aking mata.

Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha.

"Sa pagmamahal niya sa akin ay muntik na siyang mawala. Hindi lang siya pati narin..." napalunok ako at pinasadahan ng tingin ang kanyang tyan.

"ang magiging anak namin" pinaghalong lungkot at saya kong dugtong.

Naramdaman ko muli ang marahang pagtapik ni Xenoah sa balikat ko.

"Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Alam kong mahal niya ako pero hindi ko naisip na pipiliin niyang ilagay sa kapahamakan ang sarili niya para lang protektahan ako." pagkukwento ko habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Kung paano ako nabigla at natakot nang sandaling magkapalit kami ng pwesto. Kung paano tumigil ang paghinga ko nang makita ang pagpikit niya pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon.

"Calm now fvcker. Everything's okay" mahinang sambit ni Xenoah bago naglakad papunta sa isang sofa kung saan pwedeng maupo ang mga dalaw ng pasyente.

Sinulyapan ko siya at tipid na nginitian.

"Kung hindi ka dumating ay baka napahamak na ang mag-ina ko. Salamat talaga, maraming salamat." puno ng takot kong sabi at napabuga ng hininga.

Nakatutok sa akin ang baril ni Ellaine habang magkatitigan kaming dalawa.

I closed my eyes as I sincerely talk to him.

Lord kung sakali na mapahamak ako ngayon pakiusap iligtas niyo ang asawa ko.

I prayed in my mind as slowly opened my eyes.

I am shocked to see Xenoah on Ellaine's back.

"Goodbye Daevon" usal ni Ellaine dahilan para mapunta muli sa kanya ang aking atensyon, unti-unting dinidiinan niya ang gatilyo ng baril.

Inihanda ko na ang aking sarili sa paparating na tama ng baril kung sakaling hindi mapigilan ni Xenoah ang mga mangyayari pero ganun nalang ang gulat ko nang hilahin ako ng nasa likuran ko at mabilis na palitan ang aking pwesto.

She hugged me tight like protecting me for any kind of hurt.

NOOO!

A loud gunshot echoed.

"Iloveyou" she sincerely whispered before losing her consciousness.

Agad ko siyang niyakap bilang suporta at nanginginig na kinapa ang kanyang likod.

No blood.

Doon ko lang nagawang silipin ang direksyon ni Ellaine.

She's unconsciously lying on the floor while Xenoah tying her hands in the back.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon