KABANATA 22

58.9K 1.9K 110
                                    

It's been two weeks and I could say I barely living.

Pinutol ko lahat ng koneksyon ko sa Pinas. I need space, I need to forget everything, I need to heal.

"You need to eat bitch" sambit ni Cassandra nang makapasok sa kwarto namin. Dalawa lang ang kwarto dito sa bahay niya, ang isa ay pinagamit namin kay Azaia habang magkasama naman kami sa isa.

May hawak itong tray na nasisiguro kong may lamang pagkain habang nakatingin ng may pag-aalala sa akin. Palaging ganito,kung hindi niya ako pipiliting kumain ay hindi ko pa maiisipang kumain.

We are three in the house--Cassandra,I and her nurse Azaia. Nagulat ako dahil malaki ang tyan niya nung dumating ako isang linggo na ang nakaraan, duon niya nakwento na nabuhay ang isa sa kambal niya kaya agad siyang kumuha ng personal nurse sa takot na may mangyaring masama sa kanya. Masaya ako sa kanya ngunit hindi ko magawang magpakasaya ng todo dahil sa aking sitwasyon.

Nakwento ko narin sa kanya ang nangyari sa akin. Gulat na gulat ito nang malaman na kasal na ako kay Daevon at bahagya pang nagtampo dahil inilihim ko sa kanya iyon. Naintindihan niya rin naman ang aking rason kung bakit hindi ko mabanggit sa kanya ang mga nangyayari sa akin noon. Nagpasalamat pa siya sa akin dahil wala daw akong inisip kundi ang kalagayan niya.

Marahan akong bumangon sa pagkakahiga at tipid siyang nginitian. Ipinatong niya naman sa side table ang dala niyang pagkain bago marahang hinaplos ang buhok ko.

"Naiintindihan ko na nasasaktan ka but you need to fight Ayesha. Eat and fix yourself bitch" she said and left the room.

I took a deep breath and gave out a deep sighed as I looked at the door where she left.

Pare-pareho kaming may pinagdadaanan pero heto ang kaibigan ko, nanatiling matatag at lumalaban para sa sarili niya habang ako, tila nawalan ng gana sa lahat.

Hindi ko magawang kontakin ang pamilya ko dahil natatakot akong marinig ang disappointment nila sakin. Sabihin ko man sa sarili ko na walang nangyari sa amin ni Ivann that wouldn't change the fact that Daevon saw us together naked. Wala akong kahit anong pruweba na naset up ako.

Muling nag-ulap ang mata ko sa isiping hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon ng asawa kong magpaliwanag o patunayan ang sarili ko. Sa halip ay ginawa niya ang iniisip niyang ginawa namin ni Ivann. Phottangna.

Tumingala ako at pinigilan ang luha kong pumatak.

Tama na..

Napakahaba na ng dalawang linggo para saktan ng saktan ang sarili ko. Kailangan kong bumangon. May kaibigan pa ako na laging nandyan para sa akin at nadagdagan pa iyon ng isa pa. Kahit ilang linggo ko palang nakilala si Azaia ay masasabi kong totoo siya, the way she looked at me with concern in her eyes proves that she's a good person.

I need to be strong..

Napagdesisyunan kong kainin ang dala ni Cassandra kaya naman unti-unti akong lumapit sa mesa at binuksan ang nakatakip doon. Ngunit agad ko rin iyong naisara nang sumingaw doon ang hindi kanais-nais na amoy.

Gamit ang natitira kong lakas ay mabilis akong lumabas ng kwarto at nagtatakbo sa kusina saka doon nagsuka ng nagsuka. Parang hinahalukay ang kaloob-looban ng tiyan ko kahit pa pakiramdam ko ay lahat naisuka ko na.

Pakinig ko ang mabilis na kilos nina Cassandra at Azaia. Pareho silang nasa magkabilang tabi ko habang sabay na hinahagod ang aking likod.

Halos magtuluan ang pawis sa mukha ko nang matapos ako sa pagsuka. Napasandal nalang ako kay Cassandra dahil sa panghihina at kaunting liyo na nararamdaman ko.

"Magmumog ka muna" wika ni Azaia sa gilid ko at inialalay sa akin ang hawak niyang baso na may lamang tubig.

Sinunod ko naman ang gusto niya bago kami naglakad papunta sa sala. Tahimik lang si Cassandra sa tabi ko habang inalalayan akong makaupo sa sofa habang maingat naman akong pinanunuod ni Azaia na tila may iniisip.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon