Simula

144 35 11
                                    

Poor

"Yunaaaa! Aba'y gumising kana tatanghaliin ka sa pagpasok mo sa paaralan, magdedeliver ka pang bata ka!"

Napabalikwas ako ng marinig ang boses ng aking tiyahin kay aga-aga, nang-sesermon na naman.

Ano bang oras na?

Tinignan ko ang oras at doon lang ako natauhan at nagising, tuluyan na ring bumangon.

Sakto ang oras na ito sa pagpasok ko sa school pero may mga kakanin pa akong dapat na ideliver, at paniguradong malelate ako neto.

Dali-dali akong naligo at nagbihis ng uniporme hindi na ako nakapag almusal ng maayos, kumuha na lang ako ng pandesal para may makain ayaw ko namang magutom sa klase mamaya... at lumabas na para kuhanin ang bisekleta ko. Ito lang ang gamit ko tuwing mag d-deliver, papasok at uuwi galing sa school.

Tulad ng inaasahan nalate ako sa unang klase, hindi ito ang unang beses pero hindi naman ito palagi.
Hindi ko dapat panatilihin ang gano'ng behavior.

Habang nagkaklase ay nakaramdam ako ng gutom. Hindi ako nakapag almusal ng maayos dahil sa pagmamadali kanina. Akala ko naman ay ayos na 'yon.

Yuna, mag-isip dalawa lang kaya 'yung kinuha mo!

Normal lang ang nangyari sa school, as usual nakakaantok at nakakatamad pero kailangan kong makinig kahit na kumakalam ang sikmura ko, dahil ito ang tanging paraan para maging magaan ang aming pamumuhay, pasalamat pa nga ako sa tiyahin ko dahil pinag-aaral niya pa rin ako kahit hirap kami sa buhay.
(Pero nagugutom na talaga 'ko)

Habang nagk-klase ang teacher namin bigla na lang biglang bumuhos ang ulan. Nalipat naman doon ang atens'yon ko, pa'no naman ako makakauwi? E wala akong payong?

Bago pa tuluyang matapos ang klase para sa araw na 'to tumigil naman iyon agad.
Bigla akong nakahinga ng maluwag.

Pero... nakinig ba 'ko?
Sana naman may matandaan pa ako.

Habang pauwi, ay may sasakyan na dumaan at dahil katatapos lang umulan kanina at sa bilis ng sasakyan na iyon, tumalsik sa akin ang tubig na maputik mula sa aking dinadaanan.

Biruin niyo 'yon? Ako na tahimik na masiyang nagbibiskileta, bigla na lang matatalsikan ng putik?
Hindi sa maarte ako para 'di gustuhin ang putik na nasa uniporme ko ngayon pero...

"Aishh, Pagagalitan ako ni tiya nito pati mahihirapan pa akong labhan ang uniporme na ito dahil sa putik." bulong ko sa sarili ko.
"Mga mayayaman nga naman." Habol ko pa dahil sa irita.

Hindi porke maganda at mamahalin ang sasakyan nila ay gan'yan na sila umasta sa kalsada. Hindi naman sila ang nag mamay-ari ng kalsada at hindi lang sila ang nadaan doon!

Nakarating ako sa bahay na marumi at basang basa, nasermonan nga ako ng tiyahin ko. At kung ano-ano pang pangaral ang sinabi.

Hindi ko na lang sinabi ang tunay na dahilan at tahimik lang akong nakinig sa sermon niya, sanay na ako at hindi ko ugaling sumagot sa kaniya.

Lumaki akong may respeto at paggalang sa mga nakakatanda, at dahil din sa palagiang pangangaral ni Auntie ay alam ko ang dapat at hindi dapat na gawin.

Lagi naman siyang galit lalo na 'pag may masama akong nagawa. Kahit na hindi naman talaga ako ang may kasalanan, lalo ngayon. Naiintindihan ko naman kung bakit niya 'yon ginagawa.

Naggawa na lang ako ng aking assignment at nag-aral ng kaunti para bukas, lalabhan ko na rin ang aking uniform.

Simula nang mawala si mama sa tabi ko no'ng ako'y siyam pa lang ay natuto na 'kong tumayo sa sarili kong mga paa at mamuhay ng hindi nakadepende sa iba.
Dahil hindi ako pinabayaan ng mama at auntie ko.

Ang tiyahin ko na lang ang aking kasama 'mula pagkabata, hindi na siya nagkapamilya pa nang mamatay si mama. Dahil siya na lang ang naiwan para magbantay sa akin.
Kaya gano'n na lang niya ako pahalagahan at gano'n din ako sa kaniya.

Ako pa ang dahilan para hindi siya magkaroon ng sarili niyang pamilya.

***

Kinabukasan ay gano'n pa rin ang ganap, nagdeliver ako ng kakanin na gawa ni Auntie Len at pumasok sa school. Hindi ako na late ngayon kaya maayos ang araw ko sa school.

Hindi ako nagutom, at kung umulan ay nagdala na rin ako ng payong.
Gusto ko naman na makinig sa klase ngayon.

Habang na sa daan pauwi ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng sasakyan. Muntikan na ako masagi nito at buti na lang ay nakatabi agad ako.

Sobrang bilis ng patakbo ng kung sinong nagmamaneho roon. Hindi ko naiwasan ang mapasigaw sa galit at gulat dahil sa pangyayaring 'yon, lalo na sa nagmamaneho ng magara at mamahaling sasakyan.

Akala naman niya kung sino siyang hari ng kalsada e, hindi naman.
Mukha pa siyang nanggugulo e.

Dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng mga pinabibili ni Auntie Len, pagkalabas ko dala ang mga pinamili ay may isang sasakyan ang nakaakit ng atensyon ko.

Kulay itim at madalas ko itong nakikita sa mga palabas sa tv, 'yung karera.

Pinagkatitigan ko iyon ng mabuti. Alam ko kung saan ko iyon nakita...

Ngayon ko lang naalala.
Ito 'yung sasakyan na ilang beses nang pumuperwisyo sa akin. Yung kahapon at kanina lang.

Napatalon ako sa gulat nang may marinig na nagsalita mula sa likuran ko.
Nakakakilabot ang presensya nang kung sino man 'yon.

"A poor like you can't afford to buy this kind of car, that's why you're looking at mine." Matigas na ingles ng isang gwapo, sumisigaw ng karangyaan ang mga gamit. Mukhang may lahi sa kulay pa lang ng balat at ng kaniyang mata.

Kung gayon, siya ba ang may ari ng sasakyan na iyon? Psh, yabang masyado.

Hindi ako nagsalita kasi hindi naman 'yon totoo, agad akong naliwanagang sa kaniya iyon nang pinatunog niya ito at pumasok siya sa magarang sasakyan ng nakangisi at agad na pinaharurot iyon paalis sa parking lot ng convenience store.

Saglit pa akong nanatili sa kinatatayuan dahil sa pangyayaring 'yon.

Tinitignan ko lang naman 'yon dahil pangalawang araw na 'to sa tuwi' na lamang ay pauwi ako, no wonder kung bakit ganon ang ugali sa kalsada dahil gano'n din naman pala ang ugali ng nagmamaneho, tss.

Pero ang isipin niyang ginugusto ko ang sasakyan niya nagkakamali siya.
Minsan ko na ring pinangarap 'yon pero hindi naglaon ay nawala rin.
Mas gugustuhin kong gamitin ang pera sa kailangan at hindi sa pansariling kagustuhan.

___..

Thrill Of Speed | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon